Chapter 22

68 1 0
                                    

Itatago nalang.

Iyak lang ako ng iyak habang nasa biyahe kami ni Aiden. 

Napahawak din ako sa dibdib ko. 

Ang sakit-sakit talaga.

"You know what Vi, hindi mo na siya gusto." biglang sabi ni Aiden. "Hindi ka naman magkakaganyan kung gusto mo lang siya eh." dugtong niya. 

"E-edi ano? *sobs*" tumigil ang kanyang Mercedes dahil lumitaw ang red light sa stoplight.

"Mahal mo na yun." sabi niya na may malungkot na tono. 

"G-gusto ko lang s-siya. *sobs* Pero hindi ko alam kung bakit ganito kasakit yung nararamdaman ko. *sobs* S-sobra-sobra eh. *sobs*" sagot ko. Tumingin siya sa'kin. 

"Yun na nga, gusto mo lang siya. Pero grabe yung sakit na nararamdaman mo." sambit niya. "Mahal mo na siya Vi. You can't deny it. You've fallen harder." dugtong niya. Tinignan ko siya habang nakahawak pa din ako sa dibdib ko. 

Siguro nga tama si Aiden. Mahal ko na nga ata si Terrence. 

I've fallen harder that I could ever imagine. Akala ko talaga noong una hindi talaga ako magkakagusto o magmamahal ng isang tulad niya. 

Pero nagkamali ako. Hulog na hulog ako. Hulog na hulog ako sa taong kinaiinisan ko noon. 

Pero alam mo yun... 

Yung minsan ka na nga lang magkagusto o magmahal ng iba, sa maling tao pa. 

Ang sakit. 

~*~*~*~*~*~

Second day ng Foundation Day ay hindi na ako pumunta. Nagkulong lang ako sa kwarto habang inilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. 

Ngayon lang talaga ako nasaktan ng ganito.

Nakahiga pa din ako sa kama habang iniisip ang lahat ng mga ginagawa namin noon ni Terrence nang hindi pa dumadating si Candace sa buhay niya.

Ang saya-saya ko. Masaya kaming dalawa.

Pero sa isang iglap, nawala lang yun nang dumating na si Candace. At noong saktong pagdating ni Candace, doon na ako nahulog kay Terrence.

Bad timing talaga.

Humagulgol nanaman ako sa iyak habang iniisip ang mga bagay na iyon nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. 

Napabangon naman ako at dali-daling pinunasan ang luha ko at inayos din ako sarili. 

"S-sino yan?" tanong ko. 

"Ma'am, kumain na daw po kayo sabi nila Ma'am Phoebe." sagot nung kumatok. Si Ate Meann lang pala ito. 

"P-pakisabing mauna nalang sila. Wala pa akong gana." sagot ko at humiga ulit. 

"Sige po." sambit ni Ate Meann at naramdaman kong umalis na siya. Nang bigla namang nag-vibrate ang phone ko. 

---

From: Terrence

Sorry sa nangyari kagabi. Sorry talaga. Wish you're here with us. 

---

Tinignan ko ang picture na sinend niya sa'kin at nandoon ang buong barkada kabilang na si Candace. 

Naiyak nanaman nang makita kong magkatabi sila ni Candace sa picture. 

Ganito na ba talaga ako kababaw?

Hindi na lamang ako nag-reply sa kanyang text at nagtaklubong nalang ng kumot habang umiiyak pa din. 

Nang may naramdaman akong pumasok ng kwarto ko. 

"Anak..." narinig kong tawag ni Mommy. Hindi ko tinanggal ang pagtaklubong ng kumot sa'kin dahil patuloy pa din ang pag-agos ng luha ko. "Anak, kumain ka na." sabi ni Mommy sa malambing na tono. Pinipigilan kong humikbi dahil baka mahalata niyang umiiyak ako. "Anak, bumangon ka na at kumain." sabi niya. Dahil ayoko namang umabot sa puntong biglaang tatanggalin ni Mommy ang kumot sa'kin ay inayos ko nalang ang sarili ko sa ilalim ng kumot at bumangon na. 

"M-mommy." tawag ko at bigla siyang nanlumo nang makita ako. 

"Anak, umiyak ka ba?" taka niyang tanong. Umiling naman ako. 

"H-hindi po. Bagong gising lang po kaya siguro kaya ganito itsura ko." pagsisinungaling ko.

"No, umiyak ka." sabi niya. Napayuko na lamang ako at tinignan ang pagkain na nakalagay sa tray na dinala niya para sa'kin. "See. I know you this much anak kaya wala kang takas sa'kin. Tell me what's wrong." sabi ni Mommy kaya napaiyak ako ulit. 

"M-mommy..." malungkot kong sabi habang umiiyak at umagos nanaman ang luha ko. "B-bakit po ganun? *sobs* Ang sakit-sakit..." dugtong ko habang umiiyak. Inilagay ni Mommy ang ulo ko sa kanyang dibdib, hinimas-himas ang aking ulo habang naka-akbay siya sa'kin. 

"Tell me everything anak. I'm here to listen." sabi ni Mommy. 

"*sobs* I-I like someone who doesn't like me back." malungkot kong sabi kay Mommy. 

"Like? I think you already love that someone." sabi naman ni Mommy. 

"*sobs* G-ganun po ba yun Mom? *sobs* Ganito po ba kasakit magmahal? *sobs*" huminga ng malalim si Mommy bago niya ako sagutin. 

"Alam mo anak, kapag nagmamahal tayo, hindi talaga natin maiwasang masaktan. Its normal. Pag nagmamahal ka, nasasaktan ka. Walang perpektong tao anak. Oo nga, mahal mo siya pero hindi mo ring maiwasang masaktan. Being in love and being hurt are conjoined." sagot ni Mommy. "Pero pag mahal mo talaga ang isang tao, hindi na baleng masaktan ka. Dahil ang importante sa'yo, ay mahal mo siya. Kahit na, hindi ka niya mahal." dugtong ni Mommy.

"If you really love that someone, you'll not give up hanggang sa mahalin ka na din niya. Love never gives up, because when you're in love, you'll do everything."

~*~*~*~*~*~*~

Monday. Tulala lamang akong nakatingin sa malalaking bintana ng classroom namin habang nakikinig sa music. 

Nang may biglang humablot ng earphone sa kanang tenga ko at napatingin ako kung sino. 

Si Terrence.

Napatingin din siya sa'kin kaya agad akong umiwas ng tingin. 

*dugdugdugdugdugdug* 

"Iniiwasan mo ba ako Vi?" tanong niya sa'kin. 

"Hindi." direkta kong sagot. 

Gustong-gusto na talaga kitang iwasan pero parang hindi ko ata kayang lumayo sa'yo.

"Why can't you look at me directly?" tanong niya ulit. Para matapos na ang pagtatanong niya ay tinignan ko na siya at bumalik lahat ng sakit. Pero patuloy pa din ang malakas na tibok ng puso ko. 

"Ayan na. Happy?"

"Happiest." sabi niya ng nakangiti. Tumingin lang ako sa kanya. 


Mas mabuti nalang sigurong ganito nalang muna. Kahit hanggang dito lang. Kahit hanggang mag-kaibigan nalang muna. 

Masaya naman ako, dahil kasama kita pero masakit din kasi may mahal ka ng iba. 

Kaya, itatago ko nalang 'tong nararamdaman ko, dahil sa tingin ko, ito nalang ang natatanging paraan para patuloy pa din kitang makasama kahit hindi mo ako mahal. 

~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon