Ch.8: Snob

42 10 0
                                    

Steph's POV

'Nasan na kaya sila Briana, Jacky at Crystal? Kanina ko pa sila di nakikita ah, simula nong nagwalkout ako dun sa gagong Paul na yun, tss! Humanda talaga siya sakin! pagmakita ko siya, lagot talaga siya sakinnn!'

Pagpasok ko palang sa room, ang gugulo nila pero nong nakita nila ako ay agad inayos ang sarili nila at umupo sa mga upuan nila. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin yung dalawa, Nakita ko naman kaagad sila.

Nagbubulungan sila ng pinakamahina kaya di ko naririnig ang ano mang pinaguusapan nila

"Wuyy!" Sabi ko sakanila habang naka smile pero di nila ako pinansin, tinaasan lang nila ako ng kilay

'tss! Ano bang problema nila?'

"Oh bakit di niyo ako pinapansin?!" Irita kong sabi pero di parin nagbabago ang reaksyon nila saken

'Bakit di nila ako pinapansin? Dapat ako nga ang magalit o magtampo sakanila kasi di man lang nila ako hinanap at kinomfort dun sa gagong Paul na yun! Mabuti nalang dumating sila ate Christine hehehehe!'

"Huy! Ano ba? Ako nga dapat ang may karapatang magtampo! Eh wala nga kayong pake sakin eh!" palihim akong napanguso at ng tingnan ko ulit sila ay nakakunot na ang mga noo nila sa sinabi ko

'May problema ba sa sinabi ko?'

"Ano!?" Sabay nilang sabi na kinagulat ko

"Oh!? Totoo naman ah! Mabuti pa nga sila ate Christine andon, tss!" Taray ko, eh totoo naman ah!

"What the!!" singhal ni Crystal

"Kami kaya ang unang pumunta dun! Naunahan lang kami nung mga yun! Tingnan mo.. Pawis na pawis nga kamibakit? Kasi lang naman ay tumakbo kami nonstop, para makita ka hanggang sa naalala namin na sa rooftop ka pala pumupunta pagmalungkot ka tapos tama nga ang hinala namin. Kaso.. lalapit na sana kami sayo nang unahan kami nung mga bago mo, tss!" Pagmamaktol ni Briana

'So yun pala ang nangyari? hmm..'

"S-sorry.." Sabi ko habang nakayuko

"Tss!" Narinig kong singhal nila.. Ito nanaman kami tss!

Nagsibalik na kami sa mga upuan namin kasi dumating na yung teacher namin at nagsimulang maglecture. Nagsasalita siya pero di ko naman maintindihan dahil sa lutang kong isip na iniisip ang mga nangyari kanina..

'tss! baka bumalik yung dati-- wait! Sana wag naman!'

'Last year kasi nagtampuhan kaming tatlo. Selosa kasi mga tropapengs ko eh, lalo na kela ate Christine at Alex. Palaging nagseselos yung tatlong yun kasi mas pinapriority ko daw sila ate Chris kaysa sakanila, tss! di ko nga kinaya yung 3 months, 2 weeks, 4 days, 17 hours, 35 minutes and 6 seconds naming tatlo na di nagpapansinan. Oh di ba, memorize ko lahat ng details hahahayst!'

Ako yung nagbigay o unang nagpabati kasi di ko na kinaya na hindi sila pansinin eh. Umiyak pa nga yung mga ugok na yun habang hinuhug ako ng mahigpit. Miss na daw kasi nila ako at di na din nila kaya kasi miss na miss na daw nila ako, aughhh so shwiittt!

Bigla akong nagising sa realidad pero pagtingin ko sa paligid ko ay wala ng tao. Di ko namalayang uwian na pala. Tiningnan ko ang upuan ni Briana pero wala na siya. Ganun din kay Crystal at kay Jacky.

'Hmm.. Di nila ako hinintay'

Crystal's POV

Nakikita ko sa mukha ni Steph na malalim ang iniisip niya kaya pinagmasdan ko lang siya

'Ano kayang iniisip niya? natatakot pa naman akong baka mangyari nanaman yung kinakatakutan kong araw huhuhu! Yung last year na di namin pinansin si Steph hmp! Sana di yun mangyari ulit..'

Uwian na pero ganun parin ang itsura ni Steph. Hindi parin nagbabago. Tulala parin. Wala na akong ibang magawa kundi kunin nalang ang mga gamit ko at agad na nilapitan si Briana.

"Pstt! Ano kayang iniisip niya?" Napansin niya din pala

"Di ko nga din alam eh.. Let's just give her some space" sabi ko na tinanguan lang niya

Briana's POV

Napagisipan namin ni Crystal na hintayin sila Paul sa parking lot, doon sa kotse niya para pagbayaran yung ginawa niya. Syempre alam ko din yung kotse niya at plate number kaya siguradong makikita namin yun. At tyaka buto pa naman ako sakanya para kay Steph, kaya lang.. nakakabadtrip siya eh!

Ilang oras na kaming nandito sa tabi ng kotse ni Paul na parang beggar sa hagard na face namin tss! Naghintay ulit kami ng ilang minuto pero wala parin sila. Nakakapagtaka lang dahil nandito pa naman yung kotse niya. Naiirita na tuloy si Crystal, lalo na ako! ayuko na ring tumagal dito kasi parang may kakaiba eh..

"Aish! Ang tagal naman!" napakamot ng sintido si Crys sa inis

"Kaya nga eh!" maktol ko

"Sigurado ka ba na kotse to ni Paul? eh baka naman hindi!" Sabi ni Crys sakin

"Ah basta! alam kong ito yung kotse ni Paul!"

'sigurado ako! siguradong sigurado!'

"Tara na nga! umuwi na tayo!" maktol niya

"Mabuti pa nga"

'dahil takot na ako dito, promise!'

Di pa kami nakakailang steps papalayo sa kotse ni Paul nang biglang may humablot samin

'Ahh! sino silaaa?!!'

"S-sino k-kayo?" kabado kong tanong dahil takot na takot ako sa mga oras na to

'Oo gangster kami pero wala si Steph eh, siya yung nagpapalakas sa amin at nagpapalabas ng totoo naming lakas. Pero wala si Steph ngayon eh. Pano na to? Wahhhhh! We're dead!'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon