I'll be
(AN/N: Babala - Mahaba, sana di kayo tamaring magbasa. Hehe. :) Don't forget to vote and comment after. Thanks! :D)
Violet's POV
Kasalukuyan akong nagi-impake para sa pagpunta namin mamaya sa Lost Maiden Resort kung saan gaganapin ang birthday ni Kirs.
Sa ngayon ay masaya kaming lahat. Sila Charles at Dimple pa din, nililigawan pa din hanggang ngayon ng pinsan ko si Max, gayundin din si Lean kay Kirs.
Kami ni Terrence? Hindi pa kami. But we have mutual feelings for each other. Mahal ko siya, mahal niya ako.
At hanggang ngayon hindi ko alam kung kailan niya balak na tanungin ako kung pwede niya na akong maging girlfriend.
Umiling-iling na lamang ako. Alam ko namang dadating din yung oras na yun.
But I really can't wait to be his girlfriend and I can't wait for him to be my boyfriend.
Uminit naman ang pisngi ko at kinilig habang iniisip iyon nang nag-vibrate ang phone ko.
----
From: Terrencebabes <3
Will pick you up around 10 am okay? :)
----
To: Terrencebabes <3
Copy. :)
----
Napangiti na lamang ako at nagpatuloy sa pagi-impake. Magtatagal kasi kami doon for 3 days and 2 nights kaya kailangan kong mag-impake ng iilan kong gamit.
Time Check: 9:00 am
Matapos kong mag-impake ay inayos ko na ang sarili ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok." sambit ko habang inaayos ang buhok ko.
"Ma'am nandyan na po si Sir Terrence sa baba." napapikit ako.
BAKIT BA LAGI NALANG MAAGANG DUMADATING YUN DITO?
"A-ah sige po. Bababa na ako---"
"Sabi niya po Ma'am wag po kayong masyadong magmadali." napangiti naman ako.
"Sige, papasukin mo nalang siya para di siya masyadong mainip sa labas."
"Sige po Ma'am." tumango ako at umalis na ang katulong namin na iyon at nagpatuloy na ako sa paga-ayos ng sarili ko.
Grabe magmula nung nahulog na ako kay Terrence doon na ako natutong mag-ayos ng sarili ko.
Well kailangan ko naman talagang matuto. Geez.
Time Check: 9:25 am
Pagkatapos kong maglagay ng lip tint ay sinimulan ko ng ayusin ang buhok ko at naisipang i-bun na lamang ito.
Matapos kong mag-ayos at lahat-lahat at binitbit ko na ang backpack ko at ang maliit kong sling bag at doon nilagay ang phone ko saka ako bumaba at nakita na si Terrence na nakaupo sa sofa at busy sa kanyang phone.
Dali-dali naman akong umupo sa tabi niya at hinalikan sa pisngi.
Geez, I'm so clingy.
"Oh, tapos ka na pala. Nagmadali ka nanaman ba?" tanong niya. Umiling naman ako.
"Nope." sagot ko. Ngumiti siya at tinignan ako.
"Bakit ba kahit ang simple-simple mo lang ang ganda mo pa din?" uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya at ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...