Ch. 111: What happened

8 1 0
                                    

Steph's POV

Wala kaming imik na magkakaibigan habang ginagamot ang mga sugat na natamo namin o kahit na maliliit na gasgas ay iniinsist na gamutin nila. Hindi ko alam kung dahil ba nakilala nila ako o ano at kahit gustuhin ko mang sumigaw para sabihing si Alex dapat ang inaasikaso nila, ang dapat buhayin nila ay alam ko namang walang mapapala iyon. Wala na

Maingay at magulo sa loob ng ospital at meron ding mga reporters na mula pa kanina sa hide out ay naroon kasabay ng mga pulis at ambulansya

Hindi mawawala sa isip ko ang nangyari dalawang oras na ang nakalipas. Dalawang oras na ang nakalipas ngunit parang ilang segundo palang iyon nangyari. Nararamdaman ko parin

"K-kate, we're sorry..." narinig kong sabi ni Eris, lahat ng mga kaibigan ko ay nagtitipon ngayon sa kama ko, hindi ako umimik at nakatunganga parin

"Don't worry, wala paring alam ang parents natin. But pinapunta ko si Tita Tracie bilang guardian nating lahat, except for Christian and... A-alex" parang nag-aalinlangan namang sabi ni Noona, hindi parin ako tumugon. Nasa isip ko parin ang nangyari dalawang oras na ang lumipas lalo na ang pagkawala ni Alex mula sa kamay ni ate chr—ng traydor na yon!

Walang sabi-sabi na tinanggal ko ang mga nilagay sa katawan ko at binaliwala ang sugat na natamo ko sa pagbaril sa akin. Hindi non mapapantayan ang sugat sa puso ko at pagkawala ng isa sa mga matalik kong kaibigan

"Kate! Bumalik ka dito!" sigaw ng mga kaibigan ko ngunit binaliwala ko lang ang mga ito at sila na ang bahala kung susundan ba nila ako o hindi. Wala akong pake alam

Dumere-diretso lang ako ng lakad hanggang sa makalabas ng ospital at mapaupo sa isang bench. Wala akong pake kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. Ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa

Wala akong maisip kundi ang paulit-ulit na imahe ni Alex. Wala akong maalala sa nangyari kundi yung nangyari lang sa kaniya. Never in my wildest dream did i imagine na isa din sa mga kaibigan niya ang papatay sa kaibigan niya. Ha! Gusto kong matawa ngunit kahit anong reaksyon ay di ko maipakita dahil sa sobrang sakit. I cherished my friends more than myself and more than my family! Why did i do wrong to experience this kind of misery!? Ano nalang ang sasabihin ko sa pamilya ni Alex!?

'It's all my fault. Kung hindi ko lang sana sila sinama papunta sa hide out ay buhay pa sana si Alex at hindi sana nabaril si Christian. Ha! Napakatanga ko'

Minutes turned to hours, and another hour, and another. Hindi ako natinag kahit umulan at unti-unti nang magliwanag. Hindi sana ako aalis nang biglang may tumabi sa akin at dalawa na kaming nakasilong ngayon sa payong

"Ikaw nalang ang hindi pa na iinterview ng mga pulis" sabi nito, hindi naman ako nagsalita kaya bumuntong hininga ito bago magsalita nanaman "Before lunch dadating ang pamilya ni Alex, we should tell them what exactly happened" sa puntong iyon, nilingon ko na siya

"Would they..." agad na nanlabo ang mga mata ko, akala ko naubos na ang luha ko pero nagkakamali ako "f-forgive me?" napayuko ako at di maiwasang mapahikbi, nakaramdam ako ng kamay sa likod ko at maslalo akong napahikbi nang hagurin niya iyon at masnilapit ang sarili para ipatong ang ulo ko sa balikat nito

"Shh... it's not your fault, Steph. Hindi mo naman kasalanan tong lahat. And don't you dare say that it is dahil hindi mo naman alam na mangyayari ito. We all agreed to come with you. And we all didn't know that this will happen" sabi nito bago niya ipina-angat ang mukha ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata "Please don't make us worry. Nawalan na tayo ng isa, wag ka namang sumunod. Your friends are worried sick but still understands you kaya hindi ka nila nilapitan, but i'm not like them. I'm also worried but i don't understand you. Anong mapapala ng pagpapaulan? You might get sick. I know na you love pandas, but don't turn yourself like them, QP. Hindi bagay sayo ang magka-eyebags ng malaki, kunti nalang at magiging kamukha mo na sila" he giggled, akala yata niya ay mapapatawa niya ako

"You don't need to do this, Chris" pabuntong hininga kong sabi, natigilan naman siya bago bumuntong hininga din

"Please, Steph, let's go back inside. Baka magkasakit ka"

"Ikaw ang dapat pumasok na" umiwas ako ng tingin "You've been shot, kaya you need to rest"

"Tss, ikaw din naman ah. And hindi ako papasok hanggat hindi ka papasok hmp!" napabuntong hininga nanaman siya

"Chris... wag matigas ulo"

"Steph... wag matigas ulo" paggagaya niya, napabuntong hininga nanaman ako

Paulit-ulit lang ang bangayan namin, but the next thing i know ay pumasok kami sa kwarto kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko na may pag-alala ang mga tingin

Walang umimik sa amin ngunit kanya-kanya silang nagsigalawan para alalayan ako, ayusin ang kama kahit ayos naman na, at kung ano-ano pa

Minutes past at dumating ang mga pulis para tanongin ako ng mga bagay-bagay na sinagot ko naman agad. Dumating na din si Tita Tracie at sinermonan muna kami bago mag-alala. Pinagtulongan pa nila ako dahil pinapatulog nila ako kahit ayuko. I want to wait until Alex's family are here. But dahil marami nga sila, dagdag pa si Christian na hindi daw babalik sa kwarto nito hanggat hindi ako natutulog ay wala na akong magawa. Sa una ay magpapanggap lang sana ako, kaso tuloy-tuloy na ang tulog ko na di ko namalayan

Pagkagising ko, bumungad ka agad sa akin ang pamilya ni Alex. They we're conplete. I can see their swollen eyes. Nag-uusap sila ni Tita Tracie at nang mga kaibigan ko sa sofa na nasa loob ng kwarto ko

Wala akong marinig dahil sa paglalakbay ng utak ko sa nangyari kay Alex

"S-stephanie..." natauhan ako nang may tumawag sa akin kaya nilingon ko iyon, ang mama ni Alex ang tumawag at lahat sila ay nakatingin na sa akin. Agad na nanubig ang mga mata ko at napayuko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata ni Tita at sa pamilya ni Alex

"Iwan muna namin kayo" narinig kong sabi ni Tita Tracie bago narinig ang pag-alis nila ng mga kaibigan ko, naiwan sa loob ang pamilya ni Alex

"Stephanie, ija... i-it's okay..." sunod-sunod na nagsilabasan nanaman ang luha ko nang marinig iyon at maramdaman ang paglapit nila sa akin

"Y-your friends told us what h-happend... s-sinabi din sa amin ni Christian" sabi naman ng papa ni Alex. "It's okay, ija. Don't blame yourself" halata sa boses nito ang pag-alala kaya lalo akong naiyak because i don't deserve it

"I-i'm s-sorry..." yon lang ang nasabi ko at napiyok pa ako "I'm so sorry po..." tuluyan na akong napaiyak, naramdaman kong niyakap ako ni Tita at humihikbi na

"I-it's okay... it's not y-your fault..." sabi nito habang pinipigilan ang sariling hindi maiyak lalo

Ilang minuto kaming ganon at paulit-ulit lang ang sorry ko hanggang sa tumahan na kami pariho at sinabi sakanila ang side ko. They cried, of course. Isang oras kaming nag-usap hanggang sa umalis sila para asikasuhin si Alex

"Hey..." biglang pumasok si Bri at kasunod non ang mga kaibigan ko "Okay ka na?" tanong pa nito, tumango ako

"Anong ginagawa niyo dito? Magpahinga nga muna kayo—ginamot na ba mga sugat niyo? Yung mga pasa niyo?" sunod-sunod kong tanong, nagsibungisngisan ang iba, ang iba naman ay tinaasan ako ng kilay

"Halos lahat kami ay sugat at pasa lang ang natamo, Kate" sabi ni Alliah at napangisi. "For the first time, natamaan ka?" tumawa pa ang loko kaya sinamaan ko siya ng tingin bago nilingon si Paul na naka wheel chair habang si Noona ang nag-aalalay, ngayon ko lang napansin

"Anyare naman sayo?" tanong ko dito, sumimangot naman siya

"Nabalian ng buto" nakasimangot na sabi ni Noona habang ang iba naman ay napabungisngis

"Yah! Wag niyo nga akong tawanan!" singhal ni Paul at nagcross arms pa

"Well..." kumawala ako ng malakas na buntong hininga bago ngumiti ng tipid "Let's talk about what happened" kanina ko pa tinatago ang lungkot ko dahil ayaw kong maapektuhan nanaman sila. But i still need to know what happened to them sa loob ng hide out while kami ay nasa labas

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon