Chapter 36

71 2 0
                                    

Let Go

"Bang! 175 points!" masayang sabi ni Terrence nang mai-shoot niya ang huling bola sa net. Kasalukuyan kasi kaming nasa arcade ngayon at naglalaro siya ng basketball.

Tinignan ko lamang siya habang kinukuha niya ang mga ticket na nakuha niya.

*dugdugdugdugdugdug*

Kahit saang anggulo mo talaga tignan ang lalaking 'to. Ang gwapo pa din talaga.

"Hay!" singhal niya pagkaupo niya sa tabi ko habang hawak ang mga ticket na nakuha niya.

"Okay ka lang?" bungad kong tanong. Ngumiti siya.

"Yup! Okay lang ako. How about you? Okay ka lang?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Oo, okay lang ako." sagot ko naman. Nagbuga siya ng malalim na hininga sabay tapat sa mukha ko ng mga ticket.

"Tara, i-claim na natin yung prize na pwede nating makuha." sambit niya. Tinignan ko ang mga ticket at nakitang medyo kakaonti palang ito.

"M-medyo konti palang yan Terrence." sabi ko at napalunok. Napangiwi naman siya.

"Ganun. Oh sige. Maglalaro ako ulit para madagdagan." sabi niya at tatayo na sana nang pigilan ko siya. "Oh bakit?" taka niyang tanong. Ngumiti ako.

"Ako ng maglalaro. Pagod ka na." sambit ko. Ngumisi siya.

"Sige. I-beat mo nga yung score kong 175." sambit niya. Tumawa ako.

"Easy." pagmamayabang ko.

"Talaga lang ha?" tawa niya sabay abot sa'kin ng isang token.

"Oo naman. Watch and learn." sabi ko naman at dumiretso na sa palaruan.

Nang nagpakawala na ang basketball machine ng bola ay agad-agad na akong nag-shoot ng bola sa net.

(After a minute later.)

"WOAH!" biglang sabi ni Terrence nang makita niya ang score kong 225. Nilingon ko naman siya.

"Sabi ko sa'yo easy lang eh." tawa ko at kinuha na ang mga ticket. Marami-rami ito.

Nang makuha ko na ang mga ticket ay dumiretso na ako kay Terrence.

"P-paano mo nagawa yun?" tanong niya. Tumawa ako.

"Ewan ko. Sadya nga lang talaga sigurong magaling ako." sambit ko. Ngumisi siya at umiling-iling.

"Iba ka talaga. Halika ka na nga. I-claim na natin price natin." sambit niya at sabay na kaming pumunta sa counter para i-claim ang prize namin.

Isang teddy bear ang nakuha namin.

"Thank you po!" masayang sabi ni Terrence pagka-abot sa kanya ng teddy bear.

"Oh! Kayo po si Terrence Shawn Chua diba? And kayo po si Violet Reagan Reyes?" sabay naman kaming tumango sa sinabi noong crew. "Waaahhh! Pwede pong pa-picture?! Idol na idol ko po kasi ang banda ninyo!" nagkatinginan naman kami ni Terrence.

Wala na po ako sa banda nila Ate.

"Sige. Pwede naman." simpleng sagot ni Terrence at inilabas na ng crew ang kanyang phone at nakipag-selfie sa'min ni Terrence. Naka-apat din kaming shots.

"Thank you po!" masayang sabi noong crew. Ngumiti naman ako.

"Thank you din. Sige, mauuna na kami." nakangiting sabi ni Terrence at lumabas na kami ng arcade.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon