Hindi mo ako mahal
"OHH WOAH!!"
"Magpatalo ka naman Aiden!" sambit ko kay Aiden habang naglalaro kami ng car racing game sa PS4.
Nakita kong tumigil ang kino-control niyang sasakyan malapit sa finish line pero humarurot na ako papuntang finish line kaya nanalo ako.
"YEESSS!" sigaw ko. At tinignan siyang nakangiti sa'kin. Napawi naman akong ngiti ko. "Bat' ka tumigil?"
"Sabi mong magpatalo ako eh. So I did it." sambit niya.
"Bat' mo 'ko sinunod?" tanong ko. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.
"Cause I'll do everything just to make you happy." sagot niya. Tinamaan nanaman ako ng guilt. "Game! Another game. Pero this time. Di na kita papagbigyan." tawa niya. Nakitawa na din ako.
"Game!" sambit ko.
Habang pareho kaming namimili ng kotseng ic-control nang biglang tumunog ang phone ni Aiden.
"Excuse me Vi. Need to take this call." sambit niya. Tumango naman ako.
"Go ahead." ngumiti siya at tumayo saka dumistansya sa'kin para sagutin ang tawag.
Nang mahanap ko na ang kotseng gusto kong i-control sa car race ay saka naman nag-vibrate ang phone ko.
----
From: Manager Elle
LIGHTNING GLAZE. Emergency meeting mamaya sa agency. We'll talk about your mini concert sa Christmas Ball ninyo. 2:00 pm. Okay?
----
What?! May performance sa Christmas Ball?!
----
To: Manager Elle
Sige po Manager.
----
Pagkareply ko ay sakto namang pagtabi sa'kin ni Aiden kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh? Sino yung tumawag sa'yo?" tanong ko sa kanya habang naghahanap siya ng kotseng ic-control.
"Si Dad. May meeting daw sa Azpi, urgent daw." sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko.
"Oh! Edi bakit nandito ka pa?" taka kong tanong. "Urgent pala yun eh." tinignan niya ako at ningitian ako.
"You're more important than that." sagot niya.
"Aiden, sige na. Pumunta ka na dun. Company ninyo yun at mas importante iyon sa'kin. Okay?" napabuntong hininga siya.
"Alright then. Pero kahit anong mangyari, mas importante ka pa din dun. But I'll go because you want to." sambit niya. Ngumiti ako saka siya tumayo para damputin ang mga gamit niya. "I'll go now." tumango ako.
"Sige na. Ingat ka Aiden. Bye!" sabi ko at kumaway. Ngumiti siya.
"Bye Vi." sambit niya at umalis na.
Bumuntong hininga ako nang makatanggap ng text mula kay Terrence.
----
From: Terrence
I'll fetch you later. 1:45 kita susunduin.
----
Sa di malamang dahilan ay uminit ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Roman pour Adolescents[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...
