Chapter 15

78 1 0
                                    

Falling?

"Of course." sagot ko kay Aiden ng nakangiti. "You have no problem with that." dugtong ko. 

"Thanks Vi." sambit niya. 

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan ni Aiden nang dumating si Terrence. 

"Oh, Terrence, nandyan ka pala." sabi ko at tumayo. 

"O-oo, kanina pa kita hinahanap." sambit niya sabay tingin kay Aiden agad nanliit ang mata niya. "Ikaw?"

"A-anong siya?" tanong ko kay Terrence.

"Siya ang ex ni Avery." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Terrence. 

Si Aiden ang ex ni Avery na binalikan niya kaya iniwan niya si Terrence?!?!

"G*go ka din 'no? Ang lakas mo pang balikan pa si Avery tapos iwan ulit?" naglabas ng sarkastikong tawa si Terrence. 

"Siya itong nag-pumilit na balikan ako." diretsahang sabi ni Aiden. 

"Nakita mong masaya na kami tapos bumalik ka pa?!" sigaw ni Terrence. Agad ko na siyang nilapitan.

"T-terrence. Tama na." pagkakalma ko sa kanya. 

"Bakit ako ang sinisisi mo hindi siya?! Siya itong pilit na binabalik-balikan ako!" sigaw pabalik ni Aiden. 

"Guys, guys, what's happening here?" tanong ni Charles at nakita naming kasama niya ang buong barkada. 

"Bwisit." sabi ni Terrence at umalis sa kinalalagyan namin. 

Lumingon ako kay Aiden at nilapitan siya. 

"I'm sorry Aiden. Galit na galit lang talaga siya---"

"Naiintindihan ko naman pero ayaw ko lang ay ako ang sinisisi niya." sambit ni Aiden habang nakayuko. 

"Hayaan mo kakausapin ko siya. Sorry Aiden." sabi ko at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ng kamay ko. 

"Please talk to Avery too na itigil na niya yung mga kasinungalingan niya." 

~*~*~*~*~*~

"Terrence? Terrence?" patuloy kong pagsasabi ng pangalan ni Terrence. At nakita ko siyang nakaupo sa gutter katapat ng kanyang range rover. Nakita kong umiinom siya. 

Seriously is this guy is only 17 years old?!

"Terrence." tawag ko sa kanya at agad siyang lumingon sa'kin. 

"Vi." sabi niya. Nilapitan ko siya at umupo na din sa tabi niya. 

"Bakit ka nandito? Ayaw mo na bang bumalik doon sa loob?" tanong ko sa kanya. Umiling siya at uminom muli sa kanyang beer.

"Ayoko na dun. Ayokong makita yung g*gong yun." sagot niya. 

"Sigurado ka bang kasalanan ni Aiden iyon?" tanong ko. 

"Bakit, si Avery ba? Kung hindi na niya nilapitan si Avery noon edi sana kami pa rin hanggang ngayon!" sagot niya.

"Hindi naman sa sinisisi ko si Avery pero baka si Avery nga ang gusto pang balikan si Aiden pero ayaw na ni Aiden kaya iniwan na niya agad---"

"Ayun na nga eh. Kung hindi na nga nagpakita ulit si Aiden edi sana hindi na nahulog ulit si Avery sa kanya diba?" sabi niya at iinom sana pero pinigilan ko siya. 

"Tama na." direkta kong sabi sa kanya pero tinanggal niya ang kamay ko sa boteng hawak niya at uminom ulit. "Tama na sabi eh!" sigaw ko sa kanya kaya napatigil siya sa pag-inom.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon