Ch. 96: Waterfall

5 1 0
                                    

Stephanie's POV

Hindi ako nagtagal at inubos lang ang order ko bago umalis. Wala naman na akong gustong puntahan kaya umuwi nalang ako sa sarili kong bahay na agad naman sinalubong ng mga yakap ng mga OA kong kaibigan pero love ko parin sila

Wala namang masyadong interesting story about it basta sinermonan lang ako ni Noona at pinagsisigawan nila Liya at Ky or should I say it's their way to talk? Yeah, ganon sila makipag-usap—nagsisigawan tss

"Where's Bri?" tanong ko na nang di ko na mapigilan at ayon ako naman ang nagsermon sa kanila at pinagsisigawan sila or should I say ganon din ako magsalita idc tss "BAKIT DI NIYO ALAM?! ANG DAMI NIYO DITO PERO WALA MAN LANG MAY ALAM KUNG SAAN ANG PUNTA NON EH PANO KUNG MAY MANGYARING MASAMA DON?! OH WAG KAYONG MAGALIT KUNG SINISIGAWAN KO KAYO DAHIL GANITO DIN AKO MAGSALITA, OKAY?!" lahat sila ay napaatras na para bang may malakas na hangin ang umaatake sa mukha nila at palihim akong napangisi dahil sa mga mukha nila "HANA—" naputol ang kunwari kong magsesermon nanaman nang biglang bumukas nang napakalakas ang pinto at iniluwa non ang imahe ni Briana

She looked exhausted, shocked, and other emotions on her face na hindi ko na masabi at di ko na maisa-isa. Hindi siya nakatingin sa akin kaya sinundan ko ang paningin niya at dumapo iyon kay Christian na merong pagtataka at pag-alala sa mga mata

Lumingon na ulit ako kay Bri at lahat kami ay nag-aabang kung ano ang susunod na gagawin niya at hindi nga iyon nagtagal at nakatingin lang kami sakanya habang tumatakbo papalapit kay Christian. I know that when she reached him ay yayakapin niua ito, but I don't know kung bakit

'Ganito na ba ang epekto ng We Bare Bears dahil may scene doon sina ice bear and yuri na ganito hays'

Napabuntong hininga ako bago sumandal sa sofa at napacross arms habang nakatingin kay Bri na nakayakap na kay Christian

Lahat ay napasinghap at wala kahit na sino ang nakapagsalita sa amin. Alam ko lahat ay nagugulohan pero alam ko din na alam ng mga kaibigan ko na ang dapat munang gawin ay tumahimik, makiramdam, at hayaan muna sila

Christian's POV

Wala akong masabi o magawa. Gulat ako sa nangyayari ngayon at hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang pamilyar na yakap na ito. Hindi ko alam kung saan, paano o kung kanino ko ito huling naramdaman

Ramdam ko ang mahinang paghikbi ni Bri at ang paghigpit ng mga yakap niya. Alam kong lahat ng nandito ay nakatingin lamang sa amin ngunit hindi ko sila mapansin o makita. Para bang kami lang ni Bri ang nandito sa lugar na ito at unti-unti ko nang naririnig ang palakas nang palakas na hikbi niya na nagdudurog sa puso ko sa di malamang dahilan

Pamilyar ang yakap niya, pamilyar ang hikbi niya, pamilyar ang init niya, at pamilyar ang paghaplos niya sa buhok ko

'Bakit? Bakit pamilyar ang mga ito ngunit wala akong ideya kung kanino ko naramdaman ang mga ito?'

Hindi ko nanaman alam kung bakit kumawala ang mga luha sa mga mata ko hanggang sa bumuhos ito na para bang gripo kahit sa di malamang dahilan hanggang sa ginantihan ko na ang yakap niya. Naramdaman ko ang biglang pagkatigil niya sa ginawa ko ngunit ilang sigundo lang ay lalo niya akong niyakap nang nalakahigpit at lalo siyang lumuha nang lumuha na para bang buhos ng waterfall

Ilang minuto ang lumipas ngunit ganon parin kami, nagyayakapan at nag-iiyakan habang pinanunuod lang ng iba hanggang sa kumalma na kami at pasinghot-singhot na kumawala sa yakap ng isa't isa at nagtitigan kami hanggang sa di ko nanaman alam kung bakit o kung anong nangyari ngunit dahil magkaharap lang kami ni Bri ay nakita ko kung pano kasabay ng pagpikit ko ay ganon din siya at hindi man ako sigurado ngunit sabay kami nawalan ng malay. Hindi ko alam kung bakit ngunit baka dahil sa pagod sa pag-iiyak

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon