Happy Birthday
Ilang araw na ako pinapaulanan ng mga regalo ng mga fans at kung sino-sino pa ngayo't nalalapit na ang birthday ko.
"My goodness Vi, magbawas ka na nga ng gamit dito sa kwarto mo. Dalhin na natin yung ibang regalo sa isang guest room." sambit ni Steven habang bitbit nanaman ang isang batch ng mga regalo.
"Ano ba Steven, okay lang." sagot ko sabay ngiti. "Malawak naman 'tong kwarto ko. Maayos naman yung mga pagkakalagay nila dito eh." dugtong ko.
"Aantayin mo pang ma-puno 'tong kwarto mo ng mga regalo bago mo ayusin? Nah uh. We'll move the others sa isang room." sabi niya kaya ngumiwi ako. "Ano ba? Kesa naman magmukha ng bodega 'tong kwarto mo." tumawa ako.
"At least hindi bodega ng mga nakalimutan ng gamit. Bodega ng mga regalo." sagot ko sabay ngisi. Ngumiwi naman siya.
"Aish--" tumawa ako.
"Oo na, sige na, we'll move the others sa kabilang room." tawa ko.
Habang tinutulungan ko si Steven na maglipat ng mga regalo sa kabilang kwarto ay biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignan ko sino ang tumatawag.
Aiden is calling you...
"Hello?"
"Hey Miss beautiful! Kumusta na?" napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Okay lang naman. Ikaw kumusta na?" tanong ko naman.
"I'm okay. Anong ginagawa mo by the way? Your birthday's coming up!" masaya niyang sabi.
"Eh ayun nga speaking of birthday, eto naga-ayos kami ng mga regalo. Daming nagpapadala." sagot ko naman.
"Many people still love you Vi. May balak ka pa bang bumalik ng LG?" natigilan naman ako sa tanong niya.
1 week na din ang nakalipas noong umalis ako ng LG. 1 week na din ang nakalipas nang di na nagparamdam sila Lean, Charles, Manager Elle, at si Terrence.
"Tingin mo ba mahal pa din nila ako kahit na iniwan ko ang LG?" tanong ko.
"Of course they are. Nasabi na din naman lahat ni Terrence eh. They already know the truth that's why they can't hate you." sagot ni Aiden.
Oo, noong araw na nagkaroon ng presscon ang LG para sana sa isa naming tour ay nagsalita si Terrence sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa banda. Sinabi niya lahat kabilang na ang nangyari noong concert kung saan doon nagsimula lahat ng away sa banda.
Ang pinaka-tumatak sa lahat ay ang pags-sorry niya sa'kin.
I'm sorry Vi. Sa lahat-lahat ng nagawa ko. Sorry din sa mga sinabi ko sa'yo. Kasalanan ko naman kung bakit wala ka na ngayon dito. We badly need you but.. Wala eh, wala ka na. You already left, pero sana, bigyan mo pa ako ng chance na makabawi ako sa'yo. I'm so sorry Vi sa lahat. Please come back...
"Sabagay may point ka." sagot ko kay Aiden sabay buntong-hininga.
"Nagpaparamdam pa ba sila?" tanong ni Aiden sa'kin.
"H-hindi na. Magmula noong presscon, di na sila nagparamdam sa'kin." sagot ko sabay ayos sa isang regalo.
"Baka naman napag-pasyahan na talaga nilang iputol lahat ng communication nila sa'yo. Because you left." sabi ni Aiden na kumurot sa puso ko.
Siguro nga tama si Aiden, because they let me go, kaya di na sila nagpaparamdam.
~*~*~*~*~*~
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...