I Won't Give Up
"Who is that 'Candace' anyway?" tanong ng isang paparazzi kay Terrence.
Kasalukuyan kaming nagkaroon ng presscon dahil sa pagbabalik ko sa LG.
"Candace is the girl who's very special to me." nakangiting sabi ni Terrence.
Hanggang kailan ka magp-peke ng ngiti mo?
"Is she your GF or sister or what?" tanong muli ng paparazzi. Napa-buntong hininga si Terrence.
"She's my ex-girlfriend." sagot ni Terrence. Namuo naman ng "O" ang bibig ng paparazzi gayundin ang iba.
"Anong naging sanhi ng pagb-break ninyo?" tanong muli 'nong paparazzi.
Magsasalita pa sana si Terrence nang agawin ko na ang mic sa kanya. Tinignan niya ako.
"What the hell are you doing Vi?" tanong niya. Binanewala ko ang tanong niya at kinausap ang mga paparazzi.
"Pakiusap nalang po, wag na po kayong masyadong mag-interrogate when it comes to Terrence and his ex. Everyone will not like it especially Terrence and his ex. Respect others privacy. Kung ano man ang naging sanhi ng breakup nila. Kokonting tao ang ang pwedeng makaalam nun because its private. Thank you."
Tumango-tango na lamang ang mga paparazzi at pumayag din naman sa gusto kong mangyari. Bumulong sa'kin si Terrence at tila'y hindi nasiyahan sa ginawa ko.
"Let's talk about this after the presscon." tumango nalang ako.
Natapos na ang presscon at agad-agad naman akong hinila ni Terrence papalabas ng venue. Kasalukuyan na kaming nasa likuran ng venue at napapaligiran ito ng mga damo, bulaklak, at puno.
"Ano yung ginawa mo dun kanina?" bungad niyang tanong.
"Pinigilan ka na sabihin kung anong naging sanhi ng breakup ninyo." he smirked.
"You don't even know the cause of our breakup Vi! Kaya wala kang karapatang magsalita!" sigaw niya.
Oo, totoo yun. Hindi ko talaga alam at ang buong barkada ang dahilan kung bakit sila nag-break ni Candace. Basta ang alam namin, ay wala na sila. Yun na yun.
"But still, gusto mo bang malaman nila ang totoo? Kung sa'ming mga kabanda't mga kaibigan mo di mo masabi kung anong dahilan kung bakit kayo nag-break?!" tanong ko. Natahimik siya. "Do you also want them to keep on asking you about Candace? Edi parang napasok na nila ang privacy mo at privacy din ni Candace. At isa pa.." natigilan ako sandali bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Babalik yung sakit na nararamdaman mo dahil wala na nga kayo." suminghap siya.
"And when did you start caring about my feelings?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Kailan? Simula pa nung una." sagot ko at namuo ng nagtatakang itsura ang mukha niya."Simula nung araw na binasted ka niya." simula nung araw na nagustuhan na kita. "Simula nung araw na patuloy kang nasasaktan dahil sa kanya. At simula nung naga-away na kayo at wala na kayo." sagot ko. Namuo nanaman ng nagtatakang itsura ang mukha niya. "Simula nung araw na nagustuhan kita." direkta kong sabi sa kanya kaya nanlaki ang mga mata niya. Hindi ko inisip na i-take back ang sinabi ko. "Simula nung araw na nahulog na ako sa'yo. Simula nung araw na minahal na kita." dugtong ko.
"M-mahal mo ako?" taka niyang tanong.
"Oo." sagot ko. "Nagmamahal ako ng isang taong alam kong di naman ako mamahalin pabalik. Di naman ako mapapansin." dugtong ko habang nagpipigil ng luha habang iniisip ang mga nangyari sa'min noon. "Nagmamahal ako ng taong may mahal ng iba. Nagmamahal ako ng taong manhid at bulag. Nagmamahal ako ng taong hindi niya alam na may isang taong magmamahal ng tunay sa kanya. Na may taong handang masaktan para lang maging masaya siya." natahimik siya sa mga sinasabi ko. "Mahal kita Terrence, ikaw lang 'tong di nakakapansin. Pero mahal na mahal kita." dugtong ko.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...