Chapter 9

78 1 0
                                        

She's my Ex.

Hindi na kami nakatakas pa ni Terrence sa pinapa-gawa sa'min ni Sir na i-tour ni Avery kaya ito kami. 

Hindi namin mai-tour ng maayos si Avery dahil sa awkward na atmosphere na nararamdaman ko dito sa dalawa.

Saka hindi na siya kailangang i-tour pa dito dahil dati na rin naman siyang nag-aral dito!

Pero malaki na kasi ang pinagbago ng EU kaya baka maligaw pa din siya. T^T

"Uhh. What if kung dumiretso na tayo sa classroom." sabi ni Avery. 

"H-huh? A-ah sige." sabi ko naman. 

Imbis na di ako ma-awkward dito kay Avery eh naa-awkward pa din ako dahil dito sa kilos ni Terrence!

Sumakay na kami ng elevator at tahimik pa din kami. 

Pero nabasag ito nang magsalita si Avery. 

"Grabe, nakakamiss dito sa EU." sabi niya kaya napatingin si Terrence sa kanya. 

Ano bang meron sa dalawang 'to?!

"Namiss ko kayo Vi!" sabi niya sabay yakap sa'kin na feeling ko lalong nagpa-awkward ng atmosphere kaya kumalas ako agad.

"Hehehe. Namiss ka din namin." sabi ko nalang. 

"Dito pa rin ba naga-aral sila Dimple? Charles? Lean, Max, saka Kirs?" dire-diretso niyang tanong. 

"O-oo. Dito pa din. Kaklase nating sila lahat---"

"HALA WEH?! Woah! Ang saya naman pala kung ganun!" sabi niya na nakangiti. 

Naging kaklase ko si Avery noong Grade 1 to Grade 4 pero lumipat siya at nag-migrate ang pamilya niya sa States at doon na siya nag-aral. Dahil dun, wala na din kaming masyadong balita sa kanya.

Pero heto na siya ngayon.

*TING!*

"Yeah. Matutuwa yung mga yun pag nakita ka na nila ulit." nakangiti kong sabi. Lumabas na kami ng elevator at nagpahuli si Terrence. 

Nang makarating kami sa classroom ay nagulantang ang lahat lalo na ang mga nasa barkada. 

"HI GUYS." bati ni Avery. 

"AVEEERRRYYYY!" sigaw ni Maxienne sabay yakap kay Avery. 

"Si Avery yan?" Charles mouthed. Tumango ako kaya napangiti siya at lumapit din kay Avery. 

"MAYGHAD AVERY ANG LAKI NG PINAGBAGO MO!" sambit naman ni Max. 

"Oo nga!" pagsang-ayon naman ni Charles. 

"Iba talaga pag nag-migrate sa States." tawa naman ni Dimple. 

"You really turned into a fine girl now." nakangiting sabi naman ni Lean.

"Ano ba guys. Ako pa din 'to." tawa ni Avery. "Wala namang masyadong pinagbago sa'kin."

"Pero di kita namukhaan kanina." sabi ni Charles. Hinanap ko si Kirs at nakita ko naman siyang nakatayo. 

"Nag-usap ba sila?" she mouthed sabay turo kay Terrence at Avery. Umiling naman ako. Ngumisi siya at nilapitan na din si Avery.

"Hey Aveeee!" bati ni Kirsten. 

"Kirrrsss!" sabi naman ni Avery at nagyakapan ang dalawa. 

Bat' parang close na close 'tong dalawa?

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon