I'm with you..
(AN/N: GUYS! LAME 'TONG UPDATE NA 'TO. Di ko alam kung bakit ang l-lame ng mga updates ko ngayon. Huhu. Please bear with me. Malapit na ang ending ng story mga besh. Hehehe. Sana magustuhan niyo 'to. Don't forget to vote and comment after reading. Thank you and God bless! :) )
Terrence's POV
"I miss you so much already." sambit ko kay Vi sa phone.
"Ano ba, isang araw ka palang nawala dito miss mo na ako agad?" I grinned.
"Ayaw mo?" she laughed.
"Gusto." napangiti ako.
"Good then. Wag kang mag-alala. Sa'yo ako agad didiretso pag nakauwi na ako." nakangisi 'kong sabi.
"Chessy. Haha! Sige na. I need to go. Just call later okay? Mahal ang international calls." sambit niya na ikinatawa ko at gayundin siya.
"Video Call nalang tayo mamaya okay? I love you babe."
"I love you too. Bye."
"Bye."
-Call Ended-
"Sir, bakit di pa po kayo magpakasal ni Ma'am Vi?" tanong ni Erika.
"Oo nga Sir." singit naman ni Jeremy.
Kasalukuyan kaming nasa Australia ngayon para sa isang photoshoot ko para sa isang magazine.
"Its too early guys. Wag niyo 'kong madaliin." sabi ko naman.
"Pero infairness Sir. Grabe po effort ninyo para lang makuha siya ulit. Pero Sir, legal na po ba kayo sa parents niya?" tanong ni Erika.
"Yup--" napatigil ako nang biglang pumasok sa utak kong hindi pa pala kilala ng parents ko si Vi.
"Bakit Sir?" takang tanong naman ni Jeremy na siyang nagd-drive.
"H-hindi ko pa siya napapakilala sa mga parents ko." naiilang kong sabi. Bigla namang pumalakpak ng isang beses si Jeremy.
"Nako Sir. Dapat ipakilala mo na."
"Teka nga Sir. Hindi pa ba siya kilala ng parents mo gayung sikat naman kayong dalawa?" sambit naman ni Erika.
"Actually, they know her. Pero di nila alam na girlfriend ko siya." sagot ko.
"Nakow. Pero may plano ka ng ipakilala siya Sir?" tanong ni Jeremy.
"Oo naman." sagot ko.
"Panigurado naman Sir, gusto ng parents mo si Ma'am Vi para sa'yo." sambit ni Erika. Ngumiti ako.
"I know they will like her-- no, hindi lang like. I know they'll love her." sabi ko.
"Oo naman Sir." sabi ni Jeremy. "Nandito na po tayo." dugtong niya at napatingin ako sa labas at nakita ngang nasa hotel na kami.
"Let's go." sabi ko at lumabas na kami ng sasakyan at dumiretso na sa reception para makapag-check in.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"I will introduce you to my parents."
"H-ha? Di ba parang ang aga naman ata?" napangiwi naman ako sa sinabi ni Vi.
"Vi, I think it's the right time already. Saka dapat maging legal na talaga tayo on both sides." sagot ko. She pouted.
Kasalukuyan kaming nagv-video call ngayon.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...