Chapter 1

490 6 4
                                    

Juice

Vi's POV

(AN/N: Throughout the story it will be Vi's POV.)

"Huhu, langya talaga. Episode 13 palang 'to ha! Hustisya naman sa luha ko, wala pang Episode 16 mamamatay na agad siya?! Huhuhu." napatingin ako sa bestfriend ko na umiiyak habang nanonood ng KDrama na "Goblin".

"Malay mo mabubuhay ulit siya. Immortal siya duh--- Aray!" daing ko nang batukan niya ako.

"Wala ka talagang pakisama 'no? Tsss." sabi niya sabay patay sa kanyang laptop pagkatapos na niyang mapanood ang episode na iyon.

"Oh ano? Di ka na manonood?" tanong ko sa kanya sabay subo sa sour cream flavored piattos ko.

"Wala na akong mapanood eh. Hmm, i-rewatch ko nalang kaya yung W-L-F-K-B-J? Ganda din nun! Paroonin mo!" napalayo ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Alam mong di ako nanonood ng KDrama." napangiwi siya.

"Bat' ba kasi ayaw mo? Ang saya kaya! Saka mae-entertain ka." sabi niya with her sparkling eyes.

"Ayoko nga eh." simple kong sabi. Napangiwi siyang muli nang biglang pumasok sa kwarto ko ang pinsan kong kakagaling lang sa school para i-enroll kaming dalawa.

"Wow, wala man lang katok-katok Steven?" mataray na tanong ni Maxienne.

"Bahay ko naman 'to ah. Anong problema dun?" malamig na sagot ni Steven.

Anong problema ng dalawang 'to?

Nilapitan naman ako ng pinsan ko at binigay sa akin ang mga forms ko na dinala niya sa school.

"We're still classmates. STEM 11-B." sabi ni Steven.

"WAAHHH! YOU'RE STEM 11-B DIN?! WAAHHH! WE'RE STILL CLASSMATESSSS!" sigaw ni Maxienne at niyakap ako.

"A-aray Max nas-sakal ako!" reklamo ko kaya kumalas siya.

"Eto naman masaya lang ako." sabi niya sabay ngiti.

"Sige na, maiwan ko na kayo." singit ni Steven at lumabas na siya ng kwarto ko.

"Tss, naiinis talaga ako dun sa lalaking yun. Lagi nalang akong tinatarayan!" reklamo ni Max sabay kuha sa piattos ko.

"Eh ikaw naman kasi yung unang nagtataray!" sabi ko sa kanya nang sinubo niya ang piattos na kinuha niya sa'kin.

"Sabagay. Para quits nga naman kami." sabi niya at sumubo ulit ng piattos at ibinalik na ito sa'kin.

"Gusto mo ba pinsan ko kaya ganyan ka ka-affected?" tukso ko sa kanya. Agad naman siyang nag-react.

"DI AH. DUH. EWW. AYOKO DUN. YAAKKK." sabi niya na nagpa-ngiwi sa'kin.

"Bat' ka defensive?" tukso ko muli sa kanya.

"Di ako defensive. Nagsasabi ako ng totoo." sabi niya at muling in-on ang kanyang laptop.

Indenial. Tsss.

~*~*~*~*~*~

Kinabukasan ay napagpasyahan naming pumunta ni Max sa mall kasama ang isa pa naming kaibigan na si Dimple.

"Gastodera mode on!" tawa ni Max na nagpatawa din sa'min ni Dimple.

"Ano ba bibilhin natin?" tanong ni Dimple sabay uminom sa kanyang ti-nake out na frappe sa SB.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon