Chapter 23

71 1 0
                                    

Papalayain

Ilang buwan na din ang nakalipas magmula nung mga araw na na-realize ko sa sarili kong mahal ko na nga si Terrence. 

Hanggang ngayon. hulog na hulog pa din ako sa kanya. 

Sino ba naman kasi hindi mahuhulog sa tuwing nandyan siya tabi mo?

Pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako napapansin. 

Pero tingin ko mas mabuti nalang iyon para ma-maintain namin yung pagkakaibigan namin. 

Pero hindi mo pa ring maiwasang masaktan. 

Ilang araw nalang ay birthday na ni Maxienne at excited na excited ang bruha. 

"Eto naman, parang debut mo na." sambit ko sabay subo sa fries. 

"Bawal na ba akong maging excited ngayon Vi?" tawa niya. "Wala lang. Trip ko lang maging excited, bakit ba?" dugtong niya sabay irap. Napangiwi nalang ako. 

Sunod-sunod din ang mga lakad ko kasama si Aiden, pero kadalasan kasi, pag lumalabas ako ay pinagkakaguluhan ako ng mga tao. 

Dahil nga, sumisikat na lalo ang LG. 

This past few months ay nag-release kami ng bagong album. Naging patok ito at to the point na malapit ng ma-sold out. Naging isa rin ang album na ito sa top songs/album sa Spotify at ITunes. 

Dahil din dito ay sunod-sunod ang mga endorsements naming banda. Nagkaroon pa kami ng mga mall tours at magkakaroon ng concert ngayong buwan.

Tindi. 

"Mang-imbita ka naman ng mga celebrity friends mo!" sambit niya. 

"Baka may celebrity friends?" sagot ko naman sabay subo ulit ng fries. 

"Nga pala. Speaking of.. Kailan balak ni Terrence na tanungin si Candace na maging GF niya?" kinurot naman ang puso ko sa sinabi ni Maxienne. 

Oo, ganun pa din ako kay Terrence. Mahal ko pa din siya. Kahit na hinahayaan ko nalang siyang maging masaya kay Candace. 

"Ewan ko ba dun." sabi ko. 

"Tagal na niyang nanliligaw ha. Kailan niya talaga officially na tatanungin si Candace?" tanong niya ulit. 

"Bakit ba ako ang tinatanong mo--"

"Masakit ba?" tawa niya kaya napairap ako. "Eto naman masyadong seryoso! Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin?" tanong niya. 

"Ayoko." sagot ko naman. 

"Makakaya mo bang hanggang diyan ka lang?" tanong niya ulit. "Alam mo may pagkakataon ka pa naman eh. Hindi pa naman sila---"

"Max, alam mo namang may iba ng pinupusuan yung tao. Ipagpipilitan ko pa ba sarili ko?" tanong ko naman. 

"Hindi naman sa ganun. Pero may chance ka pa eh---"

"Mar-reject lang din naman ako. Kaya mas mabuti nalang na ganito nalang kami. Magkaibigan, masaya, walang ilangan." sagot ko naman. 

"Well then." sabi niya sabay ngisi. "Kumusta naman kayo ni Aiden?" napangiti naman ako. 

"We're good friends." sagot ko naman. 

Aiden was the one whose been there for me sa mga panahong nasasaktan ako sa pakikitungo ni Terrence sa'kin. He's really a good friend. 

"Friends nga lang ba?" napangiwi naman ako. 

"Syempre. Ano ka ba Maxienne." sambit ko naman sabay inom na sa Coke ko. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon