Ch. 88: Hide out 1

9 2 0
                                    

Steph's POV

"Noona, Liah, junbi doeeossnayo?" Tanong ko agad pagkatapos ilagay ang dagger sa loob ng leg holster ko

(junbi doeeossnayo? = are you ready?)

Napalingon ako don sa dalawa. Si Noona ay inaayos pa yung fingerless leather gloves niya, while si Alliah naman ay sinusuot pa yung brass knuckles niya na mukhang namiss niya

"Wow! Ang aastig niyo ah!" Biglang sulpot ni Alex, napangisi lang kami na parang nagyayabang "Mukha kasi kayong magnanakaw bwahahahahaha!" Dagdag niya pa sabay tawa ng napakalakas kaya napasinghal kaming tatlo at sabay-sabay na binaliwala siya

Nakasuot kasi kami ng all black na mga fitted suits habang nakasuot ng boots. Meron din kaming mga earpods para sa communication naming tatlo. Nakasuot din kami ng mga holsters para sa dala naming daggers, hindi kasi kami magdadala ng baril at kahit wala din naman kaming daggers ay kayang-kaya naming patumbahin ang mga adik na mga nandon tss

Yung suot kong holster ay bicep holster kung saan nakalagay yung mini flash light ko at ankle holster kung saan nakalagay yung dagger ko, si Noona naman ay belt holster kung saan nakalagay at nakapwesto sa magkabilaan ang daggers niya at isang mini flash light din, si Liah naman ay leg holster kung saan nakalagay yung mini flash light niya sa kaliwang leg niya at dagger naman sa kanan dahil nasa magkabilaang paa niya yung holsters

Napatingin ulit ako sa suot namin kung anong masama don at kung pano kami nagmukhang magnanakaw

'Meron bang magnanakaw na nakasuot ng fingerless leather gloves? Eh kung meron ede ang bobo naman nila at gusto yatang mahuli pag ma-identify ang fingerprint nila tss!'

Kami lang ni Noona ang nakasuot ng fingerless gloves dahil ayaw ni Liah at mas gustong isuot yung brass knuckles niya—only her brass knuckles lang daw tss

"Uy! Mukha kayong mga spy ah" bigla akong natigilan sa pagtingin sa simple naming suot nang marinig ang boses na yon kaya automatic na napalingon ako don at nakita si Chris na kasama na din yung iba, lahat kami ay kompleto na

"Anong spy? Eh mukha nga silang magnanakaw eh—bwahahahahaha!" Ayon nanaman ang asar at nakakarinding tawa ni Alex habang papalapit pa kay Chris at nang makalapit ay umakbay pa ito habang pinaghahampas pa si Chris sa braso niya

"Tss!" Singhal ko nalang

"Hindi kaya! Ang ganda at bagay kaya sakanila!" Saway pa ni Chris habang tinapik ng malakas yung braso ni Alex na nakaakbay sakanya, napasimangot naman sa inis si Alex at mukhang nasaktan sa malakas na tapik ni Chris sakanya

"Tss! Ewan ko sayo!" Singhal naman ni Alex at hinimas-himas ang parte na tinapikan ng malakas ni Christian, binaliwala ko nalang sila at tumingin kela Noona

"Ano, ready na ba kayo?" Tanong ko sakanila, tumango naman sila kaya lumingon na ulit ako don sa iba na nakatingin lang din saamin pwera don sa dalawa na nag-aasaran

'Tss! Ede wag mo kong pansining ugok ka!'

"Aalis na kami, bantayan niyo yang mga chikiting na yan" sabi ko nalang, natawa naman sila pwera doon nanaman sa dalawang naghaharotan at si Briana na pa-mysterious nanaman na nakasandal sa gilid na nakatingin sa kawalan

"Mag-ingat kayo ah" sabi ni Kyla, tumango naman kaming tatlo

"Oo nga, mag-ingat kayo ah" sabi naman ni Paul at biglang lumapit sa akin na kinataas ng kilay ko "Lalo na ikaw, nae salang" nakangisi niya pang dagdag na nagpakunot naman ng noo ko

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon