Chapter 43

74 2 0
                                    

Why is he almost perfect?: Happy Birthday Dimple! (Part 2)

"Next stop naman po ay ang Natsu Dive Cliff na nakalocate sa index finger." sambit ng isang crew. 

"Oh! So ibigsabihin pwede kaming mag-dive dito Kuya?" sambit ni Charles. Tumango ang crew.

"Opo Sir. Pwede po kayong magtanggal ng life vest kung swimmer ho talaga kayo. Pero kung hindi niyo po kaya ang lagpas 10 feet na lalim ng tatalunan ninyo, kakailanganin niyo po ng life vest." sabi nung crew. Nagsitanguan naman kaming lahat.

At nakarating na kami sa index finger at as usual picture-picture pero nanguna na si Charles sa cliff para makapag-dive. 

"Uy guys! Eto na mag-dive na 'ko!" sigaw niya kaya natawa kami pero napawi itong nang magtanggal siya ng life vest.

"Huy Santiago! Isuot mo nga yang life vest mo!" sigaw ni Dimple. Ngumisi naman kami.

"Oo nga Charles! Wala ng Charles si Dimple pag nagkataon-- Aray ko!" daing ni Lean nang batukan siya ni Dimple.

"HAHAHA! Don't worry babes! Kaya ko 'to! Swimmer kaya 'tong manliligaw mo!" tawa ni Charles pero bakas kay Dimple ang paga-alala.

"Ingat ka!" sigaw ni Dimple.

"Hindi ako makaka-langoy ng maayos pag walang I love you!" natawa kaming lahat sa sinabi ni Charles.

"Heh! Sabi mo kaya mo naman eh. Bahala ka na diyan!" sigaw ni Dimple. Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Dimple at naga-alala para kay Charles. Pano pag nalunod siya?!

"Alright! Bahala ka, pagsisisihan mo!" sigaw ni Charles. "Eto na guys, wish me luck! 1! 2! 333333333!" sigaw ni Charles at tumalon na. Tinignan namin siyang lahat at nag-alala.

Lumipas na ang ilang segundo at di pa rin namin nakikita si Charles sa ibabaw ng tubig.

"OMAYGHAD! ASAN NA SI CHARLES?!" sigaw ni Max. Hindi ako makapagsalita dahil baka nga totoo yung sinabi ni Charles!

"CHARLES!" sigaw ni Dimple. "CHARLES ASAN KA NA!"

"Lalangoy na kami, titignan namin siya!" sabi nila Lean kaya naglakad na sila papalapit sa dagat kasama ang dalawa sa mga crew.

"CHARLES UMAHON KA NA DIYAN!" sigaw ni Dimple nang di pa rin nakikitang umahon si Charles at nakita kong tinatahan na siya ni Maxienne dahil umiiyak na pala ito. "I LOVE YOU CHARLES MATTHEW SANTIAGO UMAHON KA NA DIYAN!" napatingin kaming lahat kay Dimple at mamaya-maya may naramamdaman na kaming umahon mula sa dagat at malaki ang ngisi nito.

"I LOVE YOU TOO DIMPLE KIM PARK!" sigaw ni Charles at napangiti kaming lahat at napa-aww nang tumakbo si Charles papalapit kay Dimple at niyakap ito. "Sorry babes. Inantay ko lang naman na mag-I love you ka." sabi ni Charles.

"Wag mo ng uulitin yun masasapak na kita pag nagkataon." tumawa si Charles. 

"Opo. Hindi na po. Basta makarinig lang ako ng I love you mula sa'yo."

Hays sana all.

~*~*~*~*~*~*~

"At nandito na po tayo sa Laki Beach!" sabi nung crew at bumaba na kaming lahat sa bangka at nakitang may mga tent ng nakatayo doon.

Dito kami sa beach na ito mags-stay ng 3 days and 2 nights.

"Tara na guys!" sambit ni Max at naglakad na kami papunta sa lugar kung saan kami magtatayo ng aming tent.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon