Model ng Patis.
"WALANGYA TALAGA YUNG LALAKING YUN ARGH!" reklamo ko habang bigla kong naalala yung nangyari sa restaurant kanina.
"Kalma Vi." sambit naman ni Dimple habang hinihimas ang likod ko para maka-kalma ako.
"Mabuti lang yung ginawa mo sa kanya 'no! Grabe, di man lang nagpaka-gentleman!" sabi ni Max.
"Oo nga, saka mukhang holdaper yung lalaki, talagang naka-all black at sinabi mong naka-sunglasses diba?" tumango ako sa sinabi ni Dimple. "Nako, mabuti nalang di ka naglabas ng pera o ano man! Baka modus yun! Saka mabuting tinuhod mo siya para wala siyang napala."
"Dimple, imposibleng holdaper yun. Eh nakabili nga ng pagkain eh!" sambit ni Max.
"Pero may point din si Dimple baka nga holdaper yun. Geez! Baka abangan ako nun!" oo seryoso ako baka sundan ako nun at pupunteryahin ako!
"Ang o-OA niyo talaga." sabi ni Max.
"Hindi kami OA--"
"Baka naman kasi si Grim Reaper nakita mo kasi all black?!" binatukan ko na ng tuluyan si Maxienne nang banggitin niya ang isang character sa "Goblin".
"Hays! Hayaan mo na yun Vi. Di naman siguro holdaper yun. Baka paranoid lang ako." sabi ni Dimple.
Sana nga paranoid ka lang hays.
~*~*~*~*~*~
2 weeks nalang bago magpasukan at kinailangan naming magpa-ID picture bago magpasukan para sa mismong pasukan ay may ID na kami.
Kasama ko si Maxienne, Dimple, Steven, at Kirsten na kaklase din namin since grade school and hanggang ngayon.
Halos, pare-pareho lang mga mga mukhang makikita ko sa pasukan dahil ang mga mukhang iyon ang mga mukhang nakita ko na since Grade school hanggang ngayong Grade 11.
"Haggard na ba ako?" tanong ni Maxienne habang inaayos ang kanyang buhok.
"Kanina ka pa nagr-retouch. Papaano ka magiging haggard?" sarkastiko kong sagot.
"Syempre. Naninigurado lang. Kailangan maganda ang ID Picture natin para hindi tayo mahihiyang ipakita 'to sa ibang tao." sabi naman niya. Napangiwi nalang ako.
"Next!" tawag ng assistant ng photographer. Agad namang lumapit si Kirsten na siyang una sa amin.
Ngumiti si Kirs sa camera.
"Ang ganda niya talaga." nagulantang naman ako sa nagsalita sa likod ko at nakita si Lean na nakangisi.
"Langya naman 'to akala ko naman kung sino." natawa siya sa sinabi ko at tinignan niya muli si Kirsten.
"Ganda niya 'no?" tanong niya sa'kin. Oo, maganda naman talaga si Kirsten since then.
"Oo." simple kong sagot.
"Pero mas maganda ka." sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Ano ba yan Lean. Kakaayos ko nga lang ng buhok ko." reklamo ko sabay ayos ng buhok ko pero nagulat ako nang ayusin niya ito.
"Ayan na po. Inaayos na po." nakangiti niyang sabi habang inaayos ang buhok kong ginulo niya.
"Salama-- OH SHT!" napamura ako nang may nakatapon sa'kin ng tubig.
"Woah. Its you!" nakangiting sabi nung lalaking matangkad at maputi. Pero yung ngiti niya para bang nanga-asar.
"No its you." sarkastiko kong sambit. "Hindi ka man lang ba mags-sorry?! Sht, wala akong extrang damit! Argh!" naiinis kong sabi.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...