Ch. 81: Training Ground 1

5 2 0
                                    

Kheena's POV

Agad kaming umalis pagka-alis ni Kate at dumeretso sa Resort ni Kate na ang tawag ngayon ay Fantasy World, in short ay FanWo. Isang oras ang byahe namin dahil malayo iyon

Pagkarating namin don ay pinagbuksan agad kami nong guard ng gate kaya nakapasok kami agad at bumaba na sa sasakyan

"Ang daming tao ah" sabi ni Alliah habang nakatingin sa mga taong na din

"Malamang resort to" sabi ko naman at nagsimula nang maglakad

"Eh akala ko ba ay di pa sila tatanggap ng customers hanggat hindi pa fully developed ang hotel—uy! Tapos na pala? Ang bilis naman siguro" napatingin naman ako sa tinuturo niya—yung hotel pero parang bahay ding tingnan, tapos na kasi yung construction at di man lang namin alam, pero nagtaka ako dahil mukang isang floor lang ang dinagdag nila

"Eh isang floor nga lang yung nadagdag eh"

"Oo nga noh? Baka nagchange of plans si Kate hehe"

"Tss. Mamaya na nating pag-usapan ang tungkol dyan dahil hindi yun ang pinunta natin dito" sabi ko at di namalayang nasa loob na pala kami kaya binati kami nong staff dahil kilala naman nila kami kahit mukhang natatakot sila samin tss

"Where's Ms. Algiero?" Tanong ko, tinutukoy ko yung nagtatake care nitong resort mula pa nong nabuo ito

"N-nasa office niya po" sabi nong isang staff habang nakayuko, tumango lang kami ni Alliah at dumeretso doon. Hindi na kami kumatok at dumeretso na agad sa loob at nadatnan namin siya na naka-upo sa swivel chair niya

"Sabi ko na nga ba't dadalaw kayo. Nasan si Stephanie at yung iba?" Tanong niya habang luminga-linga

"They're not here. Kami lang dalawa ang nandito, may iba ka pa bang nakikita?" Sarcastic kong sabi, tumawa naman siya na nagpakunot ng noo ko

'Tss. Hindi parin nagbabago ang matandang to'

"Umupo muna kayo" sabi niya pagkatapos tumawa habang nakaturo pa sa upuang nandon, umiling naman ako

"Okay lang po, Ms. Algiero at di naman kami magtatagal" sabi sakanya ni Alliah

"Ano ba yan, ba't Ms. Algiero tawag niyo sakin? Ako parin to ang Nay Emma niyo" natatawa niyang sabi. Yun kasi ang tawag namin sakanya nong mga bata pa kami at dito din kami pumupunta pagnagcucutting kami, may problema, o katatapos lang namin makipagbasag-ulo. Kilala niya kami mula pa nong mga bata kami at siya na din minsan ang gumagamot sa amin at nagdadahilan sa mga parents namin

"We still need to respect your position in this resort" sabi ko, tumawa nanaman siya

"Wag ka namang magsalita ng pormal at hindi naman Presidente ng bansa" nakangisi niyang sabi, tumawa naman si Alliah

"Eh kahit na. Yamanin ka na din ngayon eh" sabi ni Alliah at nagtawanan silang dalawa, habang ako naman ay nakapoker face lang

'Oo na, KJ na ako tss'

"We don't need to reminisce our past dahil hindi naman yun ang pinunta namin" natigilan naman sila sa pagtatawa

"Di parin nagbabago si Enang eh noh?" Bulong ni Ms. Algiero pero narinig ko naman, napapoker face ako lalo sa pagtawag niya sakin ng Enang tss, at tiningnan yung dalawa

"Nanay Emma, kahit magbulongan tayo ay maririnig parin niya tayo" bulong din naman ni Alliah at napasulyap sakin

"Tss" singhal ko lang

"Ay, oo nga pala hehe"

"Saan yung susi ng basement?" Tanong ko na kinagulat niya

"B-bakit? Wag niyong sabihing.." sabi niya at napatakip sa bibig niya

"May titingnan lang kami"

"Yung training ground niyo ba?" Tumango naman kami kaya napabuntong hininga siya "May masama akong nararamdaman ah" sabi niya pa at lumapit sa isang shelf at may kinuhang libro doon. Binuksan niya iyon ay may kinuha doon—ang susi "Mag-ingat kayo ah" sabi niya pa bago ibigay sakin yung susi

"Syempre naman" sabi ko bago lumabas

"Thank you po, Nanay Emma ah. Sorry sa pagsusungit ni Noona at nag mana lang yun kay Kate hehe. Bye na po" narinig ko pang sabi ni Alliah bago lumabas at tumabi sakin

"Gaja" sabi ko pa bago naglakad papuntang basement, sumunod lang naman sakin si Liya hanggang sa makarating kami doon. Pinakiramdaman lang muna namin ang paligid bago iyon buksan gamit yung susi at pumasok tapos isinara agad ang pinto

Kinapa ko agad ang light switch at nang mahawakan yun ay agad kong pinindot at tumambad sa amin ang lumang basement na ang tanging makikita lang sa paligid ay mga stock ng mga gamit, boxes, mga gamit na nakatakip sa tela, at makapal na dumi sa paligid

"Mukhang walang pumapasok dito ah" biglang sabi ni Alliah habang nililibot ang paningin sa paligid

"Malamang pinagbawalan sila" sarcastic kong sabi habang nililibot din ang paningin sa paligid

"Tss. Ede wow" pagtataray niya, binaliwala ko nalang siya at kailangan naming hanapin yung maliit na door sa floor na nakalimutan ko kung saan yun banda nakatago, doon kasi naka base yung training ground namin, hindi dito sa basement mismo—nasa baba ng basement for exact

"Kapain mo sa floor para mahanap yung door pababa" utos ko sakanya, tumango naman siya at ginawa ang iniutos ko

Ilang minuto pa kami nagkakapaan sa floor kahit madumi hanggang sa may mahawakan akong matigas na bagay kaya don kami nagtinginan ni Liya at agad na pinagtatanggal ang nakaharang doon

"Ito na nga yata yun" sabi ni Liya. Nakita naman namin yung metal designed door at sa gitna non ay may nakaharang na tela kaya tinanggal namin iyon at bumungad samin yung device na lock sa pintoang ito. Tinanggal ko yung takip non at nakita sa taas non yung fingerprint scanner at sa baba naman ay yung passcode lock, dalawa kasi para sure. Lahat naman ng fingerprint namin ay makaka unlock nito at lahat din kami ay alam yung passcode na kaming pito lang talaga ang marunong

"Gumagana pa ba to?" Tanong ko

"Ewan" sabi niya naman

"Tingnan mo at ikaw naman ang magaling sa mga ganito eh" siya kasi yung magaling sa pagkakalikot ng mga gamit, she can also fix or destroy devices. Napasinghal naman siya at tinarayan pa ako bago kalukotin yun at may pinindot, bigla namang umilaw iyon kaya napangiti siya

"Joh-eun" sabi ko at tinapik siya sa likod

(Joh-eun = nice)

"Aray! Masakit yun ah!" Angal niya, nagkibit balikat lang ako dahil di ko naman napansing malakas pala iyo kahit hindi naman tss

Siya na yung nagpa scan ng fingerprint niya at ako naman sa passcode

"Mahaba-haba yang passcode na yan ah" nakangising paalala niya sakin

"Tss. Wala tayong magagawa at ito yung password eh" sabi ko nalang at tinaype don yung mahabang-habang mga salita

'Tss. Ang arte kasi ni Steph eh tss'

Pagkatapos kong i-type yung password ay binuksan na namin iyon, madilim don kaya di namin masyado makita at maalala ang itsura doon sa loob

"I'll go first" sabi ko bago pumasok don, meron namang ladder kaya hindi kami mahihirapang bumaba at umakyat doon

Pagbaba namin ay agad na isinara ni Liya yung pinto, meron din namang lock sa likod non kaya makakalabas parin kami

Kinapa ko yung switch at nang mahawakan ay sunod-sunod na nagsi-ilawan ang mga ilaw doon at isa-isa na tumambad samin ang training grounds namin

"Namiss ko dito ah!" Masayang sabi ni Liya habang tumatakbo at nilibot ang paligid

'I missed this too'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon