Ch. 87: Informations

9 3 0
                                    

Steph's POV

Pumunta muna kami sa mansion ng family namin dahil according to my ugly kuya ay don nakatago yung key

Pagpunta namin don ay wala si mommy kaya I felt relieved habang hinihintay si hyung na kunin yung susi. Naginarte pa siya pero matapos ko siyang masapak at malagyan ng black eye sa kaliwang mata niya ay don na niya kinuha yung susi na tinago pa talaga sa office ni dad dahil alam niyang hindi ko pagsususpensyahan yung office ni dad tss

"The key" sabi ko habang nakalahad ang kamay ko, nakanguso naman niya iyong ibinigay sakin

"Pwede niyo naman silang labanan ng walang armas ah" nakanguso parin niyang sabi, napa gago-ka-ba-look naman ako sakanya

"Whatever. Geh, uwi na ako" sabi ko at tumalikod

"Mag-ingat kayo ah!" Sabi niya pa, tinaas ko lang yung kamay ko bago tuloyang umalis at pumuntang mall muna, dun sa cafe ni tita Tracie para ipaalam sakanya yung mangyayari

Syempre nagalit at sinermonan niya ako pero wala din naman siyang magawa pagkatapos. Don naman siya magaling, ang pagsasayang ng saliva niya sa pagsesermon eh sa huli naman ay papayag din naman tss

Bata palang kasi kami ay palagi namin sinasabi ang lahat sakanya—lahat ng labanan na papasokan namin. Siya lang kasi yung may alam sa family namin except kay hyung and oo nga pala pati na din si Nay Emma yung parang manager ko na din sa resort ko dahil mula nong pagpatayo nong bahay na ngayon ay parang hotel na din ay nandon siya para panatiliing maayos at malinis iyon

Pagkatapos ng mahabang sermonan ay umalis na ako agad at dumeretso na sa bahay

"Oy, andito na pala si Steph" rinig kong sigaw ni Alex mula sa sala kung saan ko sila nakitang lahat, nandoon na din sila Eris at sila Noona—lahat ay nandon na

'Ganon ba katagal yung pinaggagawa ko at nahuli ako? Tss'

"Tagal mo naman" nakangusong sabi ni Kyla, binaliwala ko lang siya at sumiksik sa gitna nila Noona and Bri na nakaupo sa couch

"Yah!" Singhal ni Noona habang si Briana naman ay kinunotan ako ng noo

'Tss. Parang naging masmisterious na si Bri kesa kay Noona ah'

Napangisi ako sa naisip ko at binaliwala yung angal nilang dalawa at nilingon nalang sila Eris and Paul

"So.. any info's?" Tanong ko sakanila, nagkatinginan naman sila at bumuntong hininga

"Actually, we didn't find anything about the new leader" panimula ni Eris

"Tulad ng hinala ay parang may mataas itong posisyon o mayaman ito kaya natatago ang mga bagay na ito. Wala talaga kaming mahanap, even clues ay wala" sabi naman ni Paul kaya napabuntong hininga ako

"We went to some intelligences, companies, and other stations na pwedeng makahanap ng informations, but nothing's suspicious. We tried, but we didn't get anything. I'm sorry" yumuko si Eris, bumuntong hininga nalang ako

Kahit ako pa naman noon ang leader ng Cyphers ay walang mapapatunayan ang intellegence o mga police o mga ewan ko pa dyan na leader ako ng mga gangsters. Gangsters do illegal things din at di maiiwasang may nagpoprotektang police, sundalo, politics, business men, or other highly positioned people o mayayaman. Pero noong leader pa ako ay hindi ako nagtetake over ng mga ilegal na mga bagay-bagay at kay Kiko ko na iyon ibinigay dahil adik naman yon tss

Well, maraming may alam na mga estudyante na I'm a gangster leader. Pero binabaliwala lang ng ibang tao yun dahil ang alam lang nilang definition sa gangster ay bad guys and they don't even believe that gangsters kaming pitong babae dahil tulad din ng alam nila ay ang mga gansters ay bad guys—na mga lalaki lang ang mga sumasali sa ganon. Well, ang mga naniniwala lang na gangsters kami ay ang mga estudyante na nakikita ang mga gawa naming pangbubogbog. Pag sinusumbong naman kami ay di naman din sila pinaniniwalaan at sinasabing mga bad girls lang kami o di kaya mga suwail at malditang mga babae kaya nakiki-away kahit saang school

When we're still young kasi, kahit nong hindi pa kami gangsters ay palagi kaming dumadayo sa ibang school at nakikipagbugbogan—mapababae man o lalaki. Hindi naman din sila pinaniniwalaan at dahil takot din silang mawalan ng scholarships, trabaho o ano pa mang importante sakanila ay walang pumipigil sa amin at tumitikom nalang

All the students everywhere ay kilala kami—na gangsters kami, pero yun lang ang alam nila at na mayayaman kami kaya napapatikom namin ang mga bibig nila at baka mawala agad sila sa mundo kung subukan nila

But madalas nalang ako makipag-away sa ibang schools simula nong umalis sila Noona at ayaw ko namang idamay masyado si Crystal dahil sinali ko lang din siya—I trained her and tested her dahil pinilit niya ako. Vohn and the others was still there at huling nakita namin sila nong na hospital si Crys—

'Wait a minute! Nasan na kaya yung mga ulopong na yun!?'

"May nakuha ba kayong impormasyon kela Vohn?" Tanong ko naman sa dalawa pagkatapos mataohan sa pagrereminisce ko

"Well.. may nakita ako sa isang police station dahil nakulong daw siya kasama sila Harry and Samm, 2 months ago pero nakalaya din. Naghanap din ako doon sa mga personal infos nila at may mga nakita akong address ng mga tinirhan nila dahil marami yon" paliwanag ni Paul

"Pinuntahan niyo ba?" Tanong ni Briana, napakamot naman ng ulo yung dalawa

"Hindi kasi si Eris!" Nakangusong sabi ni Paul habang nakaturo pa kay Eris na nagulat naman

"W-what? Why me? Eh ikaw nga eh! You used me as a bait pa nga para makapasok sa loob eh!" Nakanguso at inis na sabi ni Eris, natawa naman yung iba habang ako naman ay napa ngisi-ngisi nalang

Eris was pretty and also sexy—lahat naman kami, but siya yung palaging naming ginagawang bait din pag may gusto kaming pasukin. Hindi kami nagnanakaw ah, hindi kami tulad ng ibang gangsters, but pag may gusto kaming mahanap na impormasyon o mga papeles about sa taong gusto naming kalabanin ay si Eris yung naglilibang sa mga guards o mga tao doon—sila ni Jacky and duo palagi wahahaha!

"Atleast may nakuha tayo, okay?" Pagtataray naman ni Paul at tumayo para ibigay sakin yung mga folder, tiningnan ko naman yun isa-isa at mga informations pala yun nong pito at andoon din yung mga details ng dahilan ng pagkakakulong nila. May iba't ibang address din sila at may mga address din don nang mga lugar na tinirhan nilang lahat

"Good job" nasabi ko nalang at ibinigay sakanya ulit iyon "Punpuntahan natin lahat ang lugar na yan bukas" sabi ko at napalingon kay Christian na parang manghang-mangha na may pagtataka sa mukha na nakatingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at imbis na magulat ay ngumiti pa ang ugok tss "Sasama na kayong tatlo Bri, Ky, and Jacky dahil kulang kung kaming lima lang at baka tumakas pa yung mga yon tss" sabi ko pa habang nililingon yung tatlo

"Eh sino magbabantay sa kanila?" Kunot noong tanong ni Bri habang nakaturo kela Chris, napalingon naman ako kay Crystal na nagulat pa nong magdapo ang paningin namin

"Kaya naman ni Crystal, right?" Nakangiti ko pang tanong habang nakatingin kay Crystal na napalunok pa

'Cuteeee!'

"Kate, no—"

"Nakita mo na din si Crystal makipagbugbogan ah. Dati rati ay pinupuri mo pa siya nong malampasan niya yung mga training natin sakanya, anyare ngayon?"

"Nakikipagbugbogan ka din!?" Gulat na tanong ni Chris kay Crys na nahihiyang napatango

"Mukhang inosente lang yan pero hindi talaga" asar ni Alex kaya nahihiyang binatokan siya ni Crys "Oh diba, amazona din" asar pa nito kaya natawa yung iba

"Pero nakikipag laban ka talaga, Crystal?" Tanong naman ni Alliah

"Aba, oo! Manhid sa sakit yan eh" asar naman ni Jacky kaya napanguso si Crystal

"W-wag niyo nga a-akong asarin" natawa nalang kami dahil nahihiya na talaga si Crystal dahil ang pula-pula na niya "D-di pa naman ako masyadong magaling, Steph eh" sabi niya pa sakin

"Ulol. Believe in yourself lang, Crys. Wag mong isipin yan at di yan solusyon sa pagliligtas ng taong malalapit at importante sayo" palihim naman akong napatingin kay Chris at umiwas na din agad "Sayo ko ipagkakatiwala ang kaligtasan nila bukas kaya maghanda ka. Pwede mo naman kaming tawagan kung may napansin kang kakaiba—period!" Pagtatapos ko at baka umangal pa siya kaya napatango nalang siya kahit naiilang parin

'You're stronger than you think, Crystal. Just believe in yourself as i believe in you'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon