Foundation Day
"Ininvite ako ni Terrence sa Foundation Day ninyo! Of course pupunta ako." kinurot naman ang puso ko nang marinig ko iyon mula kay Candace.
"A-ah, g-ganun ba?" nauutal ko pang tanong.
Hindi naman kaya si Candace ang nagugustuhan ni Terrence?
"Okay ka lang ba bes?" tanong niya sa'kin.
"Oo naman! B-bakit naman hindi?" naramdaman ko namang ngumiti siya sa kabilang linya.
"Yun! Hehe. Oh siya bes, I'll gonna end the call na. Bye! I love youuuu!"
"Good night, I love you too."
-End Call-
Pero parang feeling ko si Candace talaga ang nagugustuhan ni Terrence.
~*~*~*~*~*~
"Guys, sa Thursday na ang Foundation Day ninyo. Only one day left. Are you ready to give EU your energetic performance?" tanong ni Manager Elle sa'min.
"Yes Manager!" sagot naming apat kay Manager Elle at napatingin ako kay Terrence na ngiting-ngiti.
"Alright then! Dismissed!" tumayo na kaming lahat at nilapitan ako ni Terrence.
"Hey!" bati niya ng nakangiti.
*dugdugdugdugdugdug*
Aish!
"B-bakit Terrence?" tanong ko naman sa kanya. Habang iniiwasan siya.
Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko habang inaabot ko ang gitara kong nakalapag sa sahig.
"Are you avoiding me? What's the matter Vi?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa'kin.
"H-hindi kita iniiwasan." sagot ko naman at tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya at inabot ko na ang gitara ko pero hinawakan niya ito.
"Then why are you avoiding me?" tanong niya sa'kin.
"Wala na sa'yo yun. Bye Terrence."
Bakit mo ba ako nilalapitan? Ako ba ang nagugustuhan mo?
~*~*~*~*~*~
Dumating na ang araw ng paghuhukom-- este, Foundation Day.
Tumingin ako sa mga tao sa labas na naghihintay para sa'min. Grabe, ganito pala karami pag pati outsiders sinama!
"Nervous?" tanong sa'kin ni Lean.
"M-medyo." sabi ko naman.
Ako kasi muna ang unang magp-perform bago kami mag-perform kaming buong banda.
"Kaya mo yan. Ikaw ata si Violet Reyes." nakangiti niyang sabi. Medyo nawala naman ang kaba ko nang makita ko iyon.
*dugdugdugdugdugdug*
"Hey." bati sa'kin ng gwapong kumag.
"I-ikaw pala." sabi ko at agad umiwas ng tingin sa kanya. Lumapit naman siya sa'kin.
"Nervous?"
I really feel nervous tuwing nasa tabi kita. Kainis!
"H-hindi naman." sagot ko nalang. Napapikit ako sa sagot ko.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...