Layuan
Habang naglalakad ako ng mabilis papalabas ng campus namin ay patuloy ang paglundas ng mga luha ko.
Walanghiya talagang pag-ibig 'to!
Nag-replay lahat sa utak ko ang mga ginawa at sinabi ni Terrence tungkol kay Candace.
Interasado siya umano kay Candace at binigyan niya pa nga ng chocolates. Siya mismo ang nag-imbita kay Candace na pumunta ng Foundation Day. Saka ang sinabi niya, girly ang nagugustuhan niya. Kailan pa ako naging girly?
Grabe, haha. Hindi ko man lang naisip lahat ng iyon.
Patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko habang tinatawagan si Steven.
"Answer the damn phone Steven!" reklamo ko nang hindi niya pa din sinasagot ang tawag ko.
Nang nakailang tawag na ako ay hindi pa din niya sinasagot.
Maglalakad nalang ako pauwi. Ganito, luhaan.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko yung sakit na mula doon sa nangyari sa loob ng campus.
Kasalanan ko din, naging assumera ako. I've fallen for his sweet moves and words.
Para akong batang umiiyak habang wala sa sariling tumatawid sa kalsada.
*BEEEEEPPPPPPP!!!!!*
Nakita kong may paparating na kotse nang magulantang ako nung may humila sa'kin pabalik sa side walk.
Si Aiden.
"Hoy bata! Alagaan mo nga ng maayos yang girlfriend mo! Muntikan ng mabangga oh!" sigaw nung driver sa'min.
"Opo, aalagaan ko po. Sorry po!" sabi ni Aiden at humarurot na papaalis ang driver. Tinignan ko si Aiden. "Okay ka lang ba?" naga-alala niyang tanong.
"O-oo." sagot ko naman. "S-salamat." dugtong ko.
"Wala yun." sabi niya. Tinignan niya ako ng maayos. "Umiiyak ka ba?" agad akong umiwas ng tingin sa kanya.
"H-hindi, napuwing lang." sagot ko naman. He held my chin para makaharap ako ng maayos sa kanya.
"No. You cried." sabi niya. Marahan niyang binitawan ang baba ko at hinawakan ang kamay ko.
"B-bakit Aiden?" ngumiti siya sa'kin.
"Let's go to a place na alam kong makakapagpasaya sa'yo." at hinila niya ako pabalik ng campus.
"A-aiden, h-hindi ako magiging masaya dito." sabi ko at nakita ko sila Maxienne, Dimple, Avery, Kirs, Lean, Steven, at Charles na para bang hinahanap nila ako. "A-aiden wag na dito--" nakita kong nakita niya rin sila Max kaya tumakbo siya habang hila ako kaya napatakbo na din ako.
Hinila niya ako papuntang parking lot ng school at nagulantang ako nang maglabas siya ng car keys at pinatunog ang isang Mercedes-Benz GLA.
Woah, this guy's filthy rich too.
Hinila niya ako papunta doon at pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.
"Sakay na." sabi niya ng nakangisi. Walang alinlangan nalang akong sumakay ng kanyang Mercedes.
Pinagsarhan niya ako ng pinto at agad naman siyang pumunta sa driver's seat.
Pwede na ba talaga silang mag-drive? Argh.
Agad kong sinuot ang seatbelt ko at umupo na si Aiden sa driver's seat. Ngumiti siya sa'kin.
"Ready?" tumango nalang ako at pinaandar na niya ang kanyang Mercedes.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...