Ch. 61: This Is Not Me!

9 3 0
                                    

Steph's POV

"Do you need something, Bri?" Tanong ko dahil kanina ko pa pansin ang titig niya sakin, plus seryoso siya

"None" nagulat ako ng sabihin niya yun na para bang sinasabi niyang 'who-you?' Sakin

"Okay ka lang ba?" Nagaalala kong tanong pero umiling lang siya. Binaliwala ko nalang siya at nagkunwaring naglilibot sa tambayan dahil nandito parin kaming lahat

Di nga ako nagkamali at nafefeel ko at nasesense ko ang palihim na pagtitig sakin ni Bri kahit saan man akong corner na magpunta. Nakatalikod man ako o nakaharap sakanya, alam ko parin kung saan o sino siya nakatingin. Kahit naman sa ibang tao ganon din

Pumunta ako sa underground at kunwaring naghahanap ng masarap na wine o inumin. At nang masigurong nakasunod na siya at kahit di ko siya tingnan ay alam kong nasa likod siya tumatago sa mga stocks ng foods

Kumuha ako ng isang wine at kunwaring tinitingnan ito ng mabuti

"Alam mo bang katulad ng isang simpleng wine ay may halo-halong lasa at kahulugan?" Di siya sumagot pero narinig ko ang paglunok niya "Syempre alam mo, bestfriend kita eh" kunwaring tumawa ako at nang di ulit siya sumagot ay nilingon ko na siya—

'What the!?'

"Eris?" Nagulat ako ng siya ang makita ko kahit inaasahan kong si Bri ang makikita ko. Ngumiti siya ng pilit kaya nahiya ako dahil sa pinagsasabi ko kanina at sa mali kong akala

'Baka nagkakamali lang ako ng sense..'

"Sorry, Noona ah. Naistorbo yata kita sa pagmomoment mo sa self mo hehehe" napakamot nalang ako sa batok at pilit tinatago ang kahihiyan

'Yan kasi eh! Hindi kasi lahat nang akala ay totoo'

"Okay lang, ganon ko kasi kamahal ang mga wine kaya pati sila ay kinikwentohan ko hehe" pilit kong magbiro, natawa naman siya

"Noona ah.. ganon ka na pala napamahal sa mga wine, eh pano yung mga kotse mo?" Natatawa niyang asar

"Syempre maslove ko sila. Di ko ipagpapalit ang nakasanayan ko sa nakaalaman ko palang" don na kami natawa ng sabay ay pilit inaalis ang mga hula kong mali at bumalik na sa taas at agad na lumapit kela Noona, nakita ko naman agad sa peripheral vision ko si Bri na nakaupo sa sofa at umiinom ng wine

'You're just hallucinating, Kate!'

Napailing ako dahil sa pagtataka kung bakit nagkamali ako ng hinala, hindi ako ganon. Lahat kasi ng hinala ko o napapansin ko ay kasiguraduhan

'Anong nangyari sa senses ko!?'

Umuwi na kami at di namin namalayang gabi na pala. Ako sa Bahay ko at sila naman ay sa Hotel ko. Nasa Bahay ko kasi lahat ng mga requirements and etc. ni Mamita, don kasi pinadeliver eh

Nakita ko agad si Dianne, Maxine at Jules na pinapapunta ko lang dito sa Bahay ko just to finish some i-don't-understand-things na required ng lahat ng Principals. Nagsisignature lang ako at nanonood ng intrams, nagiiscore, ganon!

Si Dianne, yung Secretary nga diba ng School or University ay okay naman. Astig nga siya eh dahil lahat ng sinasabi ko ay ginagawa niya, siya ang pinakamasipag na officer kesa sa Pres. and VPres.

Si Maxine, yung Pres. ng University na palaging madaling mapagod at pabebe pero dahil takot siya sakin ay ginagawa niya nalang. Di ko nga siya nakitang nagmumura kahit palihim eh

Si Jules naman ay ang VPres. na ang sipag pero masmasipag parin si Dianne. Hearthrob yang Jules na yan. Akala ko nga masbwesit pa siya kesa kay Maxine pero nagkamali ako. Masipag nga siya at mabilis sa kahit ano. Di siya nagrereklamo at advance pa mag-isip! Pero ang problema ay equal siyang tao, takot kasi siya sakin na parang hindi, ang gulo no?

"Ito na po yung mga papers na kailangan niyong permahan" sabi ni Jules sabay abot sakin ng sangkatotak na papers, agad ko naman iyong pinermahan ng 5 minuto lang at binigay na sakanya. Natawa nalang ako ng makita ang reaksyon niya dahil natapos ko agad ng ganon kabilis ang mala mountain na papers hahaha!

"Sa sunod, tuturuan kita kung pano maging mabilis" kinindatan ko siya at tumalikod na, pero bago umalis ay nagsalita ulit ako "Dito nalang kayo matulog, sa Guest Room nalang kayo. Umuwi nalang kayo bukas ng umaga pero kung magising ako ng maaga at maabutan kayo ay dito nalang din kayo magbreakfast" at tuluyan ng umalis at dumeretso sa kwarto

Di ko alam kung pano ko yun nasabi pero sigurado akong wala akong regret na sinabi ko yun—

'What is happening to meee!? This is not me! This isn't meeee!!'

Napadabog ako papunta sa CR at habang naliligo ay nagdadabog parin ako hanggang sa makatapos at makahiga sa kama at nakatulugan na din

***

Ano na kayang nangyayari kay Steph? Totoo ba talaga ang kanyang hinala o sadyang nawawalan na siya ng sense dahil sa kanyang pagbabago?

***

Author's Note:

Ito na babies ahh, bumabawi na akooo! Ngayon lang nakachamba ehh. Lovelots! Vote and commenttt!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon