Chapter 26

68 1 0
                                    

May alam ka

Natapos na ang group performance naming banda at time na para sa solo performances. 

Una ako, si Lean ang kasunod, tapos si Charles, at ang panghuli ay si Terrence.

Pero hanggang ngayon wala pa din si Candace. 

Habang nagp-perform kami ay ayos lamang si Terrence pero hindi niya magawang ngumiti sa mga nanonood sa'min. 

Kaya pinagtataka na ito ng mga taong nasa paligid namin. 

"Bakit parang bad trip si Sir Terrence?" tanong ni Deanna sa'kin habang inaayusan ako para sa aking solo performance. May mga special guests din kasi kami dito sa concert kaya meron ding nagp-perform habang wala kami sa stage. 

Di ako nakasagot sa tanong ni Deanna. 

"Feeling ko inin-dyan yun ng GF niya." singit naman ni Charm. Tinignan ko siya sa salamin.

"May GF na siya--"

"Wala." sagot ko naman. Napatingin sa'kin ng direkta ang dalawa. 

"Eh napansin kasi namin nitong si bakla na parang may hinahanap si Sir sa mga audience." sambit naman ni Deanna. 

Napa-buntong hininga na lamang ako. 

~*~*~*~*~*~

"WOAH!" sabi ni Charles pagkakita niya sa'kin. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya.

"Bakit Charles?" tawa ko. 

"You look gorgeous. As in ang ganda mo talaga Vi." ngumiti ako sa sinabi niya. 

Suot ko kasi ngayon ay isang off-shoulder na dress na kulay blue. 

Simple lang diba? Pero ang galing kasi nila Deanna at Chad na mag-ayos sa'kin. Oo, pati si Chad nakiki-ususyo din. :3

"Aba, ganda natin ngayon ah?" sambit naman ni Lean. Ningitian ko din siya. 

"Thanks guys." sagot ko naman. Nagtaka ako sa pagkawala ni Terrence. "Nasan si Terrence?" tanong ko. 

"Nandun pa sa prep room niya. Naiinis na nga kasi wala pa din si Candace." sagot naman ni Lean. Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya. 

"Ganun ba talaga ka-importante si Candace sa concert natin ngayon?" napalunok ako sa tanong ko. 

"Wala eh. Yung solo performance kasi nga dapat ni Terrence ngayon, dedicated para kay Candace. Pero wala siya." sambit ni Charles. Kinurot naman ang puso ko. 

"Ms. Vi kayo na po." sabi ng isang crew. Natauhan naman kaming tatlo. 

"A-ah, sige po." sagot ko naman at ningitian ang dalawa bago umakyat ng stage. "Una na ako guys."

"Good luck Vi! Kaya mo yan!" sabi nila. Kumaway na ako sa kanila at umakyat na ng stage. 

"HELLO ARANETA!" bati ko.

"VIOLET! VIOLET! VIOLET!" hiyaw ng mga audience. Ngumiti naman ako. 

"Thank you guys sa patuloy ninyong pag-suporta sa'kin at sa mga kabanda ko." naghiyawan muli sila. "Now here's "Torete" by Moonstar 88."

"WAAAHHH!" ngumiti ako sa kanilang paghiyaw at sinimulan ng kumanta. 

"Sandali na lang, maaari bang pagbigyan.

Aalis na nga..

Maaari bang hawakan ang, iyong mga kamay..

Sana ay maabot ng langit, ang iyong mga ngiti.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon