Ch.25: Truth

29 5 0
                                    

Steph's POV

Paggising ko kinaumagahan ay tulog parin sila kaya bumangon ako at pumunta sa kusina

"Yaya! Nagluto na ba kayo?" tanong ko

"Opo, miss.." sabi niya habang nakayuko

"Good" bumalik ulit ako sa Guest Room. Nakita ko naman si Noona at si Briana na gising na

"Good morning.." sabi ni Briana habang iniistretch yung kamay niya

"Noona, can we talk?" kahapon ko pa kasi iniisip yung mga nangyari sakanila

'Ano ba kasing nangyari sa kanila at pinalayas sila? tss!'

Pumunta kami ni Noona sa sala at umupo

"Noona.. what happened?" Seryoso kong tanong pero umiwas lang siya ng tingin, alam kong nagets niya yung ibig kong sabihin "Kheena!" seryoso kong sabi

'Ano ba kasing nangyari sa kanila?'

Kheena's POV

'Shit! Sasabihin ko ba? Eh kinakabahan ako eh! Tss! Alam ko kasing di titigil si Kate sa katatanong at baka magalit lang siya pag di ko sinabi. Matagal na naming kilala si Kate kaya alam namin kung ano ang ugali niya'

"Kheena!"

'Ayan na tuloy..'

"Tss! sige na nga!" napalunok ako

"Ano nga?!"

"Eh kasi.. last week pa talaga ako nandito. Inunahan ko yung iba kasi may gagawin pa ako dito, dahil kay Mom and Dad. Nung papunta na ako dito bigla akong pinauwi nila Mom kasi tapos na daw yung dapat kong gawin dito sa Philippines pero di ako umuwi. Hindi naman ako dumeretso sa amin, alam mo namang mula pa noon ay sa Condo ako nagiistay diba? ayaw ko kasi sa Bahay, palagi akong under eh tss! so napagisipan kong  magrent na lang ng Bahay, wala na din kasi yung Condo ko. Di rin alam nila Mom and Dad dahil sigurado akong papauwiin nila ako tss! ayaw ko na sa Korea. Gusto ko dito sa Philippines tss! pero ang problema ay maliit nalang yung pera ko sa bank account ko at nung sinabi ni Kyla na andito na sila ay pinadiretso ko nalang sila sa nirentahan kong Bahay. Kahapon palang sila dumating pero kanina kami pinalayas tss! maingay daw kami at nakakaisturbo sa iba tss!" Totoo lahat ng sinabi ko pero nagulat ako ng tawanan lang ako ni Kate tss! Napahawak na nga siya sa tiyan niya habang tumatawa tss! ako naman ay tinaasan lang siya ng kilay

"Hahaha! Yun lang kaya pinaalis kayo dun? hahahaha!" Tumawa ulit siya ng tumawa

"Tss! Pinahiya nga kami eh!" napaiwas ako at naramdaman ang pagupo niya ng maayos kaya nilingon ko siya at nakatingin na siya ngayon sakin ng seryoso

'Lagot! ba't ko nasabi yun?!'

"Sinong nagpahiya sa inyo!?" Seryoso niyang sabi. Ayaw niya kasing may umaaway o nagpapahiya isa samin "Noona.. nugu!??" pagdidiin niya

(Nugu = who)

"Kate.. pabayaan mo na" Awat ko, bumuntong hininga naman siya

"Eh.. saan naman kayo nagparenta?" inosente niyang sabi "Noona.. naneun danji mudgoissda" inosente niyang sabi

(Naneun danji mudgoissda = i'm just asking)

"Kate.." pagdidiin ko, pinapaintindi kong ayaw ko talagang sabihin sakanya

"Kheena.." pagdidiin din niya, seryoso na siya ngayon, tinawag na niya kasi ako sa totoo kong pangalan tss! napabuntong hininga naman ako

"Duon sa malapit sa mall.." napabuntong hininga ulit ako

"Tss.. okay" Bigla siyang tumayo

"What are you doing?" nakakunot noo kong tanong

"Kakain na kasi ako, gutom na ako eh" sabi niya pero pinanlisikan ko lang siya ng mata

"Tss!" singhal ko nalang at nilingon siya dahil bigla siyang naglakad kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa Guest Room

"What?" tanong ko dahil nagiiwas sila ng tingin samin

"Gising na pala kayo" sabi naman ni Kate "achim meogja" aya niya dito, tumango lang siya

(Achim meogja = let's eat breakfast)

"O-okay.." sabi naman nila kaya agad kaming pumunta sa kusina. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay biglang nagsalita si Kate

"Narinig niyo noh?" bigla niyang sabi kaya lahat kami ay napalingon sa kanya pero siya ay nakatingin lang sa pagkain habang ngumuya-nguya "naneun mudgoiss-eo" sabi niya ulit habang nakatingin parin sa pagkain niya

(Naeun mudgoiss-eo = i'm asking)

"N-nae" sabi nila kaya napalingon naman ako sakanila

"Tss! Maghanda kayo at may pupuntahan tayo" sabi ni Kate at biglang tumayo at umalis

"Noona, Bakit mo sinabi?" Nagpout na sabi ni Eris

"Kilala natin siya ,guys. Hindi siya tumitigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot" seryoso kong sabi

"What do you mean?" Sabay na tanong ni Briana at Jacky

"Nothing" Sabi namin

"Wuy! magayos na kayo" biglang nagsalita si Kate mula sa taas kaya nilingon namin siya "magbihis na kayo, ppalli!" dagdag niya pa kaya agad kaming napasunod at dumeretso sa Guest Room at sunod-sunod naligo at nagayos

(Ppalli = hurry up)

Pagkatapos, bumaba na kami at pumunta sa sala kung nasan si Kate nakaupo ng pandekwatro

"Gaja" sabi ni Kate at tumayo at lumabas

(Gaja = let's go)

Sumunod na lang kami papuntang Garage kung saan dumeretso si Kate. Hindi na ako nagulat ng makita ang sangkatutak na iba't-ibang kotse, mga collection niya. Mahilig kasi kami sa kotse, lalo na siya. Pinili niya yung Chevrolet Traverse na kotse dahil may 8 seater yun. Senenyasan niya kaming sumakay kaya agad kaming sumakay habang mangha parin. Mahilig kasi talaga kami sa mga kotse! Pinaandar niya kaagad ito ng makasakay kami at pumunta sa kung saan..

'Sana hindi doon sa rinentahan namin kami pumunta.. sana wag dun..'

Ang bilis naming makarating sa distenasyon namin kaya bumaba na kami

'P-pero bakit andito kami...?'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon