Chapter 17

77 1 0
                                    

Ganito pala.

"How is she? Bumaba na ba lagnat niya?"

"Yeah. Bumaba na din naman."

Naririnig kong usapan sa loob ng kwarto ko habang kagigising ko lang mula sa pagkakatulog ko. 

Pagkadilat ko at nakita ko si Candace. 

"Bes! Gising ka na pala." sabi niya. Tinignan ko lang siya at saka tumingin sa may parteng malapit sa pintuan ko at nakita si Terrence na kausap ang pinsan ko. 

"H-hi bes. Nandito na pala kayo." sabi ko naman at babangon sana nang biglang lumapit sa'kin si Terrence at pinigilan ako. 

"Don't." simpleng sabi niya at sabay tumingin ng diretso sa'kin. 

*dugdugdugdugdugdug*

"T-terrence, uupo lang naman ako." sagot ko habang umiinit ang pisngi. 

"Stubborn girl." sabi niya nang nakangiwi. "Alright then." sabi niya sabay alalay sa'king umupo ng maayos. 

*dugdugdugdugdugdug*

Tinitignan ko siya habang inaalalayan ako. 

Boset ang gwapo ng mokong na 'to!

"Guys, lababas lang ako. Kayo muna bahala kay Vi ha?" singit ni Steven. Tumango sila Terrence at Candace. Lumabas na ng kwarto ko si Steven.

"Okay ka na?" tanong niya sabay tingin sa'kin. Natauhan naman ako at tumango. Ngumiti siya. 

"Pagaling ka kaagad bes ha?" singit ni Candace habang nakangiti. Ningitian ko din siya. 

"Oo naman bes. Wag kang mag-alala." sabi ko sa kanya. 

"Buti nalang at Saturday ngayon. Kung hindi a-absent ka ngayon at madaming mami-miss na activities at discussion sa school." sambit ni Terrence. 

Oo, mamimiss din kita bwiset. 

"K-kumusta naman yung pictorial?" tanong ko. 

Magkasama pala sila ni Terrence doon. Geez.

"Ayun, madaming shots ang kinuha sa'min." sagot ni Candace. "Nakakapagod nga." tawa niya. Tumango-tango naman ako. 

"Sayang nga hindi ka nakapunta doon." sambit ni Terrence kaya napatingin ako sa kanya. 

"A-at least diba nagkaroon ka ng pagkakataong makausap at makilala pa itong si Candace."

Halos matawa ako sa sinabi ko.

"Oo nga eh. Di ko akalaing may pagka-daldal din pala itong si Candace." tawa niya kaya hinampas siya ni Candace. 

"Ikaw nga 'tong madaldal diyan eh." sabi ni Candace ng nakangiwi. 

"Joke lang." sabi ni Terrence habang tumatawa. Hinampas nalang siya ulit ni Candace. 

Parang ang gaan na ng loob nila sa isa't isa?


Dumaan ang ilang oras ay nag-kwentuhan lang sila ng nag-kwentuhan. Sinasali naman nila ako pero minsan lang. 

Ang gaan na ng loob nila sa isa't isa at tingin ko ay close na sila. 

Natigilan lang kami nang biglang tumunog ang phone ni Candace. 

"Guys, sorry. I need to go. Nandyan na pala ang parents ko sa baba." sambit niya. 

"Okay sige. Hatid na kita sa labas." sabi naman ni Terrence. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon