Chapter 48

68 1 0
                                    

Thank you

"Thank you Aiden." sambit ko kay Aiden pagka-kalas ko ng aking seatbelt.

"Do you want me to come with you?" tanong niya. Agad na akong umiling.

"No, hindi na kailangan. Baka hinahanap ka na din sa inyo. You better go home." sabi ko sabay ngiti. Bumuntong-hininga siya saka ngumiti din.

"Alright then." sagot niya. "Good night Vi."

"Good night too Aiden. Magi-ingat ka." tumango siya at nagulat ako nang halikan niya ang noo ko.

"Always remember that I love you Vi. I will always love you.."

~*~*~*~*~*~*~

"Bakit ba kasi ayaw mo siyang bigyan ng chance?" tanong ni Max.

"Aiden was always the one who's always been there for you. Lalo na pag nasasaktan ka kay Terrence. Siya ang sumasalo sa'yo." sambit naman ni Dimple.

"He always protects you from Terrence na wala namang ibang ginawa kundi ang saktan ka." sabi ni Max. Napabuntong-hininga ako sa sinasabi nila. 

Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon at pinaguusapan si Aiden.

"Do you really think I should give him a chance?" tanong ko.

"Yup. You need to. Hayaan mong ipakita niya sa'yo kung gaano siya kaseryoso sa'yo. Aiden's a keeper. Mahahalata mo sa kanya kung gaano din siya magmahal." sabi ni Max.

"Saka isa pa. Sasaluhin ka naman niya kung sakali mang mahulog ka din sa kanya eh." sambit naman ni Dimple.

"P-pero alam niyo namang mas hulog ako kay Terrence--"

"Then tell him directly." biglang sabi ni Max kaya napatingin kaming dalawa ni Dimple sa kanya. "Tell him na wala siyang pag-asa sayo---"

"P-pero he said that he'll never give up on me at masasaktan siy---"

"Then let it be. Tingin mo ba hindi siya nasasaktan in the way na lagi mong pinapamukha sa kanyang mahal mo si Terrence? Vi mas lalo siya masasaktan kung hindi mo pa siya ir-reject directly. Umaasa kasi yung tao eh." sagot ni Max.

"May point si Maxienne." sambit ni Dimple. "Kung hindi mo pa siya ir-reject, lalo siyang aasang may pag-asa siya sa'yo." dugtong niya.

Kailangan ko na ba talaga siyang i-reject?

~*~*~*~*~*~*~*~

"Mali sila Maxienne." sabi naman ng pinsan ko habang nagd-drive papunta sa agency. 2 weeks nalang kasi at Christmas ball na at kailangan na naming mag-practice para sa performance namin doon. 

"Huh? Paanong mali?"

"Sinayang mo yung taong alam mong siya lang ang magmamahal sa'yo ng tunay pag ginawa mo yun. You will lost a person na walang ibang ginawa kundi ang mag-stay sa tabi mo kahit alam niyang may mahal kang iba. Paano nalang kung hindi ka talaga kayang mahalin ni Terrence, who will be your crying shoulder? Sinong magiging comforter mo?" napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Steven. "Ni hindi mo pa nga alam kung nakamove-on na nga si Terrence kay Candace eh." dugtong niya.

"Pero masasaktan lang siya---"

"Kung iyon ang iniisip mo regardless kung gaano siya ka-importante sa'yo. Then do what Max and Dimple said. Reject him directly." napabuntong-hininga na lamang muli ako. 

Tumigil na ang Montero Sport ni Steven sa tapat ng agency.

Kinalas ko na ang seatbelt ko at lumabas ng front seat para kunin sa back seat ang aking gitara. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon