Ch. 84: Christian and Alex

7 2 0
                                    

Christian's POV

Pag-alis ni Steph ay lahat kami ay kanya-kanyang upo sa malaki at mahabang couch dito

"Saan naman kaya siya pupunta?" Biglang tanong ni Alex na nasa tabi ko

"I don't know nga eh" nag-aalalang sabi ni Crystal habang nakanguso, napabuntong hininga naman ako

'Sana hindi ka mapahamak sa ginagawa mo, Queen Panda..'

Napabuntong nanaman ako ng sobrang haba at bigat, napatingin naman sila sakin

"Nag-aalala ka sakanya noh?" Asar ni Alex habang nilalapit sakin yung nang-aasar niyang mukha, umiwas naman ako nang umiwas

"Tss.. oo naman" napanguso na ako, tumawa naman siya habang pinapalo ako sa braso "Aray naman, Alex! Layoan mo nga ako!" Angal ko dahil nakasiksik siya sakin eh ang laki naman ng space

"Yieee! Kayo ah! Noon ko pa napansin na may something sa inyong dalawa mula pa nong bumalik ka mula sa Canada ba yun?" Tumango naman si Alex habang tumatawa pa at ayun nanaman ang pagpapalo-palo niya sa braso ko kaya hinihila ko siya palayo pero ang bigat niya!

"Sabi nang lumayo ka sakin eh! Bayolente kang tumawa eh!" Inis kong sabi habang hinihila siya palayo

"Tss. Layoan mo daw siya, Alex. Nasasaktan siya" lahat kami ay napalingon sa harap namin kung saan nakatayo na pala si Briana at seryosong nakatingin kay Alex, napanguso naman si Alex at lumayo na din sakin

"Thank you, Bri" sabi ko, natigilan naman at napaiwas bago umalis

'Anyare don?'

Bigla namang lumapit ulit sakin si Alex at aangal nanaman sana ako nang biglang bumulong siya sakin na nagpatigil sakin

"Mukhang may gusto sayo si Briana ah" nakangisi niyang bulong, nilakihan ko naman siya ng mata

"B-baliw ka na ba? H-hindi noh!" Sabi ko naman agad habang kumakabog ang dibdib ko sa kakaibang feeling na para bang natatakot ako pero may saya din

'What the!? Ano to!?'

Napalingon ako sa daang nilisan ni Bri at lumingon din ulit kay Alex na nakangisi parin habang tinataas baba ang kilay niya

"Noon ko pa yan napapansin ah. Ang gwapo mo kasi, pinsan" pagdidiin niya

"Ano!? Magpinsan kayo!?" Agad kaming napalingon kay Crystal na nakalimutan naming nandon din pala at naka-upo sa couch. Nagkatinginan naman kami ni Alex at nagtawanan

"Bakit? Naniwala ka namang aagawin ko siya sa Steph niya noh?" Natatawang sabi ni Alex, napalunok lang ako

"Maybe?" Natatawa ding sabi ni Crystal at nagtawanan naman sila

Pinsan ko si Alex at nagulat kaming dalawa—lalo na ako nang makita ang isa't isa sa party kinabukasan ng soft opening ng FanWo ni Steph kung saan kami nagcelebrate ng pagiging successful ni Steph. Nakita ko din noon ang pagtataka sa mga mata ni Steph nang mapansin niyang nagtitigan kami ni Alex non habang nakangiti pa si Alex sakin na para bang inaasar ako. Nag-usap muna sila ni Steph non na para bang may hinuhuli siya. Pagkatapos ay lumapit siya sakin at sinabi ang napansin niya kay Steph na mukhang nagselos daw ito sakanya dahil itong magaling kong pinsan ay inaasar pala si Steph na naasar naman at nagtaray pa daw nang biroin niyang sakanya nalang daw ako—eww! As if naman ay papatol ako sa pinsan ko diba? At as if naman papalitan ko ang Queen Pamda ko? Pero nakisabay nalang ako dahil sabi niya ay tutulongan daw niya akong mapaamin si Steph na sabi daw niya ay may gusto naman daw sakin si Steph. But ayaw kong umasa, but I tried na din para walang regrets diba?

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon