Ch. 85: Briana's Flashback 1

13 2 0
                                    

Briana's POV

Napapikit nalang ako at pilit na binabaliwala ang pag-uusap nong lima dahil hanggang dito sa kusina ay naririnig ko parin sila—dahil na din sa malakas na pandinig ko na parang ngayon ko lang pinagsisihan

Ewan ko ba kung ano ba talaga ang nangyayaru sakin at gusto kong malaman ang mga sagot na ito, pero bigla akong nagtaka nang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nagrebelde at sumali sa gang

*FLASHBACK*

Nakatingin lang ako sa phone ko dahil nagtext si Noona na pupunta daw sila sa company nila Kate, pero habang naglalakad ay nagtext ulit siya na may masamang nangyari at galit na galit daw si Kate. Lalabas na sana ako pero bago pa man ay narinig ko ang pag-uusap nila mommy and daddy sa sala

"I'm worried na baka magalit si Briana sa atin" agad nangunot ang noo ko at tumago sa likod ng shelf na malapit sakin para marinig ang pinag-uusapan nila

'Anong ibig sabihin ng sinabi ni mommy?'

"Hon, maiintindihan naman tayo ni Bri. Pag hindi pa natin sabihin ay mas lalo siyang magagalit niyan, at para maintindihan na din niya ang treatment ng jobumonim niya" sabi naman ni daddy, lalong napakunot ang noo ko

(Jobumonim = grandparents)

'So pinag-uusapan nila ang dahilan kung bakit ayaw sakin ng grandparents ko both sides hmp. I think this will answer all my questions'

Maslalo kong idinikit ang tenga ko dun sa may shelf para lalo ko silang marinig

"B-but, hon.." umiiyak na sabi ni mommy kaya nagtaka talaga ako lalo "I d-don't want to make her feel s-sad about knowing that she's j-just a-adopted" sa paghagol-gol ni mommy ay don na din nagsimula ang pagtulo ng mga luha ko

'I-i'm a-adopted?'

Napatulala ako habang umaagos parin ang mga luha ko

'K-kaya pala.. kaya pala pinaparamdam sakin ng g-grandparents ko and even my aunts and uncles na I'm n-not belong in t-this family. S-siguro kaya lang ako p-pinapansin ng mga pinsan ko ay d-dahil hindi nila alam ang about don. K-kaya pala.. ba't ba kasi ngayon ko l-lang napansin? Ba't n-ngayon ko lang n-nalaman?'

Di ko napigilang mapahagol-gol at mapa-upo sa sahig dahil sa sakit na nadarama ko ngayon

'Truth really hurts—really, really, really, madly, super, duper, ultra, mega, ouchy!'

"B-briana?" Narinig kong gulat na sabi nila mommy and daddy, napa-angat naman ako ng tingin dahil nakayuko ako kanina at agad na tinitigan sila sa mga mata, nagulat naman sila at napatakip pa si mommy sa bibig niya habang lumuha parin

"W-why? W-why d-didn't you t-tell me?" Hirap na hirap kong sabi dahil sa kakaiyak at hindi ko na masyado makita ang mga mukha nila dahil sa mga luhang sunod-sunod na nagsisi-labasan "W-waeyo?" Bulong ko at unti-unting tumayo

"B-briana, anak" sabi ni daddy at hahawakan sana ako nang biglang umiwas ako "W-we're s-sorry" dagdag niya pa habang lumuluha na din habang niyayakap si mommy na humahagol-gol sa chest niya

Tiningnan ko siya nang diretso kahit malabaho parin ang paningin ko dahil sa mga luha

"P-promise me that y-you won't find me. I-i need s-some time, jebal" sabi ko bago lumabas. Narinig ko naman ang lalong paghagol-gol ni mommy pero binaliwala ko nalang yun at sumakay sa taxi at sinabi agad ang address. Hindi pa naman ako pwedeng magkotse dahil I'm only 10 years old at hindi din ako katulad ni Kate na matapang na sinusuway ang parents kaya nakakakotse ito nang palihim

I'm a good daughter that's why kahit gusto kong magalit sa mga grandparents ko and even my aunts and uncles ay hindi ko magawa dahil sa takot na baka kampihan nila mommy and daddy sila. I know na they'll support me pero may times kasi na napapayuko nalang sila pagpinapagalitan at sinasabihan ako ng mga grandparents ko, but pag aunts and uncles nga ang nagagalit sakin ay agad akong inililigtas nila mommy and daddy

Alam ko na ngayon ang mga sagot sa mga tanong ko. They don't want me because I'm adopted, at sino nga bang magkakagusto na isang adopted ang magmamana ng kompanya na pinaghirapan ng totoong pamilya ng mga Alegre?

"Nandito na tayo, ija. Okay ka lang ba?" Tanong nong driver, tumango lang ako at nagbayad na bago lumabas. Di ko man lang napansing na nandito na pala ako sa destinasyon ko eh 1 hour sobra ang byahe papunta dito

Agad akong lumapit sa may gate at pinagbuksan naman ako nong guard kahit nagtataka yata at ako lang yung nandon. I'm at Kate's resort at ito lang ang lugar na alam kong pwede kong pakalmahin ang sarili at mag-isip-isip

Pumunta ako sa seaside at umupo sa sand habang nakatingin sa mapayapang waves sa dagat na nagpapakalma saming magkakaibigan kaya dito kami pumupunta if we have a promblem that we need to endure

Tumingin lang ako sa dagat at nag-isip nang kung ano-ano habang tumutulo nanaman ang mga luha ko

'Why me? Bakit ako pa sa dami nang tao sa mundo ang may ganitong buhay?!'

I'm angry dahil sana noon pa nila mommy at daddy sinabi sakin yung about sa adoption ko—na I'm not their biological daughter para hindi ako maging mukhang kaawa-awa sa harap ng kinikilala kong mga pamilya. I'm angry dahil sana naging matapang nalang ako katulad ni Kate. I'm angry dahil palagi akong nakangiti at nagpapakabait sa mga di ko naman totoong pamilya na palagi akong pinapahiya at pinapagalitan, lalo na pag may event. I'm angry dahil hindi ko kilala ang totoo kong mga magulang at hindi ko alam kung pinamigay ba nila ako, iniwan, o whatever. I'm angry dahil sa sarili ko! Pero mas galit ako sa mga itinuri kong pamilya!

Napayuko ako at don na napahagol-gol kasabay ng maliliit na alon sa dagat

"W-WAE!?" Sigaw ko habang nakayuko parin at humahagol-gol "B-BAKIT AKO PA!? I'M A G-GOOD DAUGHTER N-NAMAN AH! B-BAKIT AKO PA!?" Sigaw ko kahit nahihirapan na akong makahinga

I can't believe na nangyayari to sa buhay ko. I'm still young pero ito agad ang nalaman ko. Ito agad ang mga sagot na dati ko pa gustong itanong dahil sa pagiinda ng galit at sakit sa mga tinuturi kong mga pamilya

"Briana, calm down" biglang akong may naramdamang mga kamay na yumakap sakin kaya lalo akong napahagol-gol "Umiyak ka lang, nandito lang ako" dagdag niya pa kaya umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa isang oras na pala akong umiiyak habang nakayakap parin sakin si Nay Emma

"T-thank you, N-nay Emma" sabi ko habang pinupunasan ang kalat sa mukha ko dahil sa mga luha

"Ba't ka ba kasi umiyak, bata ka? Ngayon lang kita nakitang ganito" nag-aalala niyang sabi kaya kinwento ko yung nangyari na kinagulat niya at lalo akong kinomfort "Alam na ba to nila Stephanie?" Umiling naman ako

"M-mamaya ko n-nalang sasabihin" tumango naman siya at inalalayan akong makatayo

"Lulutoan kita ng paborito mong pagkain kaya tumahan ka na, pumasok na muna tayo at alam kong gutom ka na" sabi niya pa bago ako alalayan papasok

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon