Hericane
"Saan ka ngayon Terrence?" tanong kong muli pero di na siya sumagot. "Hello? Terrence!"
-engengeng-
Paksht!
"What's wrong Vi?" naga-alala ding tanong ni Lean.
"T-tumawag si Terrence at sinabi niyang kailangan niya ako." sagot ko.
"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ni Charles.
"That's what I'm being frustrated about! Hindi ko alam kung nasaan siya!" sagot ko. Nakita kong tumingin si Lean sa kanyang orasan.
"Its already 8:30 pm. Iisang lugar lang ang pwede niyang puntahan." sabi niya.
"S-saan? Can you tell where it is?" tanong ko habang patuloy na naga-alala kay Terrence.
"I'm sure nung tinawagan ka niya may naririnig kang maingay na tugtugin sa background niya." tumango ako at nagulantang nang tumayo siya.
"Nag-away nanaman sila." sambit ni Charles. Natauhan ako sa mga sinabi nila.
"S-so ibigsabihin nasa bar siya?" tanong ko. Tumango ang dalawa.
"Tara. Let's go, bago pa siya mapahamak doon." sambit ni Lean na ipinagtaka ko.
Lagi ba siyang napapahamak pag pumupunta ng bar?
~*~*~*~*~*~*~
"Lagi kasi siyang nanggugulo sa mga tao sa bar pag lasing na siya." sabi ni Lean nang tinanong ko kung lagi ngang napapahamak si Terrence pag pumupunta siya sa bar.
"Buti na nga lang at mababait ang mga tao dun at di siya dinedemanda o ano man. Lagi nalang siya nagp-post or nagt-tweet ng public apology niya sa tuwing nanggugulo siya." sambit ni Charles habang nagd-drive.
Iyong kumag talaga na yun. Argh!
"G-ganun ba." iyon nalang ang nasabi ko.
"Kaya hindi ka dapat pumunta mag-isa dun." sambit ni Lean.
Tahimik na lamang ako sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bar. Nag-park na si Charles doon at pagka-park niya ay bababa na sana ako nang magsalita si Charles.
"Vi, you can't come inside. Delikado saka di ka pa talaga pwedeng pumasok doon dahil 17 ka palang." sambit niya na ipinagtaka ko.
"Huh? Eh bakit si Lean pwedeng pumasok?"
"I have my VIP Pass Vi." sagot ni Lean. "Stay here. Kami nang bahala kay Terrence." dugtong niya. Tumango na lamang ako.
"S-sige, magi-ingat kayo." talagang kailangan nilang mag-ingat dahil baka napa-away nanaman si Terrence doon at mapa-subo silang dalawa!
Pumasok na ang dalawa sa bar at nanatili lamang akong nakaupo sa loob ng kotse ni Charles habang naga-alala para sa kanila.
(10 minutes later..)
Argh! Ang tagal nila! Ano na kayang nangyayari sa loob?
Hindi ko talaga maiwasang maga-alala.
Habang niyayakap ko ang unan dito sa may backseat ni Charles at tinignan ko muli ang bungad ng bar at naaninag ang dalawang lalaking inaalalayan ang isang lalaki na makatayo at maglakad ng maayos.
Teka... Sila na yun!
Agad-agad kong binitawan ang unan at dali-dali akong lumabas ng kotse ni Charles at nilapitan sila.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...