Ch.5: Paul

55 10 0
                                    

Steph's POV

~CLASSROOM~

"Steph!" Tawag sakin ng kaklase ko pero binaliwala ko lang

'Anong karapatan niya para tawagin ako? tss!'

Pumasok ako kinabukasan at syempre pinarusahan na din yung mga kaklase ko tss! Pinadetention ko silang laahaat! at mamayang uwian yun wahahaha!

Gusto kong pilitin ang sarili kong sumaya pero hindi eh.. nagaalala parin ako ky Crystal, kahit kasi magaling na siya hindi ko parin maiwasang magalala.Biglang nasagip sa tingin ko ang upuan ni Kyle per wala siya dun, tss! paniguradong natakot yun! Mabuti namang napagisipan niya na hindi pumasok, kundi baka ano pang gawin ko sakanya tss! Gago siya!

Pinatong ko ang ulo ko sa table upang umidlip. Ilang minuto pa ay narinig ko ang sigawan at bulungan ng mga chismoso't chismosa kong mga classmate tss!

"Bakit siya pumasok?" Narinig kong sabi ng kaklase ko

"magaling naba siya?" Sabi naman nong isa, bigla akong napaisip at naalala ko si Crystal kaya inangat ko agad ang ulo ko para makita kung sino ang pinaguusapan nila at nagulat ako nang makita ko siya sa harapan ko

"C-crystal!?" nagtataka kong tanong "bakit ka pumasok?" Nagaalala kong tanong

"Bakit ba?" Nagpout siya, nagpapacute tss hahaha! Ang cute talaga niya

"Tss! Dapat nagpahinga ka nalang sa bahay niyo" Nakita ko siyang magsmile ng nakakaloka tss! may ginawa naman yata siyang—

"Tumakas lang ako hehe" napakamot siya sa batok. Tss! sabi na nga baaa!

"Ano?!" Napalakas yata yung pagsigaw ko kasi lahat sila napatingin samin kaya sinamaan ko sila ng tingin tss!

"Wag ka ngang maingay" suway niya

"Tss! Ako nanaman malalagot sayo nito eh" napakamot ako ng ulo ko

Narinig ko ang mga tilian at sigawan ng mga babae sa labas. Ano kayang meron dun eh nandito naman ako na mas sobra pa sa gwapo at pogi na word hahaha!

"S-steph m-may n-naghahanap s-sayo" Alam ko na natatakot siya sakin, eh di nga makatingin sakin eh tss!

Sa sobrang curious ay pumunta nalang ako sa labas at nagulat sa nakita ko..

"Paul!?"

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon