Ch. 115: Christian

8 1 0
                                    

Steph's POV

Years passed and it's our graduation day. Katatapos palang at lahat kaming magkakaibigan with our parents and loved ones ay nasa FanWo. Hindi ko na din binago ang pangalan kahit hanggang ngayon ay masakit parin ang nangyari

Nandito kaming Ex'Act with our whole family, andito din sila Paul and his parents, si Crystal with her prents, family ni Alex, si Kristoffer at ang lolo nito, si Tita Tracie, Nay Emma, si Grace, sila Vohn and others, si Christian at ang parents niya, as well as Kyle and Christian's friends and his friends' parents

Halos lahat ay may kanya-kanyang kwento kaya iba-iba kami. Naroon ang malakas na tawanan ng mga magulang namin na nakikisabay nalang. Meron namang tahimik lang na kumakain tulad nalang nila Crystal, Kyla, at Samm dahil kahit kumakain ay nakikidaldal din si Alliah at walang makakapigil sakanya kahit punong-puno pa ang bibig niya ng pagkain. At merong ding magjowa na naglalambingan at nagsusuboan. Stay strong si Jacky and John, naging si Crystal at Kristof, pinayagan na ni Briana si Mike na manligaw, naging si Eris at Vohn, nililigawan pa ni Jinrey si Kyla at ang papa nito na ayaw pa talaga pero dahil makulit si Jinrey ay hindi siya huminto, baliktad naman sila June at Alliah dahil si Alliah ang nanliligaw kay June, at ang hindi naming inaasahang lahat ay nagkatuluyan si Noona at Paul HAHAHAHAHA! Imagine that!? Wow! Daebak! I know there's something fishy about them but I didn't imagine na it will be possible pala HAHAHAHA! And I'm happy for them<3

Alam na din ng parents nila Briana at Christian na magkapatid sila. Tinanggap nila ang isa't isa syempre and Christian's mom—their mom even cried a lot. Isang taon na din nakalipas nang sabihin ni Bri ang totoo sa kanila dahil sinabihan naman niya ako noon at nalaman niyang magkapatid sila dahil pinatest niya yung dugo dati ni Christian dahil gusto na talaga niyang malaman kung bakit may matinding pagmamahal at pag-aalala siya kay Chris. At doon din naman na confirm ang mga akala ni Chris na panaginip pero hindi pala. Their parents explained everything. Pabalik-balik naman si Bri kela Chris at sa kinikilala niyang parents. Nalaman na din naman ng family niya pero siya parin ang mag-aasikaso sa business ng mga Alegre na buong puso naman niyang tinanggap bilang respeto na din sa mga tulong nito

Kinabukasan non ay nalaman naming pareho ni Chris na naging magkaklase pala kami nong kinder at siya yung naging kaaway ko slash natuonan ko ng pansin. Siya si cute boy! HAHAHAHA this is what we call fate!!

Tiningnan ko ang lahat at makikita ang saya at kapayapaan mula nang dumating ang Cyphers. Umamin na din kami sa mga magulang namin at syempre pinagalitan kami ngunit sa huli ay wala naman na ding nagawa dahil tapos na iyon, nangyari na, wala nang magbabago

Hindi ko alam kung bakit parang hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako, sinisisi ang sarili kahit paulit-ulit na nilang sinasabi na hindi ko daw kasalanan. Wala eh, iba kasi pagnamatayan ka ng mahalaga at mahal mo sa buhay, lalo na't para iligtas ako na kung tutuusin ay dapat ako yon. Kabayaran ko iyon sa mga maling desisyon ko sa buhay pero sinalo niya. Sinalo nilang lahat. Masakit ding isipin na ang kumuha ng buhay niya ay malapit din sa amin. Pinagkatiwalaan namin

"Excuse me" sabi ko kahit wala namang pumansin sa akin kaya tumayo na ako at lumabas para pumunta at umupo sa dalampasigan

"You okay?" hindi na ako nagtaka na sinundan niya ako, siya naman palagi ang hindi inaalis ang paningin sa akin

"No" wala nang silbi ang magsinungaling. Ilang taon na ang lumipas at kilala na namin ang isa't isa kaya hindi na kami nagsisinungaling pa

"Need a hug?" nagtanong nga siya ngunit hindi pa man ako nakasagot ay niyakap na niya ako, ganito siya palagi. Magtatanong pero hindi din naman hihintayin na makasagot ako

With his hugs, I can feel the warmth and every emotions and feelings that will help me calm and feel secured. He's always with me na para bang isang anghel na ipinabantay sa akin ng Panginoon, and I'm always thankful and blessed to have him. To know him kahit na ang kj ko palagi at siya ang nag a-adjust para sa akin. Sa mood swings ko na kahit anong pagpipigil ko ay ganito na talaga ako. Walang makakapagbago. I still punched every person who makes my head boil at kahit maliliit lang na bagay. But still, ayaw ko namang maging ganito hanggang sa future dahil pwede na akong makasuhan at makulong tss

"I know naman na hindi mo madaling makalimutan ang nangyari, but you should try. Yung masasama lang ang kalimutan mo at yung masasaya ang palagi mong isipin. Don't torture yourself. It's been 2 years na since that incident dahil siguradong aasarin ka ni Alex niyan. Also, it's not your fault, okay? Hindi din yon magugustuhan ni Alex at baka sinapak ka na non ngayon dahil siya lang ang may kaya non gawin sayo" sabay kaming natawa at gumaan talaga ang pakiramdam ko sa sinabi niya lalo na't sa mga yakap niya

"I'm always thankful to have you, you know that?" niyakap ko siya nang masmahigpit, hindi na ako tulad nang dati na tinatago ang nararamdaman, minsan nalang pero pagginagawa ko ay lahat magugulat, tulad ngayon. Natigilan nanaman siya ng ilang minuto bago ako yakapin nang parehong higlit sa akin habang nakangiti

"I don't know that" ramdam ko ang kilig niya lalo na't parang mapupunit na ang bibig niya sa kangingiti. Lalo niya akong niyakap nang mahigpit at pinaikot-ikot pa na para bang bata

"Tss bading ka talaga" natatawa kong sabi habang pinapat ang likod niya at ginagawa ang galaw niya na lalo niyang ikinasaya

"And this bading will always love a queen panda—you!" masaya niya talagang sabi na napatayo pa kaming pareho at mas lalo niya akong pinaikot-ikot habang sabay na nagtatawanan, nakangiti at nakatitig sa isa't isa

"I love you too" sabi ko na unti-unting nagpatigil sa kanya sa pag-ikot sa akin, ayon nanaman ang gulat sa mukha niya

"W-what?" limang minuto yata bago siya makapagsalita

"Ba't ko naman uulitin?" nakangisi kong sabi

"Please, I want to hear it again" hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko sa mga mata niya ang kislap

"Why would I? Gusto ko may magsabi—"

"I love you" madamdamin niyang sabi na hindi man lang tinapos ang sasabihin ko pero mukhang alam niya naman ang sasabihin ko, ngumiti ako ng matamis at tinitigan siya lalo

"I love you too, Christian" hindi ko man nakikita ang sarili ko pero alam kong pareho kami ngayon ng nararamdaman at itsura. Pareho kaming may kislap sa mga mata at pagmamahal sa mga mukha

"I love you more, Stephanie" masmadamdamin niyang sabi bago ako niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kilig nang banggitin niya ang pangalan ko kaya masaya ko siyang niyakap. Sa posisyong iyon ay maririnig namin ang pagtibok ng aming puso na para bang nag-uusap at nagkakaintindihan

"Saranghae" sabi ko pa bago kumawala sa yakap niya at agad na tinitigan siya. Nandoon parin ang kislap sa mga mata niya at halo-halong emosyon "Naneun dangsin-eul salanghago hangsang dangsin-eul salanghal geos-ibnida" madamdamin at puno ng pagmamahal ko iyon sinabi bago ko siya hinalikan sa mga labi, kahit natigilan ay agad naman ding natauhan at sinagot iyon nang may madamdamin at pagmamahal din

(Naneun dangsin-eul salanghago hangsang dangsin-eul salanghal geos-ibnida = i love you and i will always love you)

Christian is my suitor for a year, natagalan kasi siyang magtapat at kahit may pareho kaming nararamdaman ay palagi ko lang iyon binabaliwala dahil sa takot na madamay ko nanaman siya. For two years ay hindi siya nawala sa tabi ko kahit hindi pa siya non nanliligaw. Sinabi ko na din ang totoo kela Mom and Dad na fake lang yung dati but nong nanligaw na sa akin ng totoo si Chris ay suportado na siya ng mga ito. Wala nang nangyaring masama mula non. Nasa ibang bansa na ipinacheck si ate Christine at ikinulong si Troy, hindi naman na ako nag-alala pa dahil may mga bantay kami na nagbabantay din sa kanila at palagi akong sinasabihan ng mga nangyari doon. And for two years ay wala nang nangyari pero ang sakit ay nasa puso't isipan ko parin

But, he's always there to guide me, calm me, and advice me. Sa aming dalawa ay siya talaga ang malakas, I'm only strong physically but not emotionally. Kaya kahit anong pagpipigil ko sa sarili ko—sa puso ko, totoo talagang kapagtumibok ang puso ay wala ka nang magagawa kundi sundin ito. And now, I don't regret it. But I have one thing to regret about... kung bakit pinatagal ko pa. I'm happy with him, and him to me, and our friends and family to us

'Thank you, Papa God for giving me this kind of blessings!'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon