Ch. 60: Jacky and John

13 4 0
                                        

Steph's POV

"What is going on!?" Nakakunot noo kong sabi ng makita ang nagyayakapan na sina Jacky at John habang sila Eris, Kyla, Alliah, Briana at Mike ay nakasimangot lang at si Noona naman ay seryoso na nakatingin sa magpares na nagyayakapan!

Napalingon sila sakin at napangiti sila ng sabay kaya naweirdohan ako

'Pinagpractisan ba nila yung pagngiti nila sakin ng sabay!? Bwesit ang creepyyyy!'

"U-uhm.. Kyaa—" di ko na pinatapos si Jacky at napakunot noo

"Kailan pa?" Seryoso kong tanong kaya nawala yung ngiti nilang dalawa at napalitan ng kaba ang mukha

"L-last week?" Napasinghal naman ako

"Tinatanong mo ba ako?" Pagtataray ko pero seryoso at matalim parin ang tingin sakanila

"A-ani" napayuko si Jacky, napasinghal nanaman ako

(Ani = no)

"S-sorry, Kate—" pinutol ko ang sasabihin ni John

"Steph" pagtatama ko "We're not close enough para para tawagin mo akong Kate" seryoso kong paliwanag

"U-uhh.. sorry, Steph. Ako k-kasi ang nagrequest kay Jacky na di muna ipagsab—"

"Including us?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya, tumango naman siya "And what's the reason para pati kami ay pagtaguan niyo pa?"

"N-natatakot lang ako sayo, Steph" napayuko na din si John

"Eh pano ka di matatakot eh ang badi—" naputol ang sasabihin ko ng pakalmahin ako ni Paul at hawakan sa balikat

"Jinjeonghae" mahinahon niyang sabi kaya napabuntong hininga ako at tumingin ng seryoso sa dalawa na nakayuko parin

(Jinjeonghae = calm down)

"Nal bwa" maawtoridad kong sabi

(Nal bwa = look at me)

Agad namang tumingin sakin si Jacky habang si John naman ay nakayuko parin, hindi yata nakaintindi tss! Siniko siya ni Jacky kaya agad na napatingin siya sakin at nakita ko pa ang paglunok niya ng magdapo ang mga mata niya sakin

Bumuntong hininga muna ako bago tumingin ng seryosong-seryoso sakanila bago huminto ito kay John

"Seryoso ka ba kay Jacky?" Seryoso kong tanong, nagulat naman siya at agad na napangiti kahit may halong kaba parin sa kanyang mukha

"Oo naman, syempre" diretsong sabi niya sakin, nakita ko agad sa mukha niya ang sinseredad, kasiyahan, kaba at pagmamahal

"Kahit maarte siya? Magastosin? Pangit ang mga jokes? Sexy palagi ang suot? Maarte ulit? At magastosin sobra pa sa sobra ulit?" Sabi ko ng may halong pangaasar, narinig ko naman ang pagsinghal ni Jacky at sa pigil ng tawa ng mga nakarinig

"Oo naman, kahit maarte pa siya, magastosin sa ano mang bagay, pangit ang mga jokes kahit para sakin ay sobrang ganda, sexy man ang suot niya kahit ayaw ko pero susupportahan ko nalang dahil dun naman siya masaya, maarte man ulit siya ng higit pa sa maarte at magastosin man siya sa masmagastosin sa kanya ay mahal ko parin siya—mahal na mahal" sinabi niya ang huling salita na nakatingin diretso sa mga mata ni Jacky kaya napaluha ako pero agad ko yung pinunasan

The Gangster Love Story (EDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon