Ch.47: Kyle

16 4 0
                                    

Steph's POV

Tapos na kaming kumain kaya nagpahinga muna kami bago pumunta sa dagat. Actually, may pool kami dito pero mas gusto daw nila sa dagat kasi may floating cottage kami. Medyo malayo, pero nakikita naman namin dito, pupunta kami mamaya doon dahil dun kami tatalon para magdive hahaha!

Nilibot ko yung paningin ko at nakita sila, iba-iba yung mga ginagawa nila:

Si Noona at Eris nagliligpit ng mga pagkain—yung mga kalat naman. Si Jacky, Briana at Alliah ay nagcecellphone. Si Kyla at Crystal ay kumakain nanaman hahaha! Si ate Christine naman, ayun nakaupo habang kumakain at nagcecellphone hahaha! Si Alex naman—tss! Kausap niya si Chris at nagtatawanan pa silaaa!?

'Close na agad sila? Sanaol tss!'

Nakatingin lang ako sakanila hanggang sa lumingon saken si Christian at nagulat. Di niya yata naexpect na nakatingin ako sakanya tss!

Nagkatitigan  kami ng ilang minuto bago niya ulit lingunin si Alexxx!

'Tss! anong nangyayari sakennn?! Baket nagkakaganito ako?! Bakit naiinis akooo!!?'

Binaliwala ko nalang yun at tumayo, pumunta ako sa Hotel at dumeretso sa bar. Actually, di pa tapos yung bar dito kaya tumingin-tingin muna ako, chineck ko kung maganda at kung tama yung mga designs na sinabi ko

Maganda naman yung designs and etc. Magaling kasi yung designer na sinuggest ni Dad ehh

"Good afternoon, Ms. Lopez. Is it okay?" Halatang nagaalanganan siya na kausapin ako

Takot lahat ng staff ng company namin saken, including this designer and others. Palagi ko kasi silang tinatarayan pero di nila alam na gusto ko lang silang asarin, yun yung pangaasar ko sakanila, ang pagtataray hahaha!

"Pano kung sabihin ko'ng may mali?" Pagtataray ko pero take note ah, inaasar ko lang siya hahaha!

"U-uhm.. Ano po yun?" Di siya makatingin saken at pakiramdam ko ay nanginginig na siya sa takot

"Just find out" pagtataray ko at tumalikod na, pagtalikod ko ay napasigaw ako dahil sa gulat "Sh*t!" Nagulat ako dahil sa taong malapit na malapit sa mukha ko!

"S-sorry.. okay ka lang ba?" Nagaalala niyang tanong

"Tss! Anyare ba sayo at nanggugulat ka ha!? At bakit ka nga pala nandito ha?!" Pagtataray ko at pinamewangan siya

"Ehh, pinuntahan kita sa Bahay niyo at sabi ng Mommy mo nandito ka daw" sabi niya habang kinakamot ang ulo niya na para bang nahihiya kaya napataas kilay ko

'Bakit siya pumunta sa Bahay? Doon ba sa Mansion namin? O sa Mansion ko? Pero si Mom yung nakausap niya ehh so that means doon siya pumunta sa Mansion namin ng fam ko, hindi sa Mansion ko!'

"Teka nga! Bakit ka pumunta sa House namin?" Nakakunot noo ko'ng tanong

"Ang sungit neto kahit kailan tss! at wag ka ngang pahumble, Mansion kaya yun!" Taray din niya

"Ehh, gusto ko House o Bahay eh, pake mo?" Taray ko ulit pero sininghalan niya lang ako

"Huy! Don't change the topic and tell me kung bakit ka pumunta sa Bahay!" Pinamewangan ko siya at tinaasan ng kilay, umiwas naman siya ng tingin saken

"Uhm.. Eh kasi.. gusto ko lang na makita ka" nakatingin siya sa malayo at parang nahihiya pa kaya napakunot noo ako

"Oh, anyare sayo at parang nahihiya ka pa? Hahaha mukha kang ulol!" Tawa lang ako nang tawa habang siya naman parang nahihiya na mukhang nagbublush pa sa kahihiyan kaya natawa ulit ako ng malakas, alam kong nakatingin na siya saken ngayon pati na din yung mga staff dito pero wala akong pake kaya tumawa lang ako nang tumawa hanggang sa maubos lahat ng tawa ko sa kakatawa

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon