Chapter 32

78 2 0
                                    

Ang Katotohanan

"Kami na ni Terrence." diretsahang sagot ni Candace. 

"T-totoo ba yun Terrence?" tanong ko habang nagpipigil ng luha.

The fudge. Bakit ang babaw ko na?

Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

"C-congrats!" sambit ko habang patuloy pa ding nagpipigil ng luha. "Okay na din naman sigurong umalis na ako dito 'no? Tutal nasabi niyo na din naman yung sasabihin ninyo. Pwede na akong umalis?" pinilit kong hindi maging matabang ang tono ng boses ko.

"Agad-agad bes? Hindi ba pwedeng mag-stay ka muna dito---"

"S-sorry. May gagawin p-pa kasi ako." nauutal kong sagot.

"V-vi---" 

"Congrats ulit. S-sana magtagal kayo." sambit ko at dumiretso na sa labas ng bahay nila Candace nang may humigit ng kamay ko.

"Vi. Alam kong biglaan---"

"B-bakit ka nage-explain?" tanong ko. 

Gusto mo din ba ako? Sabihin mo... Bakit ka nage-explain?

"K-kasi, gusto ko lang naman na malaman mo na.. Hanggang ngayon siya pa din ang mahal ko at mamahalin ko..." 

T*ng*na.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"A-ah. Ganun ba?" wala ka man lang bang pake kung yung sinasabihan mo niyan, masasaktan?

"She offered me a chance.. Again. Para ligawan siya. But I'm already tired of waiting that's why last night, agad-agad ko siyang tinanong kung pwede ko na siyang maging girlfriend. And she said yes." tumango-tango ako at suminghap.

"Ahh. Okay. So saktong birthday ko pa pala ang magiging anniversary ninyo kung sakali." matabang kong sambit habang nagpipigil ng luha.

"O-oo. Parang ganun na nga." naglabas ako ng malalim na hininga.

"Congratulations then. Sige na, bumalik ka na dun kay Candace. Baka magduda pa yun." sagot ko at aalis na sana nang tawagin nanaman ako ni Terrence.

"Vi. Sandali--"

"Nasabi niyo na lahat ng sasabihin ninyo. I've heard enough." sambit ko at tumakbo na makaalis na ng tuluyan doon kahit na tinatawag-tawag pa ako nila Terrence.

Paksht, ang sakit. Sobrang sakit.

~*~*~*~*~*~

Kanina pa ako iyak ng iyak magmula noong umalis ako kila Candace.

Gusto ko lang naman na malaman mo na.. Hanggang ngayon siya pa din ang mahal ko at mamahalin ko.  

Walang hiyang pag-ibig 'to. 

Ang sakit, sobrang sakit. 

Akala ko may pag-asa na ako sa kanya. Wala pa rin pala. 

Tanga ko din eh. Bumalik lang naman siya dahil gusto niyang makipag-kaibigan ulit. Hindi dahil gusto niya ako o mahal niya ako.

Haha. Ang babaw ko. 


Para akong tangang naglalakad habang umiiyak. 

Hindi ko na nga alam kung na saan ako.

Mukha akong batang inagawan ng lollipop o laruan. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon