Steph's POV
Lumipas ang isang buwan mula nong mga pangyayaring di kanais-nais. Sa isang buwan na iyon ay naganap ang sport fest na pinaghandaan naming suriin at pagmasdan dahil maraming tao ang nandoon at hindi namin alam kung kailan magbibigay ng mga babala o death threats ang Cyphers, pero buti nalang ay walang nangyari hanggang sa matapos ito at hanggang ngayon
Sa isang buwan din na iyon ay naging maayos na ulit ang School at lahat ng students. Balik sa dati, reviews, presentation, lessons, projects at syempre exam. Natapos namin ang 2nd grading exam na kahit mga mapagmatyag, busy sa pakikiramdam if ever na may gawin nanaman ang Cyphers ay maayos naman yata namin sinagutan ang mga tanong sa exam—sana
Bumalik na din si Mamita kaya binalik ko nalang din ang isip ko sa mga kaibigan ko and mostly, sa mga kalaban ko. Hindi ko na nga alam kung makakapasa pa ako sa 3rd grading dahil wala ako palagi sa sarili kaya walang pumapasok sa utak ko na mga lessons. Parang kasi malapit lang sila sakin at minamatyagan ako. Hindi man ako natatakot sa kanila ay natatakot naman ako na madamay ang ibang tao. I know na wala akong pake sa mga tao, pero ayaw ko namang madamay sila dahil sa akin
'Hays..'
"Huy! Ano nanamang iniisip mo?" Nagulat ako ng marinig ang malakas na boses ni Alliah sa tapat ng tenga ko
"Ano ba!? Umalis ka nga dyan! Nagiisip ako!" Taboy ko sakanya kaya napasinghal siya at lumapit nalang kay Kyla na nakaupo sa sofa at kumakain ng chicharon. Nasa loob kasi kami ng tambayan. Lahat kami, including Paul and his friends
"Don't let yourself think too much, arasseo?" Biglang sulpot naman ni Noona
"Tss! Pano ko di iisipin, eh nasa isip ko na" napa-iling nalang siya at tinapik ako sa balikat at umupo din sa sofa
Ilang minuto pa kami nagstay doon hanggang sa marinig namin ang bell kaya nagsi-labas na kami at pumunta sa mga Room namin
Tulad parin ng dati, naglelesson pero ang utak ko ay lumilipad sa mga bwesit na Cyphers. Di ko nga namalayan na labasan na pala sa sobrang okupado ng isip ko
"Noona, Let's go" aya sakin ni Eris kaya tumayo na ako at umalis. Dumeretso sila sa Hotel habang ako naman sa Bahay, kaya ng maka-uwi ako ay dumeretso ako sa kwarto at tinuloy ang pag-iisip ng plano hanggang sa di ko namalayan ang oras ay alas dose na pala
Napabangon ako sa higaan at agad na nagstretching habang papunta sa balkonahe ng kwarto ko. Habang iniikot ang mga braso ay nilibot ko ang paningin ko sa labas at pinagmasdan ng mabuti ang paligid—
'What the..'
Napatitig ako lalo sa lalaking naka-jacket at naka-sandal sa motor sa kabila ng aking Bahay. Pinatitigan ko ito ng mabuti pero mukhang hindi niya ako napapansin at nakatingin lang sa aking garahe na kinakunot naman ng noo ko
Bababa na sana ako para makita lalo ang lalaki kaso bigla itong sumakay sa motor niya at pinaharorot ng mabilis paalis
Nakakunot noo tuloy ako nang makabalik sa higaan. At dahil sa pagtataka at pagkalito ay alas tres na ako nakatulog kaya na alimpungatan ako ng gisingin ako ng Kuya kong pangit na hindi parin umaalis
"Ano ba!?" Inis kong sigaw sakanya habang nakapikit at nakaupo sa kama
"Anong 'ano ba'!? Eh malelate ka sa School mo!" Nakapamewang niyang sabi sakin
"Tss! Late mo, mukha mo! Aga-aga nambebwesit pa!" Bumalik ako sa pagkakahiga ngunit napaupo din ng maramdaman ang malamig na bagay sa may pisngi ko—di nga ako nagkakamali ay katana pala iyon tss
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Novela JuvenilEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...