Chapter 54

73 2 0
                                    

ILYSB

Violet's POV

"Hi babe!" bati ko kay Aiden na noo'y nanonood ng TV sa bahay namin.

"Oh, babe. Nandito ka na pala." nakangiti niyang sabi at nilapitan ako saka ako hinalikan sa pisngi. "How's your day?" tanong niya.

"Okay lang naman. Kakatapos lang ng photoshoot ko sa "Wear-to-go"." sambit ko at umupo sa sofa. "Dumating na ba sila Mommy?" tanong ko.

"Not yet." sagot niya at tumabi sa'kin sa sofa. "Babe?"

"Hmm?" 

"Do you love me?" tanong niya. Ngumiti ako.

"Of course. I love you Aiden. Bakit mo naman biglang natanong yan? Are you doubting me?" tanong ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. 

"I'm not doubting you. I'm just making sure." sambit niya at hinalikan ang kamay ko. Uminit naman ang pisngi ko.

"Stop doubting okay? Ikaw ang mahal ko. Okay ba yun?" tumango siya. 

"I love you Vi."

"I love you too Aiden..."

~*~*~*~*~*~*~*~

Nagd-drive ako papunta sa cafe na kung saan kami magkikita ni Maxienne nang may biglang tumawag sa'kin.

Sinalampak ko ng bluetooth earphone ko sa tenga ko at saka sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello? Vi?" si Charles.

"Oh! Charles! Napatawag ka?" sabi ko.

"Vi! Haha! Ayon, pwede ka ba mamayang gabi?" tanong niya na ipinagtaka ko.

"Huh? Bakit anmeron?" tanong ko.

"Tutugtog kami." kinurot naman ang puso ko sa sinabi niya. Shaks, how I miss LG already.

"Oh! Sige sige. Saan?"

"Sa The Cliff." sagot niya.

"Malayo-malayo huh? Can I take Aiden with me?" tanong ko kaya natahimik siya. I really need to take Aiden with me because Terrence's there. Saka malayo ang lugar.

"S-sure! The whole squad will be there too. Dalhin mo na siya."

"Alright. Thanks Charles. Bye and see you later!"

"Bye Vi! See you later too."

-Call Ended-

Nagfocus na muli ako sa pagd-drive nang tumigil ako dahil lumitaw ang red light sa stoplight.

Nang makita ko ang billboard na kung saan nandoon ang picture ni Terrence na sa tingin ko ang nasa likuran nito ay ang akin. Ito yung picture niya noong nagpictorial kami sa "Wear-to-go".

Ang gwapo niya talaga.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa inisip ko. Snap out of it Vi!

"Mas mabuti yun para mapa-sa'kin ka na ulit."

*dugdugdugdugdugdug*

Abnormal na puso. Hays.

Geez, ano bang gusto niyang palabasin? Na mamahalin ko ulit siya? Heck no. Bahala siya diyan. I have a boyfriend now at siya ang mahal ko.

Natauhan nalang ako ng businahan na ako ng sasakyang nasa likuran ko at hindi napansing 'go' na pala.

Stop thinking about him Violet. You gave up. You don't love him anymore.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon