Her First: Happy Birthday Dimple! (Part 3)
11:00 pm.
"Kainan naaaa!" sambit ni Charles nang magtipon-tipon na kami sa cottage na ni-reserve para sa'min. "Well of course, dahil ang araw na ito ay Dimple's Birthday Eve. Syempre may maaga na akong pasabog para sa baby ko." nakangising sabi ni Charles.
"Eto talagang lalaking 'to. Hindi nawawalan ng pakulo!" tawa ni Lean.
"Syempre. All for my love." sambit ni Charles sabay kindat kay Dimple na noo'y katabi ko at hindi mapigilan ang ngiti. "Tara! Sumama kayo sa'kin." napatayo naman kaming lahat sa kinauupuan namin at sumama kay Charles sa dalampasigan at nanlaki ang mga mata namin at napa-wow nang makita namin ang mga ilaw na nakabalot sa paper bag na tingin ko ay nasa loob nito ay mga kandila at buhangin para di tayangin ng hangin. Nakalibot ang mga ito sa isang space at kinilig kami nang makita ang mga salitang nakaukit sa buhangin.
DIMPLE KIM PARK WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?
"Dimple... I know its to early for me to ask you this. But from the very first time that I saw you. Nasabi ko na sa'yo 'to, na ikaw yung babaeng mamahalin ko hanggang sa huli. Na ikaw din yung magiging girlfriend ko in the future at papakasalan ko." narinig ko ang paghikbi ni Dimple habang nagsasalita si Charles sa harapan naming lahat. "From the very first time. Ikaw lang. Ikaw lang yung babaeng nagugustuhan ko at minamahal ko." kinilig kami lalo nang lapitan na ni Charles si Dimple and wiped her tears away. "I love you so much Dimple. Will you be my girlfriend?"
"WAAAAHHHH!" tili naming mga babae at medyo nagtaka ako dahil wala rito si Candace na kasama namin at gayundin si Aiden.
Asan sila?
"SAY YES!!!!" sigaw na ng mga taong nakisama na din sa'min.
Tumingin kaming lahat kay Dimple at dahan-dahan itong tumango.
"Y-yes. I-I'll be your girlfriend." sagot ni Dimple.
"WAAAAHHHH!"
"YEEESSS! SHE SAID YESSSS!" tuwang-tuwa na sabi ni Charles at niyakap si Dimple. "I love you so much Dimps." sambit ni Charles.
"I-I love you too." sabi ni Dimple.
"KIIISSSSSS! AWIEEEE!" panga-asar nila Lean at Steven. Nakikitawa na lamang si Terrence at gayundin kami.
"Kiss daw babes." sabi ni Charles.
"1 hour nalang naman before akong maging eighteen. Alright. You can have my first kiss Santiago." sabi ni Dimple na ikinatili din ng lahat. Ngumisi si Charles.
"Honored to be your first kiss, future Mrs. Santiago." tumili na kami lalo nang mag-kiss nga ang dalawa.
I'm happy for them both. Sana magtagal sila. :)
~*~*~*~*~*~*~
12:00 pm at nagsasaya na kami.
"HAPPY BIRTHDAY DIMPLEEEEE!!!!" sigaw naming lahat pagpatak ng alas-dose.
"Thank you guys!" sabi niya sa'min. Inilapit naman ni Kirs ang cake niya sa kanya. Oo may cake kahit na bumiyahe kami ng ilang oras.
"Close your eyes and make a wish." sinunod naman ni Dimple ang sinabi ni Kirs. Ilang saglit lang ay dumilat na ito at bin-low na ang candle. Nagsipalakpakan naman kami at isa-isa na kaming lumapit sa kanya para mag-abot ng regalo.
"Babes, eto ang regalo ko sa'yo." sabi ni Charles sabay turo sa langit kaya napatingin din kaming lahat nang may fireworks na lumabas at mamaya-maya ay nagbuo ng "Happy Birthday My Love" na mga letra.
![](https://img.wattpad.com/cover/137075743-288-k357212.jpg)
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...