Chapter 37

77 2 0
                                    

Her Mom

"VI!" nagulantang ako sa tumawag sa'kin at nakita si Aiden na dinaluhan ako habang patuloy pa din ang pag-iyak ko mula sa nangyari kanina.

"A-aiden---"

"Are you okay? Sht. Sinong gumawa sa'yo nito?" naga-alala niyang tanong habang hinahawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. "Sinong gumawa sa kanya nito?!" sigaw niya sa mga guard na nakabantay lang sa'kin at hindi alam kung paano ako patahanin.

"Y-yung GF po ni Sir Terrence S-sir." sagot nung isa. Napasinghap siya.

"That bastard." sambit niya kaya napatingala ako sa kanya.

"W-walang ginawang masama si Terrence s-sa'kin *sobs*." sabi ko. Tinignan niya ako ng direkta.

"Wala man pero girlfriend naman niya ang may gawa sa'yo nito." sabi niya. Patuloy pa din ang pag-iyak ko. Naramdaman kong tinignan niya ang teddy bear na bigay sa'kin ni Terrence at kinuha niya ito. "Galing sa kanya 'to 'no?" napatingala ako sa kanya at tumango.

"N-napalalunan namin k-kanina *sobs* sa a-arcade. *sobs*." hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa patuloy na pagtulo ng luha ko.

"Umalis na tayo dito. I'll get you home. Okay?" tumango na lamang ako at inalalayan niya akong tumayo dahil nawalan na ako ng lakas.

~*~*~*~*~*~*~*~

"Walang hiya talaga yung babaeng yun!" nanggagalaiting sabi ni Max.

"Kalma Maxienne." sambit naman ni Steven.

"PAANO AKO KAKALMA? P*T*NG I*A ! SINAKTAN NIYA ANG BESTFRIEND KONG WALA NAMANG GINAGAWANG MASAMA! IKAW, PINSAN MO SIYA DIBA? HINDI KA BA MAGAGALIT DUN SA GINAWA NUNG BABAENG YUN SA PINSAN MO HA?!" sigaw ni Max.

Umiiyak lamang ako habang pinapatahan ako nila Dimple at Aiden.

"Makakatikim talaga sa'kin yang babaeng yan. F*ck her." sambit pa ni Max.

Nagulantang naman kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto ng bahay namin at nakitang pumasok sila Lean at Kirsten.

"Vi!" sigaw ni Kirs at niyakap ako.

"K-kirs--"

"Sorry. I'm so sorry sa nangyari." sabi ni Kirs habang yakap pa din ako at naramdaman kong umiiyak na din siya.

"Pakisabihan nga Kirs yung pinsan mong napaka-manhid niya at napaka-bulag niya." sambit ni Max.

Kumalas na si Kirs sa yakap naming dalawa and she wiped my tears away.

"H-hayaan mo. Gagawa ako ng paraan para maayos lahat ng 'to. I will tell Terrence everything--"

"P-pati yung mahal ko siya?" tanong ko kaya napatingin sa'kin si Aiden.

"He needs to know it Vi. Para matigil na 'to. Kung patuloy pa din siyang magpapaka-bulag kay Candace baka lumala ang sitwasyon." sambit ni Dimple.

"He needs to know how much he made you hurt." singit ni Aiden.

"He needs to know na iba na ang ugali ni Candace at pati sarili niyang childhood bestfriend ay sinasaktan niya na kahit wala naman siyang ginagawang masama." sambit ni Lean.

"Simply, he really needs to know everything Vi." sabi naman ni Charles. Tumulo nanaman ang luha ko.

"Vi.." tawag ni Kirs.

"T-tingin niyo ba may sense pa kung *sobs* kung sasabihin niyong mahal ko siya? *sobs* T-tingin n-niyo ba, *sobs* m-may sense pa kung sasabihin ninyong nasaktan o nasasaktan ako sa ginagawa niya? *sobs*. T-tingin ko kasi w-wala na eh. *sobs* S-sabihin ko man na mahal ko siya o *sobs* n-nasasaktan ako, w-wala ng kwenta k-kasi *sobs* in the end s-si C- *sobs* Candace pa din p-piliin niya eh. *sobs*"

"But Vi, look at the brighter side. K-kung sasabihin natin yun kay Terrence maybe you'll have the chance."sabi ni Kirs. I faked a laugh.

"T-tama na. A-ayoko ng umasa. *sobs*. I cleary had enough. *sobs*" sagot ko.

Sobra-sobra na kasi yung sakit. 

~*~*~*~*~*~*~*~

Kinabukasan ay tulala lang ako at hinahayaan ang mga luha na lumundas sa mukha ko habang nakatingin ako sa bintana ng kwarto ko.

Umuulan din ngayon kaya sumasabay ang panahon sa kung anong nararamdaman ko ngayon.

Gloomy. Nababalot ng kalungkutan.

*toktoktok*

"Anak? Vi?" napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang katok at boses ni Mommy.

Pero wala akong lakas na sabihing pumasok siya at binalik na lamang ang tingin sa labas ng bintana ko.

"Papasok ako ha?" sabi niya at narinig kong bumukas na ang pinto ng kwarto ko at narinig din ang pagsara ni Mommy dito. Naramdaman ko ding may nilapag na kung ano si Mommy sa kama ko at feeling ko tray iyon ng pagkain. "Nak." tawag niya at nilapitan ako. Hindi ko siya nililingon o ano man pero umupo siya sa harapan ko. Sa bintana ko kasi ay sa baba nito ay merong mini bench at doon kami nakaupo ni Mommy ngayon. 

"Anak. Kagabi ka pa iyak ng iyak." sabi ni Mommy. Oo, literal akong kagabi pa umiiyak. Hindi nga ako nakatulog dahil dun. "*sighs* Steven told me everything. Kahit ayaw naming gawin yung pag-cancel ng contract ni Candace sa "Feet-to-go" ay kailangan naming gawin dahil sobra yung ginawa niya sa'yo. Di na baleng masira na ang pangalan ng kompanya ang importante naman sa'min ng Daddy mo ay ikaw anak." sabi ni Mommy sabay hawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya habang patuloy pa din ang pag-iyak ko. She wiped my tears and smiled. "Anak, naalala mo ba yung sinabi ko sa'yo dati?" napayuko ako at hindi siya sinagot. "Love never gives up right? If it gives up, it's not love. Naalala mo din ba yung sinabi ko sa'yong magka-akibat ang pagmamahal at yung nasasaktan ka?" iyak lamang ang naisasagot ko kay Mommy. She lifted my chin para makatingin ako ng direkta sa kanya. "Anak, nakikita ko sa'yong hindi mo kayang pakawalan si Terrence." sambit ni Mommy. 

"And I really do believe na may pag-asa kayong dalawa if you just don't give up on loving him. Anak, iyon ang nangyari sa'min ng Daddy mo. Ngayon ko lang sasabihin sa'yo 'to pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Alam mo ba noong mga bata palang kami or kasing-edad lang namin kayo. I loved your Dad so much na gagawin ko talaga ang lahat para mapansin niya ako. But he's attracted and in love with another person." napalunok si Mommy bago nagpatuloy sa pagsasalita. "He's in love with Candace's Mom." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Nagulat ka 'no? Yes its true. Naging sila pero di rin nagtagal. 1 year and 5 months lang ata sila noon. But even before your Dad fallen in love with Candace's Mom mahal ko na siya anak. I claimed to myself na siya na ang taong para sa'kin na siya na ang una at huling taong mamahalin ko." dugtong niya. "Yes, I let him go nung time na naging sila nung mom ni Candace pero nandun pa din yung nararamdaman ko para sa kanya. So I stayed. Until noong na-broken siya noong nag-break sila. I was there for him pero tinataboy niya ako. But I didn't care. I did everything para mapansin niya ako. I didn't give up on him, kahit na sinasabihan na ako na lolo't lola mo na tumigil na, but I didn't listen to them. And then boom. After 3 years, I made your Dad fall in love with me. And here we are. Mag-asawa na." napangiti ako sa pagk-kwento ni Mommy.

"Kaya anak, don't give up. There's always a way para mahalin tayo pabalik ng taong mahal natin. Oo anak, masakit. Sasabihan ka din ng ibang taong malandi ka although na ang gusto mo lang naman is bumalik sa'yo yung pagmamahal na binibigay mo. Sasabihan ding tanga ka. Oo, magmumukha kang tanga. Pero mas magmumukha kang tanga kung sinayang mo yung pagkakataong gawin ang lahat para mahalin ka pabalik ng taong mahal mo at nakuha nanaman siya ng iba. Diba magsisisi ka?" tanong ni Mommy at tumango-tango naman ako. "Keep on holding on hangga't may makakapitan ka. Don't give up on someone you love kung alam mong sa sarili mong ayaw mo na siyang pakawalan at makuha pa ng iba. Okay?" tumango ako at ngumiti pero patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko. She wiped my tears away again.

"That's my girl." sabi ni Mommy at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

"Thank you Mom." 

Natauhan ako sa mga sinabi ni Mommy.

Here goes nothing.

I won't give up on you Terrence. I really won't.

~*~*~*~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon