Chapter 62

69 1 1
                                    

Pinagkakait

Terrence's POV 

"Sir, ngayon po yung pictorial niyo po and presscon para sa series ninyo." napabuntong-hininga naman ako habang tinatanggalan ako ng make-up sa natapos kong pictorial.

Syempre hindi naman yung make-up na parang sa mga babae. Foundation lang naman. Haha!

"Anong series? Yung "Ikaw Lang"?" tanong ko. Tumango si Erika. 

"Opo Sir. 2:30 pm po yung pictorial. 5:30 pm naman po yung presscon." napatingin ako sa relo ko at nakitang 10:00 am palang. 

"Alright. Thanks Erika." ngumiti siya at tumango. 

"Kumusta na po pala kayo ni Ma'am Vi, Sir?" tanong niya na nagpangiti sa'kin na nagpagulat naman sa naga-ayos sa'kin.

"Hala Sir! Kayo po ni Ma'am Vi?!" takang tanong niya. Ngumiti ako.

"Nope. Hindi pa." sagot ko naman.

"Bakit niyo pa pinapatagal Sir?" tanong ni Erika. 

"Balita ko nga Sir break na sila nung boyfriend niya. Yung kasama niyang umuwi mula US." sambit nung naga-ayos sa'kin. 

"2 months passed since they broke up." sagot ko. "I'm just waiting for the right time to ask her to be my girlfriend." dugtong ko.

"Yiiiieee. Nako Sir, sana magtagal kayo. Bagay kayo eh." napangiti naman ako sa sinabi ni Erika.

"I hope so. Pero tingin ko naman magtatagal kami. Because we've been into each other since then. Kaya imposibleng hindi pa siya ang mapapakasalan ko." 

"Nako! Magiging bongga ang kasal kung sakali." natawa na lamang kami ni Erika sa sinabi ng naga-ayos sa'kin.

~*~*~*~*~*~*~*~*~

Kasalukuyan akong nagd-drive papunta sa bahay nila Vi para makasama siya. Tingin ko naman ay wala siyang ginagawa ngayon. 

Pero bumabagabag nanaman sa isip ko ang mga mangyayari sa pictorial mamaya lalo't makakasama ko ang makaka-loveteam ko sa series na gaganapan ko. 

Si Isa Ferrer ang makakapareha ko sa series na iyon at isa pa naman siya sa mga nagkakagusto sa'kin. 

Fudge. Ganito nalang ba lagi pag pinapareha ako sa mga actress kailangan nagkakagusto sa'kin? Ugh.

Umiiling-iling na lamang ako. 

I'll just bring Vi with me.

At nakarating na ako sa bahay ng mga Reyes..

Pinark ko ang aking range rover sa labas ng bahay nila at nag-doorbell sa kanilang bahay. Pinagbuksan naman ako ng gate ng guard nila. 

"Oh! Sir Terrence. Kayo po pala yan." nakangiti niyang sabi. 

"Kuya, si Violet ho?" tanong ko naman habang nakangiti din.

"Ay nasa loob po. Tatawagin ko nalang po--"

"Ay di na po. Pupuntahan ko nalang siya." 

"Sige po Sir." sabi niya at pinapasok niya ako sa loob. 

Pagkapasok ko sa mismong bahay nila ay may narinig akong tumutugtog ng piano. 

NP: River Flows In You - Yiruma

Nakita ko si Violet na noo'y tumutugtog ng piano sa 2nd floor ng bahay nila. 

Tinitigan ko lamang siya.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon