Chapter 16

74 1 0
                                    

Crush

"MAYGHAD 'TE IN LOVE KA NAAA!" sigaw ni Maxienne sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone ko sa tenga ko bago magsalita ulit.

"Maxienne ano ba! Ang ingay mo!" sambit ko kaya natahimik siya pero mamaya-maya ay nagsalita ulit. 

"Waaaahhh! I'm so proud of youuu! Mayghad, in love ka na!" napairap naman ako. 

"Baka naman may abnormality na 'tong puso ko---"

"Abnormality mo 'to. Wag nga ako Violet!" sambit niya. "Alam mo ganyan yan pag in love ka na. Lumalakas yung tibok ng puso mo. Tas tinititigan mo siya. Bukambibig mo siya---"

"Bakit bukambibig ko ba siya?" tanong ko sabay irap at upo sa kama ko. 

"Hindi PA." in-emphasize talaga ng bruha na ito ang "pa". "Soonest, baka di ka na mawalan ng kwento tungkol sa kanya." tawa niya. 

"Ewan ko sa'yo!" sabi ko sa kanya. "Oh, wait. Nakauwi na ba kayo?"

"Oo naman 'no. Kanina pa---"

"Sinong kasama mong umuwi? Si Steven ba---"

"DI AH!" natawa ako sa pagiging defensive niya. 

"Ewan ko sa'yo. Oh sige na. Bye na, inaantok na ako!"

"Alright! Bye besh! Bagay kayo ni Terrence don't worry magiging kayo nun---"

"MAXIENNE!"

"Hahaha! Joke lang! Bye! Labyuuu!"

"Labyu too, good night!"

"Good night! Bye!"

-End Call-

Nagulantang naman ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko at nakatanggap ng text mula kay Terrence. 

----

From: Terrence

Hey. :) Maligo ka ha, bago matulog. Nabasa ka sa ulan, baka magkasakit ka. Yun lang naman, good night. Saka sana pala, makapunta ka sa pictorial namin bukas. :)

----

Napangiti naman ako sa kanyang text.

*dugdugdugdugdugdug*

Sht, ito nanaman, nagsisimula nanaman!

To: Terrence

Salamat sa pagpapa-alala. Oo, makakapunta ako. Good night din. :) 

----

Agad naman siyang nagreply. 

From: Terrence

Bilis mag-reply ha? Hahaha! Kidding. Good night Vi. Maligo at matulog na agad. Wag kang magpuyat!

----

To: Terrence

Copy that. Good night too Terrence. 

----

From: Terrence

Good, take care Vi. ^_^ 

----

*dugdugdugdugdugdug*

Pakingshet. 

~*~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon