Ch. 72: The real game begins 2

9 2 0
                                    

Kheena's POV

Lahat kami ay natahimik at hinanda ang aming sarili sa mangyayari matapos sabihin ni Kate samin ang hudyat ng pagsisimula ng aming totoong laban. Alam kong kaya naming walo including Paul na sumama samin, kaso hindi namin alam kung kakayanin namin ang mga bago nilang armas na gagamitin. Lahat kami ay may kanya-kanyang talento sa paggamit ng mga armas tulad ng nunchucks, arnis, chains, kamas, katana, pana, baril at iba pa

"Noona, parang bumabagal ang pagtakbo mo ng sasakyan ah. Nasa malayo na si Kate oh" nataohan ako sa sinabi na iyon ni Briana at binalik nalang ang isip sa pagmamaneho at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo neto

"Sabi ko na ba, sana ako nalang yung nagdrive" sabi naman ni Paul pero binaliwala ko nalang siya

Nasa iisa kaming sasakyan kaya siksikan kami dahil wala na kaming ibang gawin kundi magmadali ng umalis si Kate sa School kaya sinundan naman agad namin at wala ng oras na sumakay sa kanya-kanyang kotse kaya sakin nalang sila sumakay at binaliwala ang masikip na pwesto

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa lugar kung saan namin tinatawag noon na 'hide out'. Nauna samin si Kate kaya nang dumating kami ay nakita namin siya na nasa labas pa at nakatingin lang ng diretso sa pintong papasok sa loob

Lumapit din kami at napatingin sa bahay na iyon. Malaki siya at noon ay sira-sira pero ngayon ay hindi na. Mas lalong lumawak ito at lumaki. Naging maayos at malinis. Nagtaka kaming lahat sa pagbabago nito na noon ay hindi naman ganito

"What the hell happened?" Nagugulat na sabi ni Paul habang pinagmamasdan lahat ng sulok ng bahay

"It changed a lot" sabi naman ni Eris

"Pano nila nagawa to?" Tanong naman ni Briana na parang may mali

"Baka hindi to yung lugar na to ah" sabi naman ni Kyla. Pinagmasdan ulit namin ng mabuti ang bahay hanggang sa may lumabas galing dito na nakangisi sa amin

"Kamusta, aking mga dating ka-myembro" nakangisi nitong sabi samin

"Anong nangyari sa inyo?" Agad na tanong ni Alliah kay Kaloy

"Kayo nga din dapat ang tatanongin ko nyan eh"

"Tss. Ano nga!?" Inis na sabi ni Alliah. Nagkunwari namang nag-iisip si Kaloy at tumingin sa amin

"Wala naman masyado" kibit balikat na sabi niya

"Bakit gumanda ang hide out?" Tanong naman ni Kyla

"Bakit? Bawal bang pagandahin ang pangit?"

"Oo, tss!" Sabi naman ni Kate kaya lahat kami ay napatingin sakanya na nakatalikod saamin

"T-tss" singhal ni Kaloy na halata namang natakot sa coldness at pagiging seryoso ng boses ni Kate. Unti-unting lumingon saamin si Kate kaya mas lalong gumuhit ang takot sa mukha ni Kaloy. Kilala namin siya, at alam naming pag mag-isa lang siya at di kasama sina Kiko ay takot talaga siya

"Tapang-tapang, bading naman pala tss" narinig kong bulong ni Paul kaya napailing nalang ako habang nakangisi

"Di ba kayo papasok?" Napalingon naman kaming lahat sa bagong dating na si Kiko na nakangisi saamin

"Saan niyo nakuha ang pera sa pagpapa-ayos nito?" Pagbabaliwala ni Kate sa tanong niya na kinagulat ni Kiko pero kinangisi din pagkatapos

"Pake mo?" Sabi niya na kinakunot naman ng noo ni Kate kaya tiningnan niya ito ng seryoso

Steph's POV

Tinitigan ko ng maigi at seryoso si unggoy, at makikita mo talaga kung marunong kang magbasa ng mata ang kaba na tinatago niya kaya ayun, wala pang isang minuto ay umiwas na agad siya ng tingin at tumikhim

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon