Sayo lang
(AN/N: GUYS! Mej lame 'tong update na 'to. Di gumagana imahinasyon ko. Char. Hahaha! Pero seryoso. Pero sana magustuhan niyo pa din. Don't forget to vote and comment after reading. Thank you and God bless! :) <3 )
Violet's POV
"BES! FINALLY BES! WWWOOOHHH!" sigaw ni Max habang tumatalon-talon sa kama ko.
"Max ano ba tama na." natatawa kong sabi.
"EH MASAYA AKO EH BAKIT BA?" sambit niya at tumigil na sa kakatalon at umupo sa tabi ko. "Kayo na beeesss! Anong feeling?!" natawa naman ako sa tanong niya habang tinitignan ang promise ring na binigay sa'kin ni Terrence kanina.
Sht, kinikilig pa din ako habang iniisip yun!
"Masaya-- aray ko!" daing ko ng bigla akong batukan ni Max.
"Sus! Yun na yun?" napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Malamang hindi--"
"EDI ANOOO?!" napailing naman ako sa kakulitan niya.
"Syempre, kinikilig--"
"WAAAAHHHH! AKO DIIINN!" napatakip ako ng tenga sa kakasigaw niya. "Kinikilig ako dun sa part na kinantahan ka niya tapos lumuhod siya sa harapan mo like-- WAAAHH! PARA SIYANG NAGP-PROPOSE!" dugtong niya. Napangisi naman ako.
"Pinagplanuhan niyo talaga 'to no." tumango siya.
"Yup. Since nung gabing pinigilan mo siyang umalis, dun na kaming simulang nag-plano para dito." nakangiti niyang sabi. "Talagang pinaghandaan niya 'to bes. At tingin ko ngayong kayo na, wala ng makakapaghiwalay sa inyong dalawa."
"Hinding-hindi ko siya papakawalan Max. Alam mo kung gaano ako naghirap para lang mahalin niya din ako pabalik."
"I know Vi. That's why I'm so happy for you. Finally, eto na! Napansin ka na ni Terrence at minahal ka na niyaaaa!" napangiti naman ako at tinignan ang promise ring.
"Sana nga siya na talaga, kasi siya rin naman ang gusto kong makasama habangbuhay."
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Kinabukasan...
Nagising ako nang may biglang humalik sa noo ko.
"Rise and shine sleepyhead." napadilat ako at nakita si---
WHAT THE?! ANG AGA-AGA?!
Napataklubong ako ng kumot sa mukha. Argh. This is so embarrassing!
"Anong ginagawa mo dito?!" halos pasigaw kong sabi.
"Ginigising ka." sagot niya.
"Inaantok pa ako saka di pa ako nakakapag-ayos ng sarili ko!" reklamo ko.
"Kahit hindi ka na mag-ayos maganda ka naman sa paningin ko." uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Walang ibang ginawa kundi pakiligin ako. Argh.
"Ewan ko sa'yo. Let me sleep." sagot ko at pumikit ylit nang naramdaman kong tinanggal niya ang kumot sa mukha ko at hinalikan ako sa labi. "TERRENCE!"
"Gising na kasi." sambit niya. Napapikit ako.
"Ayoko paaaaa." reklamo ko.
"Sige na babeee. Please?" langjooo. Tulungan niyo ho ako. Kinikilig talaga ako sa lalaking 'to. "Di ako kakain ng breakfast kung di ka sasabay sa'min."
![](https://img.wattpad.com/cover/137075743-288-k357212.jpg)
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...