Chapter 57

66 2 2
                                    

I love you..

Violet's POV

"Nakainom si Terrence. Come here quickly!" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Maxienne sa kabilang linya.

"Ha?!" 

"Nandito kami sa *** Bar ngayon. Kasama ko si Steven. Nakita namin si Terrence dito sa VIP Lounge. He's drunk."

"Bakit siya nandiyan?!"

"Nakipagkita si Aiden sa kanya." nagulat naman ako sa sinabi ni Max. Nakipagkita si Aiden kay Terrence? Bakit anong meron?

"Bakit hindi nalang kayo ang maghatid sa kanya pauwi-- wait hold that thought. Wala ba siyang dalang sasakyan?"

"Yun na nga eh. Wala siyang dala. At kami na dapat ang maghahatid pero ayaw niyang sumama sa'min. Tingin ko sa'yo lang sasama 'to kaya pumunta ka na dito." sagot ni Max. Napapikit na lamang ako.

"Alright fine. I'll be there. Antayin niyo 'ko until I arrive."

"Okay. Ingat ka sa pagd-drive bes!"

"Thanks. Bye."

-Call Ended-

Buti na lamang ay kakauwi ko lang ng bahay at di pa ako nakakapagpalit ng damit kaya agad ko ng dinampot ang mga gamit ko.

Pagkababa ko sa aming garahe ay agad kong pinatunog ang aking kotse na ipinagtaka ng aming guard.

"Ma'am saan po kayo pupunta?" tanong niya.

"May emergency lang akong pupuntahan. Uuwi din ako agad." tumango na lamang siya at pumasok na ako sa loob ng aking kotse at din-rive ito paalis ng bahay.

~*~*~*~*~*~*~*~

Pagkarating ko ng bar ay agad naman akong bumaba ng aking kotse at dumiretso sa loob.

Geez, ang daming tao.

Buti nalang masyado silang busy sa pagsasaya at hindi na inabala pang lapitan ako.

Pagkarating ko ng VIP Lounge ay doon ko na nakita ang nakatayo kong pinsan at bestfriend sa pinto.

"Huy." bungad ko kaya napatingin silang dalawa sa'kin.

"Oh! Nandito ka na pala Vi." sambit ni Max. Nag-give way silang dalawa ni Steven para makapasok ako sa loob ng VIP Lounge at doon ko na nakita ang patuloy pa ring umiinom na si Terrence. Wala na si Aiden sa loob.

"Where's Aiden?" taka kong tanong.

"He left." sagot naman ni Steven. "Tingin ko ay nag-usap sila tungkol sa'yo." napaturo naman ako sa sarili ko.

"Tungkol sa'kin?" tumango naman si Steven. "Ano namang paguusapan nila tungkol sa'kin?"

"Maybe Aiden told Terrence to get away from you and give you up." sagot ng pinsan ko. 

"Hindi ako mahal ni Terrence---"

"Hibang ka na talaga bes. Mahal ka niyan! Hindi naman magkakaganyan yan kung hindi dahil sa'yo." sambit naman ni Max. 

*dugdugdugdugdugdug*

Totoo kayang mahal talaga ako ni Terrence?

"He's gonna do everything for you. Bumalik ka lang sa kanya." sabi naman ni Steven. "We all know it 'couz. Magmula noong umalis ka, wala na siyang ibang ginawa kundi ang hanapin ka. Until he found out na nasa US ka nga. He traveled from here papuntang US pero huli na siya. He seen you with Aiden. Tingin ko kayo na noon." sambit niya. Napabuntong-hininga naman ako. "That's why he came back with a broken heart. Pero nandyan si Trina na buong akala naman namin ay hindi niya kaano-ano kaya he attempted to court her. Pero nalaman din nilang si Trina din pala ang long lost sister ni Terrence." huh? So totoo ngang kapatid ni Terrence si Trina?! "Kahit naman daw hindi niya kapatid si Trina o kapatid man niya. Ikaw pa din ang mamahalin niya. Dahil parang wala din naman daw kwenta kung liligawan niya pa si Trina kung ikaw naman talaga ang hinahanap ng puso niya.. He waited for 4 freaking years for you Vi. Pero huli na. Kayo na ni Aiden."

"Yung biglaan niyang pag-alis Vi... Hindi niya nasabi sa lahat noon dahil may biglaan siyang hinabol na kontrata sa Cebu.  Kaya hindi niya nasabi sa'tin, lalo na sa'yo dahil sa pagmamadali niya at dahil masama nga ang loob mo sa kanya. Hindi totoong kasama niya si Trina sa Cebu. He didn't tell you because he let you cool down first. Until he came back to Manila. Wala ka na." sabi naman ni Max.

"But he still left!" sambit ko. "Hindi man lang niya pinatunayang mahal niya ako---"

"Because you didn't listened to him." sabi ni Steven. "Hinayaan mong pairalin ang pride mo kaysa sa makinig sa kanya."

"Its because I'm damn hurt Steven! Sobra na yung sakit---"

"Yun na nga yung pinupunto ko Vi eh. Why you didn't listen in the first place? Edi sana hindi ka na nasaktan at hindi mo na siyang kailangang iwan diba?" napapikit na lamang ako habang nagpipigil ng luha. 

"Steven's right Vi." napadilat ako at tinignan ang patuloy pa ring umiinom na si Terrence.

"Sige na. Asikasuhin mo na siya. He's really drunk. Aantayin namin kayo sa labas." tumango na lamang ako sa sinabi ni Steven at naramdaman kong umalis na sila ni Maxienne.

Nilapitan ko ang naglalagay ng whiskey sa shot glass na si Terrence.

Umupo ako sa tabi niya.

"Terrence. Stop drinking." sabi ko kaya napalingon siya sa'kin.

"Ikaw ba yan Vi?" tumango ako. He gave me a sad smile at pinagpatuloy ang paglagay ng whiskey sa kanyang shot glass. 

Hinawi ko na ang bote sa kamay niya pero ininom niya pa din ang whiskey.

"Terrence tama na." sambit ko. Kinuha niya muli ang whiskey sa kamay ko at muling naglagay sa kanyang shot glass.

"Why do you even care about me? *hik* You don't love me anymore." kinurot naman ang puso ko sa sinabi niya. Muli siyang uminom ng shot. "Aiden even told me to give you up." sinabi ni Aiden iyon sa kanya? "Because sooner or later he's gonna propose to you." sambit niya at muling uminom ng shot. "And he's sure you're gonna say yes." dugtong niya at binaba niya ang kanyang shot glass at tumingin sa'kin. "Are you really gonna say yes?" tuluyan ng tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Terrence.. *sobs*"

"I think you will." malungkot niyang sabi. "Because you love him already." umiyak na lamang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

*dugdugdugdugdugdug*

"For 4 years, wala akong ibang ginawa kundi ang isipin ka, hanapin ka, mahalin ka." iyak na lamang ang naisasagot ko. "I even traveled from here to US para makita ka. But I'm too late. You're with Aiden already." tinignan niya ako. "All I think is you. How to get you back." hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. 

"Even though you'll end up with Aiden. Always remember that I love you Vi. I will always love you. Walang papantay sa'yo sa puso ko. I love you so much Violet. So much..."

~*~*~*~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon