Dapat kasama mo ako.
"Wala na, gusto mo na talaga siya." sabi ni Maxienne habang kin-wento ko sa kanya ang nangyari kanina.
"Hindi ba parang ang bilis---"
"Love comes in mysterious ways Vi. Bigla-biglaan nalang natin mararamdaman yun sa isang tao kadalasan na ayaw natin dati. Pero, we are starting to like and love them." sabi niya. Napabuntong-hininga nalang ako.
"G-ganun ba yun." tumango-tango siya.
Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ang paper bag na ipinabibigay ni Terrence kay Candace.
Kinukurot ang puso ko.
"Hey." tawag sa'kin ni Maxienne. "Hindi pa naman huli ang lahat. Madami pa namang iba diyan. Saka hindi pa sila, may pagkakataon ka pa." sabi niya.
"Dun na rin naman hahantong lahat eh." malungkot kong sabi.
"Maka-react naman 'to. Bes, wag kang magsalita ng tapos. Oo, baka nga gusto na ni Terrence si Candace-- wait hold that thought. Sinabi na ba ni Terrence na gusto niya si Candace?"
"W-wala naman siyang sinasabi---"
"YUN NAMAN PALA EH. Then find a way para mapansin ka niya!" sabi niya. Napangiwi naman ako.
"Parang ang pangit namang tignan---"
"No its not Vi. Kung gusto mo ang isang tao, you'll find a way para mapansin ka niya. Tignan mo si Terrence-- ay, hindi niya pa pala sinasabing gusto niya si Candace." sambit niya.
"T-tingin mo ba hindi niya gusto si Candace?" biglaan kong tanong.
"50:50. Hindi naman niya gagawin yan kung hindi diba. Pero minsan kasi, baka siguro, friendly move lang." sagot niya.
Sana nga friendly move lang.
~*~*~*~*~*~*~
Kasalukuyan akong nasa waiting area ng Charleston habang inaantay si Candace. Oo aaminin ko, mas malaki nga ang CU kaysa sa EU. Pero pareho lang naman silang pasok sa mga prestigious schools.
Hawak-hawak ko ang paper bag na pinapa-bigay ni Terrence kay Candace. Nalaman ko kay Kirsten na isang malaking Toblerone daw ang nasa loob nito.
Sana ako din bigyan niya.
"Bes!" natauhan naman ako nang tawagin ako ni Candace. Tinignan ko siya.
Hindi talaga malabong magkagusto si Terrence dito.
Kinukurot ang puso ko habang iniisip iyon.
"B-bes, nandito ka na pala." sabi ko at naglabas ng pilit na ngiti.
"Napamadali ako nung nalaman 'kong nandito ka, buti di ka pinagkaguluhan dito." sambit niya.
"Naka-bantay sa'kin mga security guards ninyo dito. Nalaman din kasi nilang sikat na din ako." kahit hindi pa naman gaano.
"Oo naman. Sino bang hindi makakakilala sa'yo eh halos yung mga kaklase kong lalaki miski mga babae gusto kang makita. Bakit mo ba akong gustong ma-meet bes?" tanong niya sa'kin sabay upo sa tabi ko. Agad ko namang inabot ang paper bag sa kanya.
"Pinabibigay ni Terrence." simple kong sabi kahit na sa loob-looban ko ay di ko maiwasang magselos.
"Ohh! Talaga? Pakisabing salamat. Bakit hindi nalang siya mismo ang nagbigay sa'kin?" tanong niya habang nakangisi at binubuksan ang paper bag.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...