Steph's POV
'Si Kyle ba yun? Parang siya nga!'
Tumayo kaagad ako at tiningnan yung mga guards na papatayo pero sinenyasan ko sila na bantayan yung table ko at babalik din ako kaya nagnod na lang sila
Tumakbo kaagad ako palapit kay Kyle.. buti nalang hindi siya tumakbo, nakatayo parin siya dun sa kinatatayuan niya
"K-Kyle? I-ikaw ba yan?" Gulat na tanong ko, bigla naman siyang napangiti
"Long time no see, Steph" sabi niya habang nakangiti parin
"Hey..?"
"Kamusta ka na?" Di parin natatanggal yung mga ngiti niya sa labi niya kaya nagtaka ako
"Okay naman.. Eh, ikaw?"
"Okay lang din naman" sabi niya, tumahimik naman ng konte kaya parang ang awkward. Di ko mapigilang magtaka sa inaasta niya. Pagkatapos ko siyang ipagtaboy, pagalitan, kamuhian, singhalan, sigawan at kung ano-ano pa ay nagagawa niya pang ngumiti sa harap ko!
"A-ahh oo nga pala.. usap nalang tayo dun, may inorder kasi ako dun ehh" sabi ko at tinuro yung Cafe ni Tita
"Sige ba" nakangiti parin siya. Naglakad na kami papasok sa Cafe at umupo dun sa inupuan ko kanina
Nakita ko naman yung order ko na nakalagay na sa table, buti nalang marami yung pudsss kaya binigay ko nalang din ang iba kay Kyle
"So.. Kyle, saan kana ngayon nagaaral?" Tanong ko habang sumusubo ng ice cream
"Wala" tipid niyang sabi habang sumusubo din ng ice cream kaya natigilan ako at napalingon sakanya
"What do you mean?" Nakakunot noo kong tanong, nilingon niya naman ako sabay ngiti
"Napagod lang ako kaya di ko na muna tinuloy" kaswal niyang sabi na maslalong kinakunot ng noo ko
"Dahil ba sa ginawa ko sayo?"
"Uhh.. sa totoo lang, hindi dahil sa ginawa mo, kundi dahil kay Crystal. Ayaw ko na madamay siya sa mga kalokohan ko. At alam mo ba kung bakit inaasar ko siya ng ganun?" Tumingin lang ako sakanya para magcontinue siya, Hindi na siya ngayon nakangiti kundi seryoso na "Gusto ko siya, Steph. Kung sa tingin niyo na hindi tama ang pagpapapansin ko ng feelings ko sakanya gamit ang pagaasar eh sorry, mas lalo kasi akong napapasaya dahil sa mukha niya kaya lalo na rin akong naiinlove sakanya. Ngayon nga, kahit gaano akong nagpahirap na magmove on sakanya hindi ko parin magawa, kaya nga hindi nalang ako nag-aral ulit para makapagisip-isip at para makalimutan ko siya para di ko na siya masaktan sa maling pagpapapansin ko" sa tono palang niya ay malungkot talaga siya at nahihirapan kaya bigla akong nakaramdam ng awa, hindi ko to noon nararamdaman pero ewan ko ba at nakakaramdam na ako ng iba't-ibang feelings sa di alam na dahilan
"Sorry, Kyle.." Di ko maiwasang magulat dahil sa biglang pagsorry ko na ni minsan ay di ko sinasabi nino man, expect sa close ko
"Hindi, okay lang yun" tiningnan ko siya at nakangiti na siya ngayon
"Hmm.. alam ko na!" Sabi ko at nginitian siya kaya nangunot naman ang noo niya
![](https://img.wattpad.com/cover/132812128-288-k612024.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Teen FictionEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...