Want to Hang out?
"Uy thank you talaga beeessss!" sabi ko kay Candace habang tinitignan isa-isa ang mga sandamukal na damit, sapatos, bags, at accessories na binigay niya sa'kin. Pati chocolates at iba pang pagkain binigyan niya din ako.
"Sus, basta para sa'yo!" nakangiti niyang sabi sabay akbay sa'kin.
Kung nagtataka kayo kung saan galing si Candace. Galing siya ng Paris dahil doon siya pinag-aral ng parents niya mula Grade 7 kami hanggang Grade 10. Pero hindi ko alam kung saan na siya naga-aral ngayong Grade 11 na kami.
Dahil sa angking kagandahan nitong babaitang ito ay kinuha siyang model ng isang kilalang fashion designer doon at dahil doon naging sikat na siya lalo. Kinukuha na siya ng iba't ibang modelling agency at iba't ibang sikat na mga fashion designers.
"Famous ka na besh." tawa ko habang tinutupi ang isang damit na binigay niya sa'kin.
"Di naman." tawa niya. "Mostly sa may parteng France or England lang ako kilala." dugtong niya.
"Pa-humble pa." sambit ko. Napangiwi siya.
"Totoo naman! Malawak na ang England." tawa ko. Ngumisi siya.
"Naririnig ko na sikat daw yang Terrence. Totoo ba?" tanong niya. Tumango-tango naman ako.
"Yup, sikat yung kumag na yun." sagot ko. "Kabanda ko siya---"
"OH EDI MEANING NUN SIKAT KA NA DIN?" ako naman ang napangiwi.
"Nope. Di pa ako ganung kasikat." sambit ko. "Sikat si Terrence dahil artista din siya." dugtong ko naman.
"'Taray naman." sabi niya. "Oh wait, by the way. Mage-enroll pala ako sa Charleston University."
"BAKIT DUN PA HINDI NALANG SA EU?" sambit ko sa kanya.
Oo, maiintindihan ko naman kung sa CU siya dahil doon naman talaga siya naga-aral since noong kindergarten siya hanggang Grade 6. Oo, hindi kami classmates at schoolmates pero sobrang close pa din kami.
"Ikaw talaga bes. Mas sanay nga kasi ako sa environment sa CU." nakangiti niyang sabi. Napangiwi ako. "HUMSS kukunin ko." dugtong niya. "Wag kang maga-alala, magpapakabait ako dun! Parang di naman ako nag-aral dun dati." tawa niya.
"ALRIGHT. Sasamahan nalang kita." sabi ko. Ngumiti siya ng malawak.
"WAAAHHH! Thanks beeesss!"
~*~*~*~*~*~
"Salamat Kuya Larry!" sambit ko sa driver naming naghatid sa'kin papunta sa agency. May practice kasi kami ngayong banda. Para daw ito sa nalalapit na naming Foundation Day sa school.
"Sige po Ma'am. Magtext nalang po kayo o tumawag kung magpapasundo na po kayo."
"Sige po. Babye po! Ingat!"
"Ingat din po kayo." sambit ni Kuya Larry at dinrive na ang kotse namin papalayo ng agency.
Naglakad na ako papasok ng building ng agency at agad dumiretso ng practice room at nakita agad sila Lean at Charles.
Laging maaga 'tong dalawang 'to. :3
Binuksan ko na ang pinto at ningitian ang dalawa.
"Hey guys!" bati ko sa kanila.
"Hey Vi! Musta? Saka nabalitaan naming umuwi na si Candace huh." sambit ni Lean. Oo, kilala nila si Candace dahil talagang magkakaibigan na talaga kami since then.
![](https://img.wattpad.com/cover/137075743-288-k357212.jpg)
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...