Ch. 68: Cyphers Death Threat 3

6 2 0
                                    

Steph's POV

"G-good afternoon, Miss Lopez" gulat na bati sakin ng mga staff and crew dito. Tumango lang ako

Lahat sila ay nagulat ng dumating ako kaya napataas kilay ko

'Ba't mga gulat sila? Bawal ba'ng bumisita ang Boss nila? Tss'

Agad ako'ng dumeretso sa may dalampasigan at umupo sa may buhanginan

'Grabe, di ko akalaing ako ang nagmamay-ari sa lugar na'to. Ang gandaaaaaa!'

"Okay ka lang?" Nagulat ako ng may nagsalita mula sa tabi ko kaya napalingon agad ako na kinagulat ko

"A-ate Christine?" Halo-halo ang nararamdam ko ngayon, gulat, pagtataka, at kunting kasiyahan dahil narito siya

"The one and only hehehe" napangiti na ako ng tumawa siya na para ba'ng inosente siya sa lahat ng bagay "Oh, namiss mo'ko noh?" Tumango ako

"Pero bakit ka pala nandito?" Ngumiti siya lalo

"Gusto kasi kitang bisitahin kanina, kaso nga lang nang dumating ako ay agad kitang nakita na galit na galit kaya di nalang kita nilapitan at sinundan nalang kita" paliwanag niya, napa-Ahh nalang ako at tumingin ulit sa dagat

Nagtaka ako sa pakiramdam ko

'Ba't di ko naramdaman ang pagsunod sa'kin ni ate Christine? O ang paglapit niya sa'kin kanina. Naninibago na ako sa mga nararamdaman kolalo na kay Christian. Di na'to tama..'

"Okay ka lang?" Nataohan ako sa inosente niyang boses kaya napangiti nalang ako habang nakatingin parin sa dagat

"Ewan ko ba. Parang naguguluhan ako sa nararamdaman ko"

"Bakit naman?" Bumuntong hininga ako at ngumiti kahit pilit

"Wala" sabi ko nalang, naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko

"Kung ano man yang nararamdaman mo, pag-isipan mo muna bago ito paniwalaan ah"

"Parang alam mo nararamdaman ko ah" biro ko

"Hahaha ewan ko sayo" at ayun na nga nagtawanan nalang kami

Nakalimutan ko ang mga pinoproblema ko dahil sa kunting kwentohan, chikahan, tawanan at asarang ginawa namin

"Di ka pa ba uuwi?" Tanong niya pagkalipas

"Ikaw ba?"

"Kung uuwi ka na, edi uuwi na din ako" napangiti ako

"Salamat ah" sabi ko na kinagulat niya

"Para saan?" Nagtataka niyang tanong

"Para dito. Kahit sinamahan mo lang ako ay mahalaga na yun, kaya salamat" ngumiti siya sa'kin

"Aba syempre, ikaw pa" at nagtawanan nanaman kami

"Tara na nga" tumayo ako at tinulungan siyang tumayo

"Salamat" ngumiti lang ako

Naglakad na kami pabalik ng may maalala ako

"Ano nga palang sinakyan mo papunta dito?" Tanong ko

"Motor hehehe" nagulat naman ako

"Di ko alam na marunong ka palang magmotor ah"

"Madami ka pang di alam sa'kin hahaha"

Nang makarating kami sa kung saan naka park yung kotse ko ay tumingin ako sakanya

"Ayaw mo ba'ng sumabay? Pwede ko namang ipahatid yung motor mo sainyo"

"Wag na, nakakahiya hahaha"

"Sigurado ka?"

"Oo naman"

"Sige, alis na'ko—" natigilan ako sa pagbukas ng pinto ng kotse ko ng umalingaw-ngaw ang isang mabahong amoy

"W-what's that?" Natatakot na nagugulahang tanong ni ate Christine

Hindi ko na siya sinagot at agad na nilayo siya dun

"Diyan ka lang muna" natataranta kong sabi bago bumalik dun

"S-steph.." tawag niya pero binaliwala ko nalang yun at binuksan yung kotse ko

"What the.." agad kong tinakpan ang ilong ko gamit ang manggas ng damit ko at binuksan lahat ng pinto ng kotse ko na maslalong nagpakawala ng mabahong amoy ng kung ano mang nasa loob non

Nang mabuksan ko lahat ng pinto ay nilibot ko ang paningin ko sa loob. Nakita ko ang isang box nanaman na nakabukas kaya kinuha ko yun

"What's that—ahhh!" Nagulat ako sa paglapit ni ate Christine, pero di lang yun ang kinagulat ko—namin

Ang box ay may laman ng pusa'ng patay na at naglalabasan ang mga lamang loob nito. Itatapon ko na sana iyon nang masagip ng tingin ko ang isang tanto na may simbolo ng Cyphers

"Fvck" sabi ko nalang bago itapon ito sa kung saan

"S-steph.. a-ano yun? B-ba't may patay na p-pusa dun, K-kate.. tell me" natatakot na sabi ni ate Christine kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap

"Shh.." pagpakalma ko sakanya. Alam ko'ng nahihirapan siya dahil cat lover siya. Di nagtagal ay biglang may lumapit na staff sa'min

"M-miss Lopez, ano po'ng nangyari?" Nagugulahan nitong tanong habang tinatakpan ang ilong niya. Tiningnan ko siya ng masama

"Who the hell put this thing in my car!?" Galit ko'ng tanong sa'kanya na kinagulat niya

"M-miss Lopez, d-di ko po alam—"

"Edi alamin mo!" Sigaw ko, napayuko naman siya "Check the CCTV footage—Now!" Sigaw ko na nagpataranta sa staff at agad na nagmamadaling umalis

Nilingon ko si ate Christine na nanghihina

"Let's go. Gusto mo ba'ng dalhin kita sa Hospital?"

"W-wag na" tumango nalang ako at lumapit sa motor niya

"Pwede ba'ng ako nalang magdrive. Okay lang ba?" Tumango lang siya na bakas parin ang paghihina sa mukha niya

Sumakay na ako sa motor niya, na sumunod naman siya. Pinaandar ko na ang motor at umalis na. Tahimik lang kaming nagbabyahe ng biglang may mapansin akong pamilyar na pigyura

"Yung Vice President ng School natin yun diba?" Nakatingin din pala si ate Christine kay Jules. Nakaupo siya sa motor at may kausap sa phone

"Anong ginagawa niya dito?" Nagtataka kong sabi. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa malampasan namin siya

"Sure kang ayaw mong ihatid kita? Pwede naman kitang ihatid muna sa bahay niyo bago ako umuwi" sabi ni ate Christine nang makarating kami sa tapat ng Bahay nila

"Okay lang ako. Andito na tayo kaya wala ka ng magagawa" sabi ko kaya napapout siya

"Eh bakit kasi dito mo diniretso, pwede mo namang ideretso sa Bahay niyo at ako nalang pauwi" nakanguso parin niyang sabi kaya natawa ako

"Ewan ko sayo" natatawa kong sabi "Sige na, uwi na ako kaya pumasok ka na"

"Sige, magingat ka ah" tumango ako at tumalikod na at nagsimulang maglakad pauwi sa Bahay ko, ayuko kela Mom o sa Hotel kaya dumeretso nalang ako sa sarili kong Bahay

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon