Umasa
Violet's POV
Kasalukuyan na akong nagd-drive papunta sa bahay nila Terrence para ihatid siya pauwi.
Sinulyapan ko siya na noo'y tulog na.
Itinigil ko ang kotse ko dahil lumitaw and red sa spotlight at muling tinignan si Terrence kaya naalala ko yung mga salitang binitawan niya kanina.
"Even though you'll end up with Aiden. Always remember that I love you Vi. I will always love you. Walang papantay sa'yo sa puso ko. I love you so much Violet. So much..."
Mahal mo ba talaga ako Terrence? Bakit ngayon pa kung kailan may boyfriend na ako?
Natauhan na lamang ako nang binusinahan na ako ng sasakyan sa likod ko kaya nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.
Ilang saglit lang ay nakarating na din kami sa bahay nila.
Bumaba na ako ng kotse ko at pinilit na gisingin si Terrence pero mukhang malalim na ang tulog nito kaya wala na akong nagawa kundi ang mag-doorbell sa bahay nila para tumulong sa'kin.
"Sir Terrence buti naman po nakauwi na ka--- Ay! Ma'am Violet, kayo po pala yan." ngumiti naman ako sa sinabi ng guard ng bahay nila.
"Kuya, baka pwede mo naman akong tulungan sa pagakyat kay Terrence sa kwarto niya." tumango-tango naman si Kuyang Guard.
"Sige po Ma'am!" sagot niya. Ngumiti ako at pumunta na muli kami sa kotse ko para kunin si Terrence at dalhin sa kwarto niya.
Pagkapasok ko ng bahay nila ay namangha ako kung gaano kalaki ito. Mansyon na pala 'to, di na bahay ang tawag dito.
"Nako po! Marc, anong ginawa mo sa batang yan?!" sambit ng isang medyo matanda ng katulong.
"Ah-eh, nakainom po siya." sagot ko naman. Nanlaki ang mata ng katulong.
"N-nako! Ma'am Violet kayo po pala yan! Salamat po sa pag-uwi sa kanya dito." ngumiti ako.
"Walang anuman po."
"Sige sige, dadalhin na muna namin siya sa kwarto niya." tumango ako at siya na ang pumalit sa'kin sa pwesto ko sa tabi ni Terrence. Sinundan ko naman sila paakyat at dahan-dahan nilang ibinaba si Terrence sa kanyang kama sa kanyang kwarto.
"Mukhang madaming nainom si Sir. Tulog na tulog." sambit naman nung guard. In-on na ni Manang (yung matandang katulong) yung aircon ng kwarto ni Terrence saka siya kinumutan. Lumingon sila sa'kin.
"Ma'am, maraming salamat po talaga sa paghatid sa kanya dito. Naabala pa po tuloy kayo." umiling ako.
"Wala po yun. Kawawa naman kasi siya." napalunok ako sa sinabi ko.
"Salamat talaga Ma'am. Sige po, umuwi na po kayo, gabi na po eh. Kami na pong bahala kay Sir." tumango ako at ngumiti.
"Sige po. Wag niyo lang pong sasabihin sa kahit na kanino lalo na sa kanya na ako ang naghatid sa kanya pauwi ha." ngumiti sila at tumango.
"Sige po Ma'am." muli kong sinulyapan ang tulog na tulog na si Terrence.
"Mauuna na po ako. Salamat po."
"Sige po Ma'am. Magi-ingat po kayo!" tumango na ako at umalis na ng bahay nila Terrence.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Kinabukasan...
Naisipan kong gumising ng maaga para magluto ng hangover soup para kay Terrence. Oo, dadalhin ko sa kanila 'to. Panigurado magkaka-hangover iyon dahil sa sobrang kalasingan niya kagabi.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...