Still into you
Terrence's POV
Pinaharurot ko ang range rover ko nang biglang himatayin si Violet sa labas ng mall kanina.
Din-rive ko ang range rover ko papunta sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya nila para matignan na din siya ng kanyang ina na doctor doon.
Pagkarating ko naman doon ay agad ko siyang binuhat papunta sa ER.
She's still unconscious.
"Yes Sir ano pong maitutulong na--- Miss Vi!" nataranta ang nurse na lumapit sa'kin at agad ding nagsilapitan ang ibang nurse sa kanya.
"Nahimatay siya bigla. Please check on her please." agad siyang inihiga sa isang hospital bed.
"Tatawagan na po namin si Madam President (mommy ni Vi)." tumango naman ako sa sinabi noong nurse.
Tinignan ko lang si Violet na noo'y inaasikaso ng mga nurse at nakita na si Tita Phoebe, ang mommy niya.
"Anong nangyari sa anak ko?" taranta niyang tanong at agad ding inasikaso ang kanyang anak.
"Unconscious po siya Doc." sagot naman noong isang nurse. Tinanggal na ni Tita ang kanyang stethoscope.
"Over fatigue." sambit ni Tita. Napahinga naman ako ng malalim. Buti walang nangyaring masama sa kanya. "Take her to the VIP Room. Sinong nagdala sa kanya dito? Si Aiden ba?"
"Hindi po Doc! Yung artista ho. Si Terrence Chua po ba yun?" sagot naman nung isang nurse.
"Nasan siya?" tinuro ako nung nurse kaya otomatikong napatingin sa'kin si Tita Phoebe. Ngumiti siya sa'kin at bumaling muli sa mga nurse. "Sige na. Dalhin niyo na si Vi sa VIP Room. Kakausapin ko muna si Terrence."
"Sige po Doc." tumango siya at umalis na ang mga nurse kasama si Vi.
Nilapitan ako ni Tita Phoebe.
"Good afternoon po Tita." bati ko at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik.
"Good afternoon din hijo. Salamat sa pagdala kay Violet dito agad." tumango naman ako.
"Wala pong problema Tita. May sakit po ba si Vi?" umiling siya.
"Wala hijo. Sadyang mabilis lang siyang mapagod kaya nagkakaganyan siya. Pero magiging okay din siya." bumuntong-hininga siya. "Akala ko si Aiden ang nagdala sa kanya dito pero nagulat ako ikaw. Magkasama ba kayong dalawa kanina?" umiling ako.
"Nasalubong ko lang po si Vi sa isang mall. Tapos po nakita ko siyang dire-diretsong tumawid ng kalsada. Buti nga po nakita ko siya agad para mailayo doon. Tapos po, yun na. She passed out." huminga si Tita ng malalim.
"I think that girl cried again." nagtaka naman ako sa sinabi ni Tita. "Vi's feelings are sensitive. She's fragile. Vulnerable. Madaling masaktan. That's why we need someone who could take care of her and will not hurt her feelings." sambit ni Tita. "And I think may nangyari nanamang di maganda sa kanilang dalawa ni Aiden." napabuntong-hininga naman ako. "Terrence, didn't you know that Vi left the country because of you?"
"I-I'm aware of that Tita." sagot ko naman.
"Is it true that you didn't loved my daughter?"
"Yes Tita." napangiti naman ako sa reaksyon niyang gulat. "I didn't loved her because I still love her until now." napangiti naman siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...