Muling Paghaharap
Terrence's POV
This is not happening.
This is not happening..
"Kuya ano ba nakakahilo ka. Kanina ka pa lakad ng lakad sa harapan ko." reklamo ng kapatid ko.
"Hindi ko dapat siyang makita." sambit ko.
"Huh? Are you talking to yourself Kuya? Baliw ka na ata." bumuntong-hininga ako at tinignan ang kapatid ko.
"Hindi ko dapat makita si Violet, Rach!" sambit ko.
"You still love her." direktang sabi ng kapatid ko. Napapikit ako.
"Yes I do---"
"Move on. May boyfriend na siya." napadilat naman ako sa sinabi ni Trina.
"Anong sinabi mo?"
"May boyfriend na si Violet, Kuya. Di mo ba alam? They've been together for 4 years. Kuya, 4 freaking years!" napasinghap naman ako. " And si Aiden Luis Herrera Legazpi ang kanyang boyfriend for your information." ang galing talaga ng kapatid ko, buong pangalan pa talaga ang binanggit!
"Tch. Alam ko."
"Kuya hindi ka na mahal nun. She already gave up on you both diba?"
"Kasalanan ko din naman."
"Kasalanan niya yun. She never believed you---"
"Because I made her believe too many times." sagot ko. "Lagi nalang ako gumagawa ng mga bagay na nagpapasakit ng damdamin niya. Pati yung mga bagay na ikapapahamak niya. She don't deserve someone like me."
"Kuya--"
"Sila na ni Aiden ngayon. Mas deserve niya si Aiden kaysa sa'kin." sambit ko at umupo sa sahig.
"Kuya, wag mong sabihin yan." sabi ni Rach. "You even traveled para lang makita mo siya at pakiusapan na bumalik siya sa'yo. But you seen them together that time. Kuya ikaw 'tong nagpapaka-martyr dito---"
"Karma ko 'to. Nagpaka-martyr din siya sa'kin noon but all I did is to hurt her feelings and reject her---"
"But you said to her that you love her. Siya itong ayaw maniwala."
"Hindi mo siya masisisi Rach. Ilang ulit ko na siyang sinaktan." sagot ko. Bumuntong-hininga ang kapatid ko.
"Kuya if you really love her, win her back. Hindi yung uupo ka lang diyan at hahayaan siyang tuluyang umalis sa piling mo. Don't give up on her until she comes back to you again. Do the times when she was the one who never gave up on you. Ipakita mo sa kanyang mahal mo siya at handa kang magpaka-martyr para sa kanya."
~*~*~*~*~*~*~*~*~
"So Vi's back. May plano ba siyang bumalik ng banda?" tanong ni Manager Elle sa'min.
"Uhh. Hindi pa namin siya natatanong about diyan Manager." sambit ni Charles.
"She's currently busy with other businesses now." sabi naman ni Lean.
"Don't bother her about the band. Hindi na iyon babalik." malamig kong sabi.
"Pano mo naman nasabi yan Terrence?" tanong ni Manager Elle nang biglang tumunog ang kanyang phone. "Excuse me guys. Hello?"
"You still love her don't you?" tanong ni Lean kaya napatingin ako sa kanya. Di ako sumagot. "You still do. Tama na yan Terrence. She already loves somebody else."
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...